Chapter 20

56 7 3
                                    

Nang matapos ang libing ay nag abot pa si Anda ng kaunting tulong na tinangihan naman na ni Ate Charlotte.

"Napakarami mo ng naitulong, Anda. Ikaw na nga ang sumagot ng lahat, e."

"Ate Charlotte, tanggapin ninyo na po ito. Isipin ninyo na lamang na galing po ito sa kapatid ninyong si Lookkaew."

"Hindi ko man batid ang rason kung bakit mo ginagawa ito, ay hindi na ako mag uurirat pa. Basta maraming salamat!"

Ngumiti siya dito at saglit na yumakap. Bago siya tuluyang nagpaalam sa pamilya ni Lookkaew.

.​
.
.
.
.

"Salamat ng marami, ha!" Sabi ni Lookkaew ng sakay na sila ng kotse.

"Sus! Wala yun!... Yan ha, nagawa ko na ang mga sinabi ko, pati na din ang mga request mo. Siguro naman matatahimik ka na."

"Eh, may isa pa sana akong gustong gawin."

"Ha? Ano na naman iyon? Hay naku, Lookkaew! Ikaw lang ang kabukod tanging multo na kilala ko na napadaming unfinished business!"

"Panoy ako lamang naman ang kilala mong multo!"

"Hehe! Funny!" Aniya saka inismiran ito.

"Ano na? Tutulungan mo pa rin ba ako? O gusto mong multuhin pa kita." Nakangiti nitong tanong at sabi. Batid naman kasi nitong hindi siya matitiis ni Anda. Nababasa nga kasi niya ang mga iniisip nito.

"Oo na! As if naman may choice pa ko! Hmp!"

Pabigla niya tuloy itong niyakap at hinalikan ng matunog sa pisngi at nang marealize niya ang kanyang ginawa, ay bigla siyang napahiya. Si Anda naman na nagulat din sa ginawa ni Lookkaew ay hindi malaman kung ano ang irereact. Anot biglang nakiraan ang isang awkward silence sa kanila.

"Let's go!"  Sabi ni Anda saka inistart ang kotse ng hindi tumitingin kay Lookkaew.

Tumango lang din ang multo na sa unahan lamang din nakatingin. Naging sobrang tahimik ng kanilang byahe at parang bigla bigla ay hindi na mabasa ni Lookkaew ang mga iniisip ni Anda at ito ay labis niyang ikinabahala. Sa isip naman ni Anda ay kinikilig siya na hindi niya maintindihan. Parang first time lang niyang mayakap at mahalikan sa pisngi at ikinababahala niya iyon, dahil hindi tama. (parehas silang nababahala! Hays! Bahala nga kayo dyan!😂)

"Nasa kwarto lang ako, ha!" Aniya pagpasok nila sa kanyang condo.

"Sige! Tawagin na lamang kita kapag naihanda ko na ang pagkain mo."

Natigil tuloy ang pagpasok niya sa kanyang kwarto at hinarap ito.

"Kaew, you don't need to do that! Magpapadeliver na lang ako ng foods!"

"Sawa ka na ba sa mga inihahanda ko?"

"Sira! Hindi no!... Ayoko lang mapagod ka, iyon lang ang reason ko."

"Ang sweet mo naman!" Tudyo nito sa kanya.

"Hala! Mas sweet ka kaya! Kiniss sabay hug mo nga ako kanina, eh!" Tukso din niya.

Hindi nakaimik si Lookkaew pero nangingiting nag-iwas ito ng tingin sa kanya. Kumportable na ulit silang dalawa sa isat-isa. Tila nakiraan lang talaga si kumareng awkward kanina.

.
.​
.

Nakahiga na sila ngayon sa kama, parehong nakatihaya at nakatingin lang sa kisame.

"Lookkaew, ano nga pala iyong sinasabi mo kanina na gusto mo pang gawin?"

Tumagilid ito paharap sa kanya at itinukod ang siko saka pinatong sa kamay ang ulo. Ginaya niya din ang posisyon nito. Bale harapan na sila ngayon.

"Nais ko sanang hanapin at makilala ang matandang babae na nagsumpa sa akin."

"Ha? Sa palagay mo ba ay buhay pa iyon ngayon?"

"Hindi ko masabi. Pero hindi naman masamang subukan di ba?"

"Eh, saan tayo magsisimula? Mahirap na hanapan yan ha!" Wala pa man ay reklamo na niya.

"Sa Batangas... Ipagtatanong natin kung may nakakakilala ba sa lalaking namatay noon sa mini concert ko."

"Kaew, may mas madali akong naiisip!"

"Ha? Ano?"

"Kay Mr. Google nalang tayo magtatanong!" Nakangiti at pataas-taas pa ang dalawang kilay na sabi niya.

"Ha? Sino iyon? Hindi ko iyon kilala! Taga Batangas ba iyon?" Seryoso at kuntodo kunot-noo pa talagang tanong at sabi ni Lookkaew.

Kaya naman nabura ang ngiti niya at pumundo na din ang perfect niyang mga kilay.

"Ewan ko sayo, Lookkaew! Kuha ka nalang ng pera sa wallet ko at bili ka ng kausap mo!" Aniya saka tinalikudan na niya ito. Nagtalukbong na din siya ng kumot at naghanda ng matulog.

"Hoy, Anda! Sandali! Huwag ka munang matulog! Sabihin mo muna kung sino ba iyong sinasabi mo na pagtatanungan natin."

"Bukas papakilala kita! Sige na! Let me sleep na, even just for tonight. Alam mo naman na puyat ako sa ilang gabi na pakikipaglamay sayo."

"Sige na nga! Matulog ka na!" Anito saka siya niyakap at kinantahan.

Hindi niya alam kung dahil ba sa ilang gabing puyat o dahil sa yakap at malamyos na boses nito kaya siya ay mabilis na nakarating sa kanyang dreamland. At kahit doon ay kasama pa din niya si Lookkaew, but she don't mind. She's happy to be with her all the time.

.
.
.
.​

KINABUKASAN

"Lookkaew, meet Mr. Google, once again!" Minustra pa niya dito ang kanyang laptop na nasa page ng google.

"Diyan mo inalam ang tungkol sa pagkatao ko dati. Alam din niyan ang pagkakakilanlan niyong namatay na lalaki?" Nanlalaki ang mga mata nito sa pagkamangha. Habang nananatiling inosente at napacute pa ng mukha.

"We'll see!"

Nagstart na nga mag search si Anda and after a little while.

"His name is Mos Panuwat and it also said here that he has a sister who died on the same day that he die!"

"Ano? Pero iyon lamang lalaki ang nakita ko na namatay. Wala akong nakitang babae na kasama niya.... Ano ba daw ang ikinamatay at saan? May kinalaman ba daw doon sa pagkamatay niyong Lalaki?"

"Lookkaew, relax!... Wait lang at titingnan ko!"

Tumahimik na ngang muli si Lookkaew. Paminsan-minsan ay nakikibasa siya, pero hindi makatagal ang kanyang mata kayat hinayaan na lamang niya si Anda.

"OH MY GOD!" React ni Anda na ikinaigtad ni Lookkaew.

"Bakit?"

"She's a victim of hit and run too, just like you."

"Kailangan mo pa talagang ipaalala?"

"Im just saying! Anyways, nasagasaan siya ilang metro lang ang layo mula sa venue na kinamatayan naman ng kuya nya.... So meaning, magkasama sila na nanood ng mini concert mo." Pagku conclude ni Anda.

"Kaya pala noong isumpa ako nung matandang babae, ang sabi niya ay mga anak niya ang pinatay ko daw... Nalilito ako noon, pero hindi ko na lamang pinansin, dahil akala koy gawa lamang ng amats ko kaya ako naghahallucinate... Pero ang tanong, ano ang kinalaman ko doon sa pagkakabangga niyong kapatid kamo nung lalaki?"

Nagkibit balikat lang si Anda, dahil mas lalong hindi niya alam ang sagot sa tanong na iyon. Dahil in the making pa lamang siya noong mga panahon na iyon 😂

My Ghost FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon