Chapter 5

37 4 0
                                    

Hindi ko na lang pinansin ang pabebe ko din palang ghost fan and thanks God dahil nakatulog ako ng mahimbing, matiwasay, at mapayapa. Medyo tinanghali pa nga ako ng gising, e. Good thing, Mommy is the best alarm clock in the morning.

"Anong oras ka na naman ba nakatulog at ang hirap mong gisingin?" Tanong ni Mommy, habang hinahainan ako ng favorite breakfast ko.

"Mommy, wag ninyo na pong tanungin,  kasi for sure katutulog lang niyan nung gisingin ninyo. Tingnan ninyo nga at bulky na naman ang eyebags niyan."

'Makabulky naman itong Ate ko! Subra din! GRRR!!! 😤.... Patience, Anunta! Take a deep breath! Bulky man ang eyebags mo, iyon ay dahil sa nasobrahan ka lang sa tulog!' Pag console niya sa sarili.

Hindi na nga niya pinansin pa si Ingfah pati ang Mommy niya. At nang marinig na niya ang busina ng van na sundo niya, ay agad na siyang nagpaalam. Tinake out na lang niya ang kanyang tuna sandwich.

Pagsakay niya sa van ay bumeso lang siya kay Tita Patty at naghanda na siya para matulog ulit. May isang oras pa siyang mahigit para makatulog ulit, bago sila makarating ng Batangas, sa location ng taping nila.

FAST FORWARD

Lunch time

Magkakaharap sila nina Noon at Praewa sa isang mini table.

"Noon, Anda, pansin ninyo ba na peaceful ang taping natin? Walang kahit na anong disturbance mula sa 'celebrity ghost' na tinatawag nila."

"Oo nga ano! Napansin ko din nga. Sana naman tuluyan ng manahimik ang ghost na iyon. Di ba, Anda?" Baling sa kanya ni Noon.

"H-huh?"

"What is wrong with you ba at para kang nasa outer space?" Concern na tanong sa kanya ni Noon.

"Baka naman may LQ sila niyong ghost!" Biro ni Praewa.

"Huh?"

"Anda Anunta Teavirat, isa pang 'huh' mo at sasampalin na talaga kita!" - Noon

"Ano ba kasi iyon?"

"Iyong totoo! Are you with us ba?"

"Noon, hinay-hinay naman! Baka wala lang sa mood si Anda. Hayaan na laang muna natin siya."

Hindi na niya pinansin ang mga ito at umalis na lang din siya. Sa tent niya siya dumiretso. Nahiga siya sa folding bed na nakalaan talaga sa kanya. Pumikit siya atsaka niya pinatong ang braso niya sa noo. Bored na bored ang pakiramdam niya. Ni wala siyang kagana-ganang mamansin ng kahit na sino. Kung hindi nga lang talaga kailangan siya sa mga eksena, malamang ay nakalayas na siya.

"Hindi mo man lang talaga ako namiss e, no!"

Napabalikwas siya ng marinig niya ang tinig na iyon at sa gulat niya ay nagbaliktad siya kasama ang folding bed, kaya naman sumaklob pa sa ulo niya ang makapal na kumot na sapin niyon. Pagalit na hinaklit niya ang kumot at gulo ang buhok na hinarap niya ang nagsalita.

"Gusto mo ba talaga akong matulad sayo?" Inis na tanong niya dito.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ang ibig kong sabihin ay kung balak mo ba akong patayin sa gulat at takot para maging ligaw na kaluluwa na din akong kagaya mo!"

Tumayo na siya! Inayos niya ang folding bed ay muling nahiga!

"Hindi naman ako ligaw na kaluluwa, ah!"

"Kung hindi ka lost soul, e anong tawag sayo? Bakit pagala-gala ka pa dito sa mundo ng mga buhay at patuloy mo pa din akong ginagambala.

"Diba sinabi ko naman na sayo na nais kitang maging kaibigan."

"E, bakit basta mo na lang akong iniwan kagabi?"

Lumapit ito sa hinihigaan niya at naupo ito doon.

