Chapter 1

192 6 0
                                    

Anda's pov

"Noon, narinig mo na ba ang usapan ng mga staff and crew kanina?"

Iyan ang narinig ni Anda habang nasa loob siya ng cubicle. Kilala niya ang boses ng nagtanong niyon. Wala naman siyang narinig na sagot mula sa tinanong nito, pero nakakasigurado siyang tumango si Noon Thunyaphat na kausap nito base sa sunod na sinabi ni Praewa Puttcha.

"Nakakatakot na talaga! Kakastart palang ng series natin ay may horror vibes na agad kahit pa nga Girls Love naman ang theme natin. Ano ba yan?"

"Shut up ka na nga, Praewa! Kinikilabutan na ako, e!"

Sakto namang tumahimik ang mga ito ng matapos siyang umihi, kaya flinush na niya ang toilet bowl.

"OH MY GOD!"

Narinig niyang sabay na react ng dalawa, kaya naman napangisi siya sa naisip na kalokohan.

"Who's in there?" Halata ang takot sa boses na tanong ni Praewa.

Dahan-dahan na nga niyang binuksan ang pinto ng cubicle at tila nakikisama ang bisagra ng pinto dahil may ingit effect iyon na tiyak na nagpadagdag sa takot ng dalawang co-stars niya. Kaya naman pigil na pigil niya ang kanyang tawa.

"Oh my God! Oh my God! The ghost is in that cubicle!" Hysterical na sabi ni Praewa.

I bet niyuyugyog nito ang braso ni Noon habang sinasabi iyon.

"Sino sabi ang nariyan, e?" Si Noon na lumabas yata ang pagka Warang, hindi ko tuloy inexpect ang naging action nito. Kaya naman napasandal at napaupo ako sa gilid ng toilet bowl 'yikes!', dahil sa lakas ng pagkakatulak nito sa pinto.

"Awww!" Daing ko.

"Oh my God, Anda! I'm so sorry!" Hindi makaintindihan na tinulungan ako ni Noon na makatayo.

"Ang pwet ko! Ang sakit!" Patuloy na daing ko.

Pinagpagan at bahagya pang hinilot ni Noon ang pwet ko na nabugbog ata ng wagas.

"What are you doing there ba kasi?" Nakapamewang at nakataas ang kilay na tanong ni Praewa sa akin.

"Malamang umihi! E di kung nag poop ako e di sana amoy ninyo!"

"Eww! Ang bastos mo talagang babae ka!"

Take note, may paghampas pa saken si Praewa habang sinasabi iyan.

"What Praewa means, ay bakit ang creepy naman kasi ng way mo ng pag flush ng toilet at pag open ng door."

'May iba-iba pa bang way ang pagpa flush ng toilet?' 🙄

"I heard kasi what you guys are talking about, so my ohh super bright and naughty self kick in." I smirk pa, because I'm so proud of myself dahil naging successful ang pananakot ko sa dalawang ito, kahit pa nga mabilis akong binalikan ng karma at na torture ang flat, I mean walang malay kong pwet.

"Sira-ulo ka talaga!"

Tinangkang ganutan ni Praewa ang bagong curl na hair ko. Buti nalang mabilis ang reflexes ko, kya nakaiwas ako. Binelatan ko pa tuloy siya.

"That's enough, girls! Tara na, kasi for sure hinahanap na tayo. ." Tatawa-tawang awat at aya sa amin ni Noon.

Nagpaawat naman si Praewa at sabay-sabay na nga kaming bumalik sa location. Pagpasok namin sa dressing room ay nagkanya-kanya na kami ng upo sa harap ng malaking salamin. Natigil na din ang kulitan namin at nagseryoso na sa pagpapaayos. Kaya naman nagkaroon ako ng tyansa na isipin ang multo na pinag-uusapan ng dalawa kanina. Sa totoo lang kasi, hindi lang naman sa mga ito niya narinig ang tungkol sa kwento ng multo-multo na iyon. Halos lahat sa set nila ay naringgan na niya ng tungkol doon, pero hindi siya apektado at hindi na rin siya natatakot dahil hindi lang naman dito sa set nila nangyari ang mga paramdam-paramdam ng multo na iyon. Mula pa kasi ng pumasok siya sa mundo ng showbiz ay marami na siyang kababalaghan at katatakutan na naranasan. Noong una talaga na magparamdam sa kanya iyong multo na iyon ay halos atakihin siya sa puso, kahit pa nga wala naman siyang sakit na ganoon. Pero dahil napapadalas na nga, e nasanay na rin siya. Lalo pa nga at siya naman daw talaga ang reason kung bakit laging may multo sa bawat location at set ng nga shooting at taping na kabilang siya. Dahil ang nasabing multo ay super fan daw niya, ayon sa Psychic na kinuntrata nila para sana paalisin nga ang multo. Ngunit hindi naman nagawang paalisin iyon ng Psychic. Kaya totoo man o hindi iyong pagiging fan daw ng multo ay tinanggap na lamang niya ng bukal at buong puso. Alam din naman ng Station na may hawak sa kanya ang tungkol doon, kaya every project niya na tanggapin ay ka package deal na ang ghost fan. Sa ayaw o sa gusto man ng nga Producer. Kampante din siya, dahil wala naman masyadong nakakaalam na siya ang reason kung bakit may mga kababalaghan at katatakutan sa bawat project na gawin niya. Pinangangalagaan kasi siya ng Management, dahil pamangkin lang naman kasi siya ng President at mismong Owner ng Station na may hawak sa kanya. Kaya't nananatiling lihim ang tungkol sa Fan niyang multo. May mga nakakalusot na chismis, pero mabilis din namang nawawala, dahil nga sa protection ng may hawak sa kanya. Sabi pa nga ng Uncle Chanan niya, for as long as hindi naman daw nananakit ang ghost fan niya ay okay lang daw iyon. Kaya ano pa nga ba ang magagawa niya, kundi ang umokay na lang din.

"Ms. Anda, okay na po." Sabi ng make-up artist niya, na siyang pumutol sa mga iniisip niya.

"Thank you!" Nakangiti niyang sabi at tumango na dito para iwan na siya. Tila gusto pa kasi niyang ituloy ang paglalakbay ng kanyang isip tungkol sa kanyang ghost fan.

Ngunit hindi pa man siya nakakapagsimulang mag-isip ulit ay tinatawag na siya dahil take na daw ng scene na kukunan sa kanya. Bago siya lumabas ng ng dressing room ay tiningnan muna niya ang kanyang sarili sa salamin at kinilabutan siya ng makita niya sa reflection ang tila usok na hugis tao na nakatayo sa gilid niya, nakaharap ito sa kanya. Hindi niya magawang lingunin ito sa takot at mas lalo pang tumindi ang kilabot niya ng maramdaman niya ang malamig na hangin na galing dito ng bumulong ito sa tapat ng tenga niya ng 'Maganda ka na!' Sa halip na masiyahan at maflutter sa sinabi nito ay mas natakot siya. First time lang kasing narinig niya ang boses nito na kinausap siya, kaya napatakbo siya ng mabilis palabas ng dressing room.

=======================

Kumusta naman??? 😂

My Ghost FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon