Chapter 21

25 1 0
                                    

Shawn Carter POV

Padabog ko'ng isinara ang pinto ng room ko, dinampot ko yung cellphone ko na nasa kama at tinawagan si Luke. Sinagot naman niya ito.

" Luke "

" I'm on my way, Shawn. You can't stop me "

" Hindi naman kita pipigilan, eh. Ang sa akin lang naman dapat tinawagan mo rin ako. Bakit si Hermione lang ang pinaalam mo na babalik ka na pala rito "

" Are you mad or are you jealous ?"

" Both ! "

Narinig ko ang paghagikhik ni Luke mula sa kabilang-linya.

" Are you laughing ? Hindi ito nakakatawa, Luke ! "

" Fine, Fine. I'm sorry, I didn't called you last night. Baka kasi pigilan mo na naman akong makabalik diyan. To tell you frankly, mula makita ko si Hermione I can't thinking of Stella at her. Kahawig niya kasi talaga si Stella. Galing na mismo sa iyo hindi ba ? They are alike "

Sinasabi ko na nga ba. Kapag nakikita niya si Hemione naiisip niya si Stella. His long lost wife. Namatay ang asawa niya noon sa isang plane accident. Ang tanging natanggap nalang ni Luke noon ay ang abo nito. Nararamdaman ko ang pangungulila ni Luke sa asawa niya kaya hindi ko ito masisisi kung bakit nakikita niya ito kay Hermione. The way Hermione acts, Stella can cooked, too.

" Are you still there, Shawn?"

" I am. Siyanga pala ipinagluto ka ni Hermiome, she's waiting "

" I know "

" Dude, I think Hermione likes you "

" You think? Paano ? "

" Tinanong ko kasi siya kanina if she likes you, but she just turn around and change the topic "

" I see "

" But she cares about you "

Hindi ko na narinig si Luke mula sa kabilang linya dahil naputol na ito. Bumuntong-hininga ako. Bakit ramdam ko na mabigat ang dibdib ko ?

Speaking of Stella, she was my highschool ex noon bago dumating si Pearl sa buhay ko. Stella is just my toy, pero noong nalaman ko na may gusto pala siya kay Luke I was hurt. I don't know why but I felt it. I let go of her, naging sila nga ni Luke at madali ko itong natanggap noon kasi nakilala ko agad si Pearl. When they get married, Stella has also graduated on her course. She's a doctor, and ini-assign ito sa abroad. Hindi sana papayag si Luke pero kailangan itong gawin ni Stella. So she left. But years passed, papauwi na siya noon but nag-crashed yung plane na sinakyan niya. It was a private plane. Umuwi itong abo nalang. Doon gumuho ang mundo ng pinsan ko.

Hermione's POV

Nakaayos na ako at handa nang humarap kay Luke, hinintay ko siya sa parking lot. Napalinga-linga ako, hindi mahagip ng mga mata ko si Sir Shawn. Nasaan kaya siya ? galit kaya siya sa akin ?

Nang masilayan ko sa di kalayuan sa kinatatayuan ko ang kotse ni Luke, kinaway ko ito. Napansin ko naman na ngumiti siya at gumanti ng kaway sa akin.

Naiparada na niya ang kotse niya at bumaba na nang sasakyan.

" Kanina ka pa ba diyan ? "

" Hindi naman masyado. Napagod ka ba sa biyahe ? "

" Not so, ow ! You look good in that dress "

Napasulyap ako sa suot kong floral dress, ito kasi ang nakita ko sa closet kanina kaya wala na akong choice kundi ito ang isuot.

" Salamat. Bili mo ito hindi ba ? Sinubukan ko lang sukatin "

" Bagay sayo "

Saglit kami nagkakatitigan.

" Hindi pa ba tayo kakain ? "

Napaatras ako ng sumulpot bigla sa likuran ko si Sir Shawn.

Tsk ! Badtrip..

" Welcome back, Insan "

Nagkibit-balikat si Sir Shawn kay Luke at inaya na niya ito sa loob ng cottage. Doon ko kasi inayos ang mesa pati ang pagkain.

" Hmp ! Taste good "

Ngiting saad ni Luke ng matikman niya ang luto ko.

" Salamat naman at nagustuhan mo ang niluto ko, Luke"

" Ofcourse, ikaw ang nagluto eh "

Ngumisi ng paloko si Sir Shawn. Anong ibig sabihin ng ngiting yun ? Nang-iinis ba siya ?!

" Tinikman ko nga kanina yan..masyadong maalat "

Nagsalubong ang dalawa kong kilay. Sinulyapan ko si Luke, hindi ito umimik.

" Anong...maaalat, Shawn. Its taste good nga eh, sakto lang sa timpla "

" Sus, aminin mo na kasi insan. Hindi naman talaga masarap ! Ayaw mo lang sabihin sa kanya kasi ayaw mo'ng mapahiya siya. Excuse me. I'll go to my room "

Nag-init ang mga mata ko sa mga narinig mula kay Sir Shawn. ilang sandali unti-unti nang nagbagsakan ang mga luha ko sa mga mata. Akmang lalapitan ako ni Luke ngunit umiwas ako.

" Mali siya, Hermione. Sakto naman sa timpla ang sinigang mo, hindi naman siya maalat eh. Wait, don't tell me..akala ko ba mabait na siya ngayon ?"

Pinahid ko ang mga luha ko sa mga mata.

" Hindi ko nga alam kung bakit inis siya sa akin ngayon, eh. Siguro dahil kanina "

" Kanina ? "

" Ipinagluto kasi kita, akala kasi niya para sa kanya yung sinigang na niluto ko. Sinabi ko lang naman na para sayo ito eh. Ipagluluto ko naman siya kaya lang nagwalk-out eh "

" I see. Nagselos siguro yun, alam mo naman na siya ang pinagsisilbihan mo at hindi ako "

Napakagat-labi ako.

" Luke, pwede bang makiusap sayo ? "

" Oo naman. Ano yun ? "

" Pwede mo bang kausapin si Sir Shawn. Ihingi mo naman ako ng sorry sa kanya, please ? "

" Sige, in one condition "

" Kondisyon ? Ano naman yun ? "

" Date me "

" Date you ? Huh ? "

" Usap tayo later tungkol dun. Puntahan ko muna si Shawn"

Napaisip ako. Bakit gusto niya akong e-date ? Seryoso ba siya ?

The MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon