Hermione POV
Napabuntong-hininga ako nang nasa tapat na ako ng room ng magiging boss ko.
Hays. Sana mapatino ko ang mokong na ito, at baka pwede pang maayos ang ugali nito.
Kinatok ko ito.
" Come in "
Dinig ko mula sa loob ng kwarto, pinihit ko ang pinto. At pumasok sa loob.
Naka-topless parin siya, napapikit ako habang kinakausap siya.
" Yes ? "
" Uhm, maaari ko po bang malaman kung ano po ang gusto ninyong meryenda, Sir ? "
" Paano tayo magkakaintindihan kung nakapikit iyang mga mata mo ? Do you find me...sexy ? "
Hindi po ! Nakakabastos siya tingnan. Naku kung hindi ko lang talaga siya amo baka ininsulto ko na siya, pero kailangan nating magtiis at magpakumbaba.
" H-hindi lang ho ako sanay, Sir. Sa mga lalaking naka topless, wala kasing ganyan sa probinsiya namin "
" I see "
Tumayo ito at nagdamit.
Lumapit siya sa akin.
" Next time if you want to do youre job masanay ka na nang nakikita mo akong nakatopless dahil araw-araw ito ang ginagawa ko "
" Hindi ho ba kayo nilalamig, Sir. Malakas ho yung aircon niyo tapos naka-topless pa kayo "
" Ano bang pakialam mo ? "
" Sorry, Sir. Nagtatanong lang naman po ako "
" Stop asking stupid question ! Pinakaayaw ko sa lahat ay yung matanong, understand ? "
Bulyaw niya sa akin.
" Opo "
" Good, buti madali kang nakakaintindi. I want alcohol "
" Alcohol ? Alak po ? "
Inismiran niya ako.
" O-opo, k-kukunin ko na po. Sorry po "
Madali akong lumabas ng silid at kinuha ang alak na gusto niya. May sariling bar ang mansiyon kaya doon ako natungo. Pero kailangan ko pang mag elevator para makapunta agad roon. Ngunit hindi ako sanay sa elevator, ang sabi ng kaibigan ko doon nakakalula daw yung elevator kapag unang sakay mo nito. Totoo kaya ?
Pinasya ko'ng maghagdan nalang, nagdalawang-isip akong mag elevator. Nagtanong ako kung saan ang bar room, nang maituro ito sa akin agad akong nagtungo roon. Ngunit hindi ko parin ito mahanap.
" Nasaan na ba ako ? Sabi ko na nga ba maliligaw ako dahil sa laki ng mansiyon na ito "
Ilang sandali, hindi ko namalayang may nakabangga ako. Muntik na akong mawalan ng balanse mabuti nalang nasalo niya ako. Nagkatitigan kami. Ako na ang naunang umiwas ng titig na iyon. Napatikhim ako.
" Sorry po, Sir. Kasalanan ko po "
" Don't be sorry, my mistake too. Masyado akong busy sa phone, wait..are you new here ? "
" O-opo, eh. Paano niyo po nalamana ? "
" Ngayon lang kasi kita na-meet "
Napatango ako.
" Do you want any help ? "
Sakto naliligaw na naman ako, itatanong ko nalang sa kanya kung nasaan yung bar room.
" P-pwede po bang magtanong, Sir ? "
" Yes, ofcourse "
" Saan ho ba yung...bar room ? "
" Samahan na kita doon para sa sunod na pagpunta mo mahanap mo agad . Wait, anong gagawin mo pala doon ? "
" Si..Sir Shawn po kasi, gusto niya ng alcohol. Bad mode po ata "
" Shawn...sabi ko na nga ba ikaw ang bagong personal maid niya. Come I'll show you the bar.."
" Salamat ho, Sir. "
Mabuti nalang hindi lahat ng tao dito katulad ng ugali ni Sir Shawn, mabuti pa si Sir Ewan mukhang mabait. Gwapo din siya.
†**†***†***†***†
Wahhhh!! Thank you in advance reader's I Wabyu❣ Dont for get to vote and comment
BINABASA MO ANG
The Maid
General Fiction"When you realize you want to spend the rest of your life with somebody, you want the rest of your life to start as soon as possible."