Chapter 6

50 19 3
                                    

Hermione's POV

Nang maluto na ang adobong pusit na inihanda ko para sa suplado ko'ng boss, agad ko itong inilagay sa mangkok at inayos sa lalagyan ng tray. Dahan-dahan akong umakyat sa taas at kinatok ang pinto niya, bumukas iyon at iniluwa siya.

" Put it in there "

Napatango nalang ako ay inilapag ko nga ito sa side table na malapit sa kama niya.

" Have a sit, Hermione "

Wait ? Alam niya ang pangalan ko ? Nagpakilala na ba ako sa kanya ? Ay oo nga pala ipinakilala ako sa kanya ni Miss Agent.

Napaupo naman ako, bakit...ang bait ata niya ngayon ?

Kinuha ko yung maliit na notebook at pen sa bulsa ng uniform ko.

" Ay oo nga pala, Sir. Heto nga pala yung notebook at pen na pinadala niyo sa akin "

" Keep it "

" Bakit po ? "

" I have some important discussion for you that you have to write it in that notebook "

" Tungkol ho saan, Sir ? "

" Tungkol sa trabaho mo, kasi nalaman ko lately na hinihintay mo raw ako kanina sa labas ? Is it true ? "

" O-opo "

" At first hindi naman ako maagang nagigising, Stephanie. Second, banda alas otso dapat ginigising mo na ako. Pagkagising ko dapat may nakahanda nang pampaligo ko't susuotin ko na damit. Kailangang nakahanda na rin ang breakfast ko. Ilagay mo sa note ang mga kakainin ko this week. Okay ? "

Napatango ako ng marahan.

" Wala ka bang sasabihin ? Wala ka bang itatanong ? "

" Kasi sabi niyo pinakaayaw niyo yung matanong..kaya hindi na ho ako magtatanong "

Pansin ko ang pagkunot ng noo nito.

" Makakalabas ka na "

Nainis ata ang mokong. Lumabas nalang ako na may halong ngiti sa labi, ayan nakaganti rin ako. Napakunot ko rin yang mga noo mo.

Bumaba na ako at kumain na rin. Ginutom ako. Bakit naman kasi sa dinami-dami ng pagsisilbihan ko, siya pa talaga.

Natigil ako sa pagsubo ng pagkain, nang mamataan ko ang isang babaing nakasimangot. Batid ko taga mansiyon din ito, magara kasi yung suot at maganda.

Tinapos ko na ang pagkain ko at ginawan ko siya ng lemonade. Napatingin naman siya sa akin ng iabot ko ang lemonade na gawa ko.

" Are you...knew here ? "

" Ay opo, Ma'am. Ikalawang araw ko po ngayon sa trabaho, yung lemonade po kung ayaw niyo sabihin niyo lang "

" No, I like lemonade. Thank you for this, who hired you by the way ? At saan ka naka set up ?"

Napangiwi ako..

" Kay Sir.. Shawn po, Ma'am "

" Kay kuya ? Really ? Oh my gosh, bago na naman ang maid ni Kuya. Napakarude talaga niya. Is he treating you bad ? "

" Ay naku, Ma'am. Kasalanan ko naman po, tsaka okay lang ho. Bilang katulong kailangan ko lang pagbutihin ang trabaho ko "

" I see , kaya lang napaka-rude niyan si Kuya. Heartbroken kasi siya "

Heartbroken ? Marunong palang masaktan si mokong ?

Hindi na ako nakapagtanong ng bakit dahil namataan ko si Sir Shawn na bumaba ng hagdan. Napatikom ako ng bibig at nagtungo sa kusina..

***†***†***†***

Dont forget to vote and comment💜

The MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon