Chapter 19

27 3 0
                                    

Hermione's POV

Send..

Senend ko na kay Madam ang smiling face picture na nakuha ko kanina sa dagat.

Nakatanggap ako ng message mula kay Madam.

" Good job, keept it up "

Napangiti ako. Napakadaling trabaho naman ito, papangitiin lang ang monster ko'ng amo.

" Sino yan ? "

Muntik nang mahulog ang selpon ko sa sobrang pagkagulat.

" Luke ! Ikaw pala yan, nakakagulat ka naman eh "

" Who do you expect ? "

Bumuntong-hininga ako.

" Akala ko kasi si Sir Shawn na, alam niyo naman na may secret mission ako "

Ngumisi ito.

" Sorry to interrupt. Pero kailangan ko'ng magpaalam sa inyo ni Shawn "

Kumunot-noo ako.

" Bakit ? Saan ka pupunta ? "

" Babalik muna ako sa maynila, may kukunin lang ako doon tapos babalik ako agad. Okay ? "

" Basta babalik ka kaagad ha ? "

Nagkibit-balikat siya. Uminit na naman ang pisngi ko.

" Don't worry kinausap ko na si Shawn, magpapakabait na siya. Tsaka babalik naman talaga ako agad, remember may kaso ako'ng inaasikaso dito kaya kailangan ko rin makabalik agad "

Nakaramdam ako ng lungkot, hindi dahil maiiwan ako kundi mawawala sa paningin ko si Luke. Tingin ko kasi crush ko na siya, sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya ? Mabait siya, maaalalahanin, generous, tapos siya pa ang savior ko sa manyak ko'ng boss.

" You'll be fine, Hermione. Tawagan mo lang ako kapag may ginawang kalokohan ang pinsan ko. Okay ? "

" Ingat ka dun, teka kailan ka ba aalis ? "

" Ngayon. Para maaga din akong makabalik "

Inihatid ko nalang siya sa parking lot, nagpaalam muna siya bago niya pinaandar yung sasakyan.

Mamimiss ko siya ? Ano ? Baliw na ba ako ? Bakit ko naman siya mamimiss eh hindi naman kami ? Tsaka friends lang ang tingin ni Luke sa akin. Malayo ang agwat naming dalawa. Mayaman siya mahirap lang ako, abogado siya samantalang isang hamak na maid lang ako. Walang tatanggap sa isang maid, ramdam ko yun. Kahit hindi pa sabihin. Mas mabuti na sa akin mismo manggaling para hindi naman masyadong masakit.

Hermione's POV

Laglag ang balikat ko habang pabalik ako ng room ko, ngunit natigil ako sa paglalakad nang mamataan ko si Sir Shawn sa tapat ng hagdan.

" Where have you been ? "

" Inihatid ko lang po si Luke sa parking lot, aalis kasi siya "

" Kaya ka ba malungkot ? "

" Medyo "

Bigla niyang binigay sa akin ang isang basket, muntik na akong mawalan ng balanse dahil sa bigat ng basket na ibinigay niya sa akin.

Wow ! Napakagentleman mo talaga !

" Samahan mo ako "

" Saan ? "

" Bumalik tayo sa cottage "

Nauna itong naglakad, sumunod naman ako. Nang nasa cottage na kami, tumaas ang isang ko. Maganda ang pagkakaayos ng mesa, at may flower at vase pa sa gitna. Inilapag ko sa isang mesa ang basket na bitbit ko.

" Ano pong meron, Sir Shawn ? "

" Umupo ka diyan. Ipagluluto kita "

Napakamot ako sa ulo, bumabawi siya ? saan ?

Pinagmasdan ko nalang siya habang nagluluto, nakasuot lamang ito ng summer short at puting sleeveless. Hindi ko alam na marunong pala siya magluto.

" Food is ready "

Sumilay ang ngiti ko sa mga labi nang ilapag niya sa mesa ang adobong talong, sarsang telapia at orange juice sa mesa.

" Para saan ba ito, Sir shawn? Hindi ko naman birthday ah "

" Bumabawi lang naman ako sayo, Hermione. I know I made a mistake, kaya nga kita ipinagluto eh. Do you like it ? "

" Oo naman, teka paano mo nalaman na paborito ko lahat ito ? Siguro inistalk mo ako nuh ?"

" Ofcourse not, nakita ko kasi yan sa ref mo nung hinanap kita sa room mo. But you weren't there, nagutom ako. Pero ito ang nakita ko, so I planned it. Baka kasi kapag ginawa ko ito talagang one hundred percent na napatawad mo ako "

" Hindi ba sinabi ko naman sayo na pinatawad na po kita, Sir Shawn. Tsaka hindi naman po kasi ako matanim ng sama ng loob. Pero salamat po, ah. Namimiss ko na talaga ang mga ganitong pagkain, sa inyo kasi puro karne o kaya mga hilaw na gulay ang mga inihahain sa mesa mas masarap parin ang lutong-bukid "

Ngumisi ito. Sayang hindi ko maaaring kuhanan ng pic ang ngiti niya ngayon, baka kasi mahalata niya na may mission ako.

" I'm happy that I'm forgiven now, alam ko na hindi naging maganda ang unang pagkikita natin at ang pagtrato ko sayo. Sorry for that, but promise. Magpapakabait na ako, hindi na kita aawayin pero iinisin pwede ? "

" Baliw "

Humagalpak ako sa kakatawa.

" Now I made you smile, malungkot ka kasi kanina kaya I am blessed dahil napangiti kita. Sana mangako ka rin sa akin, Hermione "

Lumunok ako ng marahan.

" Ano po yun, Sir Shawn ?"

" Huwag mo akong iiwan, ah ? "

Huh ? seryoso ba siya ? si Sir Shawn ba talaga ito o namamalikmata lang ako ? O kaya isang panaginip lang ito. Lord, gisingin niyo naman po ako.

Napangiwi ako sa sakit nang pingutin ni Sir Shawn ang ilong ko.

" Aray ko po, Sir Shawn naman eh "

" Ano ba kasing nangyayari sayo at kung makatitig ka sa akin para mo akong hinuhubaran "

" Hoy, excuse me. Hindi noh, hindi lang kasi ako makapaniwala na..."

" Nasasabi ko yun ? Ito na nga eh, I'm trying to be a good man. Bigyan mo lang ako ng dahilan kung bakit kailangan ko'ng bumait. Kapag totally nabigyan mo ako ng magandang dahilan..I swear, itatayo kita ng bahay at lupa dito mismo sa maynila "

" Ows ? "

" Seryoso nga ako, deal ? "

Deal ? Tatlong tao na ngayon ang nakipag-deal sa akin.

" Paano kung hindi kita nabigyan ng dahilan ? Anong kapalit ? "

" Marry me "

" Ano ?!"

" Its a deal at wala ng bawian "

" Hoy hindi pa ako...umoo "

" Wala ng bawiin, swimming lang ako "

Tumakbo ito papunta sa dagat, aba ! Naunahan ako ng mokong..

Ano ng gagawin ko ?

The MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon