Chapter 12

25 1 0
                                    

Kaunting pasilip sa nakaraan ni Ghost fan.

Taong 1997

Araw ng Linggo. Kasalukuyang nag-aalmusal ang pamilya Sangsubsin.

"Papa, Mama, mga Ate, umoo na ako sa talent agent na kinukwento ko sa inyo nung isang araw." Masayang pagbabalita ng bunso ng pamilya, si Kamollak.

"Hindi bat sinabi na namin sa iyo ng Mama mo, na hindi namin gusto na pasukin mo iyang magulong mundo ng showbiz!" Halata ang galit ng Padre de pamilya sa pagsuway sa kanila ng anak.

"Papa, hindi lamang naman po ako mag aartista. Magiging singer din po ako. Isang rockstar!" Iyon kasi talaga ang pangarap niya mula bata pa siya. Kaya nga halos lahat ng instrumento ay inaral niya.

"Hindi! Mag eenroll ka ngayong pasukan at tatapusin mo na ang inumpisahan mong business management course! Alalahanin mo na masyado ka ng nahuli! Kung sineryoso mo lang sana ang pag-aaral mo at hindi ka nahuhumaling dyan sa pagbanda banda mo, e di sana tinutulungan mo na kami ngayon ng Ate mo sa pag aasikaso ng negosyo natin!"

"Ayoko ng mag-aral, Papa! At buo na din ang desisyon ko at kahit pa itakwil ninyo ako ni Mama at hindi suportahan ay gagawin ko pa din ang talagang gusto kong gawin!" Iyon lang at walang sabi-sabi na tumayo na ito at umalis sa hapag.

"Kamollak! Bumalik ka dito!"

Ngunit tila bingi ang dalaga. Sa kwarto nito sa attic ito dumiretso. Kinuha ang may kalakihang bag at isinilid ang lahat ng sa tingin niya ay kanyang kakailanganin. Matapos mag empake ay agad na dinagit ang kanyang gitara at saka umalis na. Pagbaba niya ng hagdanan ay nasa hapag pa din ang kanyang pamilya. Nagkekwentuhan at nagtatawanan. Talagang balewala lang siya sa mga ito. Malaya pero nakaismid tuloy siyang lumabas ng bahay. Agad niyang tinungo ang kotse ng kanyang Ama na Mercedes Benz SL/500 ang two doors roll up na matagal na niyang kursunada. Nang maiayos niya ang kanyang gamit at sarili sa sasakyan ay agad na niyang inistart at pinaandar iyon. Good thing at nakabukas ang malaki nilang gate, kaya naman dire-diretso na ang kanyang pagmamaneho.

"Woahhh!" Hiyaw niya habang pinapaharurot niya ang kotse at nililipad pa ng hangin ang kanyang mahabang buhok. Isinalang pa niya ang kanyang paboritong cassette tape ng Rivermaya. Napakasarap ng pakiramdam niya tila siya ibon na sa wakas ay nakalaya na sa hawla. Istrikto at perfectionist kasi ang pamilyang pinagmulan niya, lagi pa siyang naikukumpara sa mga Ate niya, kesyo ang Ate Charlotte daw niya ay napakaganda at elegante, Ang Ate Zhangnan ay napacharming at napakasweet, ang Ate Mai niya ay napakabait at napakatalino pa, tapos siya daw na bunso ang latak. Kaya naman sakal na sakal na siya at sawang sawa na. Gusto niyang mailabas ang totoong siya ng hindi ikinukumpara sa kahit na sino sa mga kapatid niya. Gusto niyang magawa ang mga gusto niya ng walang pumipigil.
At ngayon ay magagawa na niya iyon. Pumaskil ang isang tagumpay na ngisi sa kanyang labi. Sa apartment ng bestfriend niyang si Jenny​ siya nagtuloy.

"Nak ng putcha, Kamol! Naglayas ka?" Hindi makapaniwalang tanong sa kanya nito ng mapagbuksan siya ng pinto. Tatawa-tawa pa itong sumilip sa likod niya niya dahil palagi siyang may chaperone tuwing umaalis siya ng bahay.

"Obyus ba? Tinutulan na naman kasi nina Papa ang gusto ko na pumasok sa showbiz! Iskul daw ang pasukan ko! E sinabi ko na nga na ayoko ng mag-aral! Kaya heto!" Pinakita ko ang mga daladalahan ko.

Nilakihan na ni Jenny ang bukas ng pinto at pumasok na siya sa loob at basta na niyang inilapag sa sahig ang kanyang mga gamit, atsaka kumportableng naupo sa sofa. Isinara naman na ni Jenny ang pinto at nagtungo sa kusina at kumuha ng dalawang bote ng malamig na beer. Iniaabot nito sa kanya ang isa. Pinunasan lang niya ang nguso niyon at saka walang kyeme na tinungga.

"Dude, hindi talaga ako makapaniwala!"

Isa ding istokwa itong si Jenny. Ang kaibahan lang ay suportado ito ng Ama basta lamang daw huwag kakaladkarin ang pangalan nito. Isa kasing Senador ang Ama ni Jenny. Kaya sa tuwing may nagtatanong kung kaano-ano nito si Sen. Pataravee. Ang laging sagot nito ay "Sino naman yun? Di ko kilala yun!"

"Ah, basta! Dito muna ko, ha! Ampunin mo na muna ako!"

"Alam mo naman na lagi kang welcome dito."

"Salamat ha!"

Tumango lang ito saka nakipag cheers sa kanya.

.​
.
.

Naging mabilis ang takbo ng buhay para sa kanya. Tuluyan na nga niyang pinasok ang mundo ng showbiz. Kinalimutan na din niya na may pamilya siya. Ang alam sa showbiz ay isa siyang ulila na nabubuhay sa sariling sikap, kaya naman mas lalo siyang hinangaan. Hindi na rin niya ginamit ang apilyido niyang Sangsubsin. Siya ay nagpakilala at sumikat sa pangalang Lookkaew Kamollak or LK.

"Nyemas, Dude! Sikat na sikat ka na ngang talaga!" Ani Jenny habang nahihirapan silang pumasok sa isang mall sa Alabang dahil sa mga fans niya na hindi magkamayaw.

Matamis lang siyang ngumiti at kumaway-kaway pa sa mga nagtitiliang mga fans. Kaya siya nandoon sa mall ay para magperform at magpromote ng bago niyang album at ng kanyang upcoming concert at may autograph signing din siya para sa mga fans.

Pagkatapos nila sa mall ay umuwi na agad sila ni Jenny sa apartment nito. Doon pa din kasi siya nakikitira. Nadatnan nila doon ang katipan ni Jenny na si Ali at ang mga kabarkada nilang sina Pammu, Som, Bua, at Isbanky.

"Wow! Nandito na ang Rockstar!" Hyper na sigaw ni Bua.

"At ang alalay ng Rockstar!" Dagdag naman ni Ali. Nakatanggap tuloy siya ng pambabatok mula sa kanyang girlfriend.

"Maka alalay, to! Wag kang tatabi sa akin mamaya, ha!" Sabi ni Jenny saka tinalikuran at iniwan si Ali. Habol naman at todo panunuyo si Ali sa dalaga.

Nagkatawanan tuloy silang lahat.

"Tama na yang tampu-tampuhan nyo, love birds! Mag inuman na lang tayo!" Si Pammu na halatang may tama na.

Inabutan na nga sila ng mga ito ng tig iisang bote ng beer. Pumwesto na din siya sa ginta nina Pammu at Isbanky. Saka nagsindi ng sigarilyo. Nang tingnan niya si Jenny​ ay kandong na ito ngayon ni Ali. Naglalambingan na. Napapangiti at naiiling na lang siya sa dalawa.

"Ito nalang ang sindihan mo, LK." Iniabot sa kanya ni Isbanky ang parang sigarilyo na walang filter.

Tiningnan lang niya iyon. Hindi naman kasi siya ganoon ka inosente upang hindi malaman kung ano talaga iyon.

"Sige na! Subukan mo lang!" Dagdag na panghihikayat nito.

"Akin na nga yan!" Hinanggit ni Pammu ang 'sigarilyo' sa kamay ni Isbanky saka isinubo at sinindihan.

"Pammu, di ko naman yan sayo  binibigay e!"

"Fifty kami ni LK!"

Wala na ngang nagawa si Isbanky.

Inalok sa kanya ni Pammu ang maryjane pagkatapos nitong humithit. Tinanggap naman na niya iyon. Sakto naman pagbukas ni Som ng transistor ay bawal na gamot ni Willy Garte ang kanta. Inubo siya ng pumasok sa baga niya ang usok. Kaya naman muli na niya iyong ibinalik kay Pammu.

"Namo! Som, patayin mo nga yang tugtog mo! Kundi ikaw ang papatayin