Hermione's POV
Habang nasa biyahe kami, tumunog yung selpon ko. May nagtext, binuksan ko iyon at binasa. Si Madam, nagtext.
" 𝑆𝑒𝑛𝑑 𝑚𝑒 𝑝𝑖𝑐 𝑖𝑓 𝑦𝑜𝑢 𝑡𝑎𝑘𝑒 𝑎 𝑐𝑎𝑝𝑡𝑢𝑟𝑒𝑑 𝑜𝑓 ℎ𝑖𝑠 𝑠𝑚𝑖𝑙𝑒. 𝐺𝑜𝑜𝑑𝑙𝑢𝑐𝑘 𝑎𝑛𝑑 𝑇𝑎𝑘𝑒 𝑐𝑎𝑟𝑒 "
Napangiti ako. Kunsabagay, isang kaligayahan na rin ang makita ng isang ina ang ngiti ng kanyang anak.
" Binili ba yan ni Carter para sayo ? "
Tanong sa akin ni Sir Luke, napabaling ako sa kanya.
" Hindi po, si Madam po ang bumili nito para sa akin "
" Ah I see, bakit ? Hindi ka ba binilhan ni Carter ? "
Nilingon ko si Sir James sa backseat ng sasakyan, nakapikit ito habang suot ang headset nito. Binalingan ko muli si Sir Benny.
" Nagtalo nga kami kagabi eh, kasi hindi ko raw sinabi na wala pa akong selpon "
" Really ? Nakipagtalo ka sa kanya ? Amazing.."
Napakunot-noo ako.
" Bakit ? "
" Eversince kasi walang nakipagtalo kay Carter maliban sa mga magulang nito na palagi siyang napagsasabihan. Pero ikaw na personal maid niya nagawa mo'ng makipagtalo sa kanya. Nakaka-impress naman "
Napalunok ako ng marahan.
" Kasi naman denedepensa ko lang ang side ko, hindi kasi ako pinalaki ng mga magulang ko na maagrabyado. Hindi ko naman sinasadya na sumagot sa kanya, oo wala akong karapatan kasi maid lang ako at amo ko siya. Pero hindi ko naman kasi gustong hindi naririnig ang side ko "
" You are a strong woman, hindi na ako magtataka kung mapaamo mo ang pinsan ko "
" Mapaamo ? "
" Yes as like what you said, nagawa mo nang makipagtalo sa kanya. Without knowing what will happend next, napakatapang mo sa bagay na yun "
Napangiti ako ng kusa.
" Kahit kailan hindi ako mapapaamo ng isang maid, Luke. Tandaan mo yan "
Napakagat-labi ako. Nakikinig pala ang bruho, kasi naman akala ko abala ito sa pakikinig ng kung ano sa headset niya.
Nagkatinginan kami ni Luke bago ito nagpasyang abalahin ang sarili sa pagmamaneho.
" Carter, what I mean is baka siya na ang makakapagpagaan ng loob mo. Like makakaintindi sa sitwasyon mo, brokenhearted ka diba ? "
" Hindi siya makakatulong sa recovery ko, Luke. Sa mga gawain sa bahay, oo meron. Pero sa buhay ko, hindi. At sino ba siya para pumayag ako na manghimasok sa buhay ko ?"
" Dude, your too harsh. Dinibdib mo naman agad, if nga hindi ba ? "
" Kahit if pa yan, wala parin siyang maitutulong "
Sumusobra na talaga siya. At anong akala niya sa akin, interesado akong halungkatin o alamin ang dahilan ng pagiging broken hearted niya ? Hindi no. Kahit pa maglupasay siya sa tindi ng sakit hinding-hindi ko siya dadamayan..hindi kahit kailan.
" Sorry, Hermione. Hindi mo dapat iyon naririnig mula sa kanya "
" Huwag ho kayong magsorry, Sir Luke"
" Oops, anong sabi ko ? "
" Ay Luke pala, kasi naman sinasanay ko pa ang sarili ko na tawagin ka ng ganoon "
" Isa pa yan, Insan. Hinahayaan mo ang maid ko na tawagin ka lang Luke? "
" Ofcourse, Carter . We're friends, anong masama dun ? "
Hindi ito nakakibo. Ipinikit na niya muli ang mata niya at umidlip nalang.
" Minsan talaga, napakaseloso ng pinsan ko'ng ito. Ni isa kasi sa naging maid niya hindi siya pumayag na tawagin akong Benny lang. Pero ikaw, okay lang din naman sa akin. Magaan nga ang loob ko sayo eh "
Napangiti ako ng kaunti, talaga ? Hindi ko inaasahang marinig yun. Una palang kasi, magaan din ang pakiramdam ko sa kanya. Pero sa mokong na ito ? Diyos ko ! Parang gusto ko nalang manakal ng tao.
***†***†***†***
Thank you for reading💜 dont forget to vate and comment
BINABASA MO ANG
The Maid
General Fiction"When you realize you want to spend the rest of your life with somebody, you want the rest of your life to start as soon as possible."