Hermione's POV
Habang nakikinig ako sa kanya, pansin ko ang mga luhang umaagos mula sa magkabilang-mata niya. Parang nahawa rin ako kasi, napaiyak na rin ako eh.
" Kaya pala minsan..napakasama niyo, Sir Shawn. Kasi may mabigat kayong pinagdaanan na hindi pa kayo nakakarecover hanggang ngayon. Naiintindihan ko na po ang lahat "
" You understand my story but not what I felt. Hindi mo alam kung gaano kasakit ang iwan ng minamahal "
Napangisi ako.
" Akala niyo ba hindi ako nasaktan nang iwan ko yung Nanay ko ? Akala niyo ba hindu masakit sa akin ang lumayo para lang kumayod para sa pamilya ko, Sir ? Nagkakamali ho kayo, hindi ho lahat ng sakit mula sa girlfriend o boyfriend lang. Mas masakit po, Sir. Kung pamilya mismo ang nang-iiwan at naiiwan "
Hindi siya nakakibo sa sinabi ko. Tinungga ko muli ang huling shot ng alak, tumayo ako para bumalik na sa room ko kaya lang biglang umikot ang mundo ko. Matutumba na sana ako ng saluhin ako ni Sir Shawn. Inihiga niya ako sa kama.
Hindi ko alam pero nawalan ako ng lakas, naramdaman ko na naging malikot ang mga kamay ng amo ko sa damit ko. Pilit ko siyang pinipigilan subalit napakahina ko.
" Carter ? What are you doing ? "
Si Luke, naku salamat sa Diyos at dumating siya. Muntik nang mangyari ang gustong gawin ni Sir Shawn sa akin.
Napalayo sa akin si Sir Benny, nilapitan naman ako ni Luke. Hinubad ang suit niya at ibinalot ito sa akin.
" Nothing. Siya nga itong lasing eh, muntik na kasi siyang matumba kanina kaya inalalayan ko na. Ako na nga yung tumulong eh "
" Stay here ! Mag-uusap tayo pagbalik ko. Ihahatid ko lang si Hermione sa room niya "
Hindi na kumibo si Sir Shawn, binuhat ako ni Luke at dinala sa kwarto. Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil nawalan na ako ng malay. Sa mga bisig niya ata ako nakatulog, ang sakit pa ng ulo ko..
Luke's POV
Nang masigurado ko na nakapagpahinga na si Hermione, bumalik ako sa room namin ni Shawn. Ano bang pumasok sa isip niya at pati maid niya hinahayop niya. Hays !
Padabog kong binuksan ang pinto at nakita ko pa siyang umiinom parin, dinampot ko yung alak sa table. Iniligpit ito pati ang basong ginamit niya.
" Tigilan mo na nga ang pag-iinom, Carter. Hindi mo ba alam na nakakasama sa katawan ito "
Ngumisi ito.
" Doctor ka na rin pala ngayon, Luke "
" Hindi ako nakikipagbiruan sayo, Carter. At kanina, ano ang balak mo kanina kay Hermione ? Iba siya sa mga babaing sinisiping mo, Carter. May dignidad si Hermione iniingatan niya, huwag mo naman sanang sirain ang kinabukasan niya. Magpinsan tayo, Carter. At mula pa noon kilala ko na kung ano ka kaya huwag naman si Hermione. She's kind "
He chuckled.
" Hindi na talaga ako magtataka kung darating ang araw na malalaman ko nalang na kayo na nang personal maid ko. Grabe ang concern mo sa kanya, Dude "
" Carter, alam mo na ganito ako sa lahat ng mga maid na naka-assign sayo. Pinagsasabihan kita dahil hindi lahat ng ginagawa mo ay tama "
" Pero iba ang trato mo kay Hermione, kaysa sa mga nagdaang maid ko. Look, umalis ako sa bahay kasi naririndi ako sa mga bulyaw nina Mom and Dad sa akin. But you, c'mon "
Huminahon ako at tinabihan siya sa pag-upo.
" Look, hindi ko sinasadyang pagsabihan ka. What am I saying is, bigyan mo naman ng kaunting respeto ang personal maid mo. Kahit katulong lang siya karapatan parin niya ang erespeto siya. Huwag mo'ng hayaang magalit ang mundo sayo, carter. Magsorry ka sa kanya bukas "
" Ano ? Ako magsosorry sa kanya ? Wala naman akong ginawa, ah "
" Kung hindi ako dumating, nangyari na ang hindi dapat mangyari. Kilala kita, carter. Magaling ka sa mga babaeng lasing na "
" Fine..Fine, nadala lang naman ako sa mapupulang labi niya. Hindi ko napigilan ang sarili ko, eh "
" See. Kaya bukas hihingi ka ng sorry sa kanya, maging mabait ka na rin sa kanya "
" Magsosorry lang ako pero hindi ko pa maipapangako na magiging mabait ako sa kanya "
" I'll give you some time for that, carter. Alam ko na babait ka rin sa kanya, tara magpahinga na tayo. Marami tayong gagawin bukas "
" Huh ? "
" May isang linggo akong out of duty, nagkausap kami ng client ko na next week na namin pag-uusapan ang kaso. Pag-aaralan ko muna ito, kaya mag-enjoy tayo habang nandito tayo. Sige, bihis muna ako "
Tumango lamang ito. Nagtungo na ako sa banyo at nagbihis na nang pantulog.
Sobrang napagod ako today, hindi lang naman kasi isang case ang inaasikaso ko sa lugar na ito..kundi tatlo. Hindi ko pa nasasabi kay Stephanie at carter na aabot kami ng dalawang buwan rito...
***†***†***†***
pls! dont forget to
vote and comment❤️
BINABASA MO ANG
The Maid
General Fiction"When you realize you want to spend the rest of your life with somebody, you want the rest of your life to start as soon as possible."