APRIL 11, 1998
Dumating na nga ang araw ng itinuturing na pinakamalaking concert ng taon. Nakahanda na ang lahat, mula sa pinakamalaki hanggang sa kaliit-liitang detalye. Ngunit nawawala ang pinaka importante, ang star ng concert. Tatlong oras na lang bago mag start ang konsyerto ay wala pa ding nakakakita kay Lookkaew Kamollak.
"Mama Schene, nasaan na ba ang Alaga mo?" Tanong ni Mr. Yot Kornherun, ang sole producer ng concert.
"Parating na po sya, Mr. Yot... Ahmm, medyo na trapik lang daw po." Pilit ang ngiting pagtatakip niya kay Lookkaew na hindi makontak kontak, gayong sabi ng katulong nito sa bahay na nakausap niya kanina sa telepono ay nakaalis naman na daw bago pa mag alas kwatro ng hapon, e alas singko y medya na ngayon. Kaya dapat ay narito na ito. Alam naman nitong kailangan pa na mag rehearse at may sound check pa bago tuluyang magstart.
'Nasaan ka na ba talaga, LK?' Naiistress na tanong nito sa isip.
"Siguraduhin mo lang, Sceneho! Hindi pwedeng malugi ako! Malaki - "
"Don't worry, Mr. Yot! Everything is going to be alright! Parating na si LK!" Putol niya sa sinasabi ng Producer. "Excuse na muna po, Mr. Yot... May kakausapin lamang ako." Hindi na niya hinintay ang sagot nito. Agad na siyang tumalikod at nang madaanan niya si Rowena na PA ni LK, ay agad niya itong hinila sa gilid.
"Nasaan na ba ang Amo mo?" Mahina pero may diing tanong niya sa babaeng kabi-kabila ang hawak na telepono bukod pa ang pager.
"Eh, hindi ko pa din po nakokontak, Mama Schene."
Napapalatak na lang ito sa labis na konsumisyon. "Kung bakit ngayon pa naisipan niyang si Lookkaew magpaka Primadona!"
.
.
.4:06 pm
Kakalabas lamang ni Lookkaew sa gate ng kanyang bahay. Pasakay na sana ito ng sasakyan ng mabundol ito ng kotse na napakabilis ng takbo. Huminto naman ang kotse at bumaba ang Driver niyon na isang mid 30's na lalaki na halatang hindi Pilipino dahil sa singkit na mga mata. Nilapitan at pinulsuhan nito si Lookkaew. May pulso pa naman ang dalaga. Mahina na nga lamang.
"Jaru, come back here! Our baby is coming! Aaahhhhh!" Malakas na sigaw ng babaeng buntis na sakay ng kotse.
Lumingon ang lalaki sa kotse tapos ay bumalik ang tingin nito sa nakahandusay na si Lookkaew. Hindi nito malaman kung ano ang gagawin. Lumingon-lingon ito. Wala naman itong nakitang ibang tao. May kalayuan kasi ang bahay ni Lookkaew mula sa ibang mga bahay sa bagong tayong subdivision na iyon. Kayat madalang talaga na magkatao.
"Jaru!!!" Muling sigaw ng Babaeng buntis sa kotse.
Sa pagkataranta ng Lalaki ay binuhat nito si Lookkaew atsaka isinakay sa kotse. Muli pa nitong sinigurado na walang nakakita sa kanila, bago muling sumakay at mabilis na minaneho ang kotse patungong ospital.
" Jaru, who is she?" Tanong ng Ginang kahit pa nga namimilipit na ito sa sakit ng tiyan.
"I dont know!"
"Is she dead?"
"Stop asking questions, Suneeporn! Please!" Biglang bulyaw nito sa Asawa.
Tumigil na nga ang Ginang sa pagtatanong, pero bigla itong napasigaw muli ng napakalakas ng makaramdam ito ng matinding paghilab. Kasunod niyon ang pagputok ng panubigan at ang paglabas ng Sanggol na hindi na nakaantay na makadating sa ospital. At kasabay ng unang UHA ng Sanggol ay ang pagkapatid ng hininga ni Lookkaew. Nangyari nga ang sumpa ng Matandang hindi naman kilala ni Lookkaew.
Sa pagkamatay ni Lookkaew ay agad na humiwalay ang kaluluwa nito sa katawan at lumipat sa backseat. Tinititigan nito ang magandang Sanggol na babae na siya daw papalit sa kanya dito sa mundong ibabaw.