"Hindi mo na ako pinansin, eh kaya nagsa invisible na ako ulit, pero nandoon pa din naman ako sa tabi mo. Binabantayan kita habang natutulog ka."

"Ganun! Ang creepy ha... Pero teka, hindi ba natutulog ang mga gaya mong ghost?"

Umiling lamang ito.

"Hindi din kayo kumakain?"

Umiling lamang ulit ito.

"E, ano lang ginagawa ninyo? Nananakot!"

"Kagaya ninyo lang halos kami. Ang kaibahan lang ay wala na kaming buhay, kaya't hindi na namin kailangan ang mga basic needs ng isang taong nabubuhay, atsaka nakikita at nakakausap lamang kami kapag nais naming magpakita at makipag usap."

"Hindi ba boring ang ganan? Iyang maging kagaya ninyo."

"Minsan, pero sanayan lang din."

"Kaya ba gusto mong magkaroon ng kaibigan?"

Tumango ito.

"E, paano iyon? Nawiwirduhan talaga ako, e!"

"Tila pumapayag ka ng maging kaibigan ko, ah."

.
.
.
.
.​

"Anda? Hoy? Natutulog ka ba? Bakit nagsasalita ka? Sinong kinakausap mo?" Tanong ng Manager niya na hindi niya napansin na nakapasok na pala sa tent niya.

"Uhm!.... Ahh,​ nag me memorize lang po ako ng lines, Tita. Hindi naman po kasi ako makatulog, e." Buti at nakaisip agad siya ng idadahilan.

Nang sulyapan niya ang kinauupuan kanina ng multo ay wala na ito doon.

"Sumunod ka na at magpa retouch ka na, ha. Next ng kukuhanan ang mga eksena mo."

"Sige po, Tita!"

Bago ito tuluyang lumabas ay nagdududa pa din nitong inilibot ang tingin sa kabuuan ng tent niya. Sinundan din niya ang tinitingnan nito, pero wala naman itong nakitang sinuman o anuman, kaya lumabas na nga ito ng tent niya.

"Psst! Mamoo, nasaan ka na?" Mahinang tawag niya ng masiguro niyang wala na nga si Tita Patty at bahagya pa siyang nagulat ng lumitaw ito sa mismong harapan niya. Feeling close tuloy niya itong nahampas sa balikat nitong tumatagos sa suot niyang damit ang lamig.

*Ano ba! Wag ka nga basta basta lilitaw ng ganan! Magkakaheart attack ako sayo, e!"

"Paumanhin! Natuwa lamang ako dahil unang beses lamang na tinawag mo ako ng kusa at hindi ka natatakot!"

Tumango nalang ako dahil sa genuine na saya nga na nakikita ko sa mukha nito.

"Magwowork na ako, ha! Pwede ba akong humingi ng favor?"

"Kahit ano."

"Uhm! Pwede bang wag ka ng manakot  sa set? Hintayin mo na lang ako dito or kung gusto mo talagang manood ay mag behave and quiet ka lang, pwede ba yun?"

Hindi agad ito sumagot na tila nag iisip, pero maya maya lang ay tumango na din ito.

"Sige, pupunta na ako doon, ha!" Pamamaalam niya dito.

Nakangiti itong muli na tumango sa kanya. Naglakad na nga siya palabas. Nang nasa may pinto na siya ay muli niya itong nilingon pero asusual wala na ulit ito. Itatanong pa naman sana niya kung ano ang pangalan nito, para hindi na kung anu-ano ang itinatawag niya dito, at tila sagot sa nais niyang itanong ay may malamig na hangin na dumampi sa may tenga niya at bumulong ng "LOOKKAEW!" Nalimutan niyang nababasa nga pala nito ang kanyang isip, kaya bahagya man siyang kinilabutan ay napangiti na lang siya. Saka tuluyan na nga siyang lumabas ng kanyang tent.

Kung muli lang sana siyang lumingon ay nakita niya sana ang bloody and scary version ng ghost fan niya na may misteryosang ngiti sa labi.

My Ghost FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon