Kinabukasan nga ay tinupad ni Mos ang ipinangako nito sa hindi nakikilalang Ina ng Artista na iniidolo ng kanyang nakababatang kapatid.
"Mama!" Halos magkasabay na banggit ng mag kapatid ng makita ang Ina. Yumakap din ng sabay ang mga ito at napaiyak pa dahil sa awa ng Diyos ay nakauwi na din ang kanilang pinakamamahal na Ina. Iyon nga lamang ay may mga galos at benda sa noo.
"Mama, ano po ang nangyari sa inyo?" Tanong ni Charlotte matapos bumitaw sa pagkakayakap sa Ina.
"Nasagi po siya ng kapatid ko sa-"
"Nasagi ako ng bisikleta ng kapatid niya, pero maayos naman na ako. Kaya nga pinalabas na ako agad ng Doctor." Salo ng Ginang sa sinasabi ni Mos. Kinailangan niyang ibahin ang istorya dahil ayaw niyang malaman pa ng kanyang mga anak kung anong tunay na nangyari sa kanya dahil matatanto ng mga ito kung ano ang ginagawa niya sa lugar na iyon.
Naguguluhan man ang binata sa sinabi ni Aling Carlota sa mga anak, ay hindi na lamang ito umimik pa.
"Siya nga pala si Mos. Siya at ang kapatid niya ang nagdala sa akin sa ospital. Mos, mga anak ko nga pala sina Charlotte at Lookmai." Pagpapakilala niya sa mga ito.
"Mama, marapat lamang naman na sila po ang magdala sa inyo sa ospital, dahil sila ang nakadisgrasya sa inyo! Makakaalis ka na, Ginoo!"
"Charlotte!" Saway ng Ginang sa ipinakitang kagaspangan ng Anak sa kanilang panauhin.
"Ayos lamang po iyon, Nay. Hindi na din po ako magtatagal. Muli po ang paghingi ko ng dispensa." Bahagya pa itong yumukod sa kanila.
"Mag-almusal ka na muna, Hijo."
Nagkatinginan ang mag Kapatid na Charlotte at Lookmai at napansin iyon ni Mos.
"Hindi na po. Salamat na lamang po sa paanyaya. Malayo-layo pa po kasi ang ipagmamaneho ko, Mahirap na pong tanghaliin." Magalang na tanggi nito. "Sige po, tutuloy na ako."
"Ay sya, kung di ka na talaga mapipigil ay mag iingat ka. Salamat din."
Nakangiting tumango lang ang binata sa pamilya Sangsubsin, saka tuluyan na ngang umalis.
.
.
."Mama, saan po ba talaga kayo galing at naaksidente kayo?" Mahinang tanong ni Charlotte sa Ina, dahil nasa malapit lamang ang kanilang Ama.
Nang magtanong nga kanina ang kanilang Ama ay nagsinungaling na lamang ang kanilang Ina. Ang sabi na lang ay natumba daw habang nagsasampay at nauntog ang noo sa may bakod.
"Sa palengke. May bibilhin lamang sana ako." Muling pagsisinungaling ng Ginang.
"Mama, sa susunod po ay mag utos na lamang kayo sa kung sinuman sa amin, ha."
Tumango na lamang si Aling Carlota, pero sa loob-loob ay balak pa din talagang balikan ang anak na artista.
.
.
."Ma'am, may bisita po kayo." Pag-bibigay alam sa kanya ng isa sa mga katulong niya sa bahay.
Kasukuyan siyang nakadapa sa gilid ng swimming pool, nag sa sunbathing.
"Sino daw?" Hindi siya nagtangkang tumunghay man lamang.
"Mama ninyo daw po."
Bigla siyang napabangon at pagharap niya ay nakita nga niya ang kanyang Mama na mahigit ng isang taon niyang hindi nakikita.
"Anong ginagawa ninyo dito?" Walang pag galang na tanong niya sa Ina. "At ikaw, Myrna! Gusto mo na bang masisante? Bakit ka basta-basta nagpapapasok ng hindi mo naman kilala!" Baling naman niya sa Katulong.