Chapter 23

49 8 4
                                    

Pagkatapos mahimbing ni Anda ay bumangon na siya. Nagtungo siya sa teris na kanugnog ng kwarto. Tumingala siya sa kalangitang nadidisenyuhan ng hindi mabilang na mga bituin. Pakiramdam niya ay tapos na ang misyon niya dito sa mundo ng mga buhay. Ngunit hindi niya alam kung ano ba ang susunod na plano sa kanya ng Diyos Ama.

"Oras na, anak!"

Napalingon siya sa pamilyar na may ari ng tinig.

"Papa?" Paninigurado niya. Tumango ito kaya lumapit na siya dito atsaka yumakap sa Amang nababalutan ng liwanag.

"Ipinapasundo ka na, Kamol!" Anang kanyang ama, matapos silang magyakap.

"Ngunit paano si Anda?" Tunay na nag-aalala siya sa dalagang napamahal na sa kanya.

"Kailangan na nating umalis."

"Pero Papa -" Tututol pa sana siya, ngunit iginiya na siya ng Ama papasok sa liwanag.

Napakahaba ng liwanag na binabagtas niya at ng lingunin niya ang Amang kanina ay kaagapay niya, ngayon ay wala na ito. Mag-isa na lamang siya sa lugar na iyon na hindi niya sigurado kung ano ang tawag.

"Marahil ay ito na ang langit." Aniya sa sarili.

"TAMA KA, LOOKKAEW! ITO NGA ANG LANGIT, ANG TAHANAN NG DIYOS AMA!" Sagot ng matanda na mukhang Ermitanyong Sabungero yata noong kapanahunan nito.

"Kayo po ba si San Pedro?" Tanong niya na gustong makatiyak. Ayon kasi sa kwento noon ng kanyang Mama. Noong siya ay bata pa, si San Pedro ay may dala laging manok na tandang.

"MULI AY TAMA KA, LOOKKAEW!"

Nakatingin na lamang siya dito, pagkat hindi naman na niya alam kung ano pa ba ang kailangan niyang itanong o dapat sabihin dito.

"HINDI MO BA ITATANONG KUNG BAKIT KA NARIRITO?" Anito habang hinihimas-himas ang napakaputing tandang na tangan nito.

"Iyon nga po sana ang nais kong itanong." Sabi na lamang niya dahil totoo din naman na nais niya iyong malaman.

"NARITO KA UPANG MAIPAALAM KO SA IYO NA HINDI PA TAPOS ANG MISYON MO SA MUNDO NG MGA BUHAY."

Nanlaki pa ng bahagya ang kanyang mga mata at napaawang din ang kanyang labi dahil sa sinabi nito.

"Ano pong misyon ang tinutukoy ninyo?" Magalang na tanong niya.

"ANG MISYON MO AY MAGING PANSAMANTALANG ANGHEL DE LA GUARDIA NG ISANG TAO!"

"Paumanhin po, San Pedro... pero tila yata nagkakamali kayo.. Ako po magiging Anghel? Eh, hindi naman po ako mabuting tao noong nabubuhay pa ako!"

"BATID IYAN NG AMA AT HINDI NAMAN LAHAT NG MGA ANGHEL AT SANTO AY MABUBUTI NOONG NABUBUHAY PA SILA. ANG MAHALAGA AY NATUTO TAYONG PAGSISIHAN ANG ATING MGA NAGING KAMALIAN AT GUMAWA TAYO NG PARAAN UPANG MAITAMA IYON, KAHIT PA NGA MINSAN AY MEDYO HULI NA."

"Ngunit - "

"IYAN NA ANG PASYA NG NASA ITAAS!" Sansala nito sa sasabihin pa niya sana.

"Maaari ko man lang po bang malaman kung sino ang taong aking babantayan?"

"HUMAYO KA NA, LOOKKAEW AT BUMALIK SA LUPA!"

Iyon lamang at tila may malakas na pwersang humigop sa kanya palayo sa lugar na iyon.

.
.
.
.​

Ilang araw at gabi ng hindi nagpaparamdam sa kanya si Lookkaew. Mukha nga yatang natahimik na ito ng tuluyan at hindi man niya gusto ay apektadong-apektado siya. Madami na nga ang nakakapansin ng pagiging malulungkutin niya. Oo nga at ngumingiti siya pero it's for the sake of her job nalang talaga. Tuwing mag-isa siya sa kahit saang lugar ay hinahanap niya ang presensya ni Lookkaew. She's always hoping na bigla na lang itong magsasalita at kakausapin siya o kayay gugulatin siya at tatakutin.... pero wala,​ and she's starting to feel empty. Now she understands why Juliet took her own life nung inakala nitong patay na si Romeo, because she feels the same. Gusto na din niyang mamatay para masundan niya si Lookkaew, nasaan man ito.

My Ghost FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon