Malinaw niyang nakikita si Lookkaew na ngayon ay umiibabaw sa kanya. May kakaiba sa mga tingin nito sa kanya. May pagkasabik! May pagnanasa!
"Napakaganda mo!" Anito saka dahan-dahang inilapit ang labi sa kanya.
Alam niyang hahalikan siya nito, pero kahit babae pa ito at multo na ay wala siyang lakas para umiwas o mas tamang sabihin na gusto din niyang mahalikan nito. Sa katunayan nga ay excited pa siya. Kaya nga ng mainip siya sa paglapat ng labi nito ay niyakap na niya ito sa batok at siya na ang humila dito upang maglapat na ng tuluyan ang kanilang mga labi. Iba sa lahat ng labing nahalikan niya ang kay Lookkaew. Para siyang dinala sa langit niyon. Exaggerated mang sabihin pero ganoon talaga, e. Ang lamig ng labi nito ay naghahatid sa kanya ng kakaibang sensasyon at pakiramdam. At ng humiwalay ang labi nito sa kanya ay gusto niyang tumutol.
"Hindi pa napapanahon!"
Iyon lang at naglaho na ito, kasabay ng pagmulat ng kanyang mga mata. Umaga na base sa liwanag na sumisilip sa bintana. Panaginip lang pala! Pakiramdam niya ay totoo iyon. Dinama niya ang kanyang labi pero hindi niya masabi kung may naiwan bang bakas doon ang halik na pinagsaluhan nila ni Lookkaew na magpapatunay na nangyari nga iyon. Hindi niya maintindihan pero may disappointment siyang nararamdaman. Naputol ang pag aalburuto ng loob niya ng magring ang cellphone niya.
"I'm up, DD!" Aniya sa kanyang PA na siyang nasa kabilang linya. Na tumawag lang upang gisingin sya at ipaalala na may appointment siya ngayong umaga.
"Okay, see yah later... Bye!"
Iyon lang at tuluyan na siyang bumangon upang mag prepare, pero pagpasok niya ng banyo ay wala na pala siyang kailangang gawin, dahil nakahanda na ang lahat. Ultino ang susuotin niya ay nakahanda na din and mind you, gals pasok sa taste ko and damit na inihanda para sa akin ni you-know-who. After ng morning rituals ko ay time to eat na and just how she prepared everything in the bathroom, hinandaan na din niya ako ng breakfast with matching pa flowers pa sa table.
'Bumabawi talaga ang gaga!' Isip isip niya.
Patapos na siyang kumain, pero hindi pa din nagpapakita sa kanya si Lookkaew. Kahit naman paano ay namimiss niya din ang presence nito.
Tumayo na siya para dalahin sa lababo ang kinainan niya.
"Hi, Hi! Magandang umaga!"
Naihagis niya ang platong ilalagay sana niya sa lababo sa gulat niya sa pagbati ni Lookkaew na bigla-bigla na namang lumitaw sa harap niya.
"Shit!" Mura niya ng umecho sa loob ng condo ang pagkabasag ng plato.
"Paumanhin, Anda. Hindi ko intensyon na gulatin ka. Nabasa ko lamang kasi sa isip mo na namimiss mo na ako, kaya't nagpakita ako sayo." Paliwanag nito.
Tapos ay hindi niya inexpect na kasabay pala niya itong yumuko para pulutin ang mga bubog. Nagkauntugan tuloy sila. Sa lakas pa nga ng impact ay napaupo siya.
"Ouch! It's a double shit!"
"Naku, Anda! Pau-"
"Stop!" Pagpapatigil niya sa pagsasalita at paglapit nito sa kanya.
"Pero-"
"I said stop! Tantanan mo na nga ako! You're ruining my day!" Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumayo na siya. Kinuha niya lang ang kanyang bag at lumabas na siya ng unit. Pabalibag pa niyang isinara ang pinto.
Lulugo-lugo naman ang naiwang si Lookkaew sa kusina. Maluha-luha pa ang mga mata nito, pero bago ito tuluyang maglaho ay biglang bumangis ang itsura nito. Tumalim ang tingin, pero may nakakalokong ngisi sa labi.
.
.
.
.
.Pagdating nila ng kanyang PA sa set ay nakita niya ang pagkakagulo ng mga tao at ng mga gamit, dahil sa napakalakas na hangin pati nga siya ay halos liparin sa lakas niyon.
"What's going on here?" Malakas niyang tanong kay Atom Aphichaya, ito kasi ang nasa malapit sa kinatatayuan niya.
"Hindi ko din alam! Bigla nalang sumulpot ang napakalakas na hangin na ito mula sa kung saan!" Sagot ni Atom na hindi magkaintindihan sa pagkapit sa poste, upang hindi tangayin ng hangin.
Niyakap niya si Atom sa poste dahil muntik na itong makabitaw ng bigla ay mas lumakas ang hangin. Tila may idea na siya kung saan galing itong hangin o mas tama yata ay kung sino ang may pakana. Talagang ginagalit siya nito.
'Tumigil ka na, Lookkaew! Itigil mo na ito ngayon din!' Pagkausap niya dito sa kanyang isip.
'Hindi! Ayoko! Hindi ako titigil hanggat hindi mo sinasabing hindi ka na galit sa akin!' Sagot din nito sa isip niya atsaka muling pinalakas pa ang hangin na namiminsala sa kanilang set.
Kaya naman kinalma niya ang kanyang sarili at muli niya itong pinakiusapan sa isip.
'Sige na! Hindi na ako galit! Itigil mo na ito!'
'Totoo?'
'Totoo! Hindi na ako galit! Basta itigil mo na ang panggugulo dito sa set!'
'Tanggalin mo muna iyang pagkakayakap mo dyan sa Mistisang chinita na iyan!' Nagpakita na sa kanya si Lookkaew at napakasama ng tingin nito kay Atom.
Nang masiguro nga niya na okay lang si Atom ay tinanggal na nga niya ang pagkakayakap niya dito. At maya-maya nga ay humupa na ang hangin na ginawa ni Lookkaew. Ngunit dahil sa damage na nagawa nito ay napack up tuloy ang taping nila, kahit wala pang nakukunan na kahit isang eksena.
.
.
.Habang sakay sila ng van pabalik sa condo, ay nakayakap at nakahilig sa dibdib niya si Lookkaew.
"Anda, diretso na ba tayo sa condo?" Tanong ni DD sa kanya. Nilingon pa siya nito dahil sa tabi ng Driver niya ito pinaupo gawa ni Lookkaew.
Nakita niya ang pagsama ng tingin ni Lookkaew sa PA niya, kaya naman - "Hindi mo na kailangang sumama sa akin sa condo. Umuwi ka na lang muna din sa inyo."
Tumango nalang ito saka muli ng tumalikod sa kanya. Doon lamang nawala ang masamang tingin dito ni Lookkaew. Hindi niya tuloy mapigilang isipin na tila totoo nga ata ang sabi nito nung minsan, na ayaw nito ng may kaagaw sa atensyon niya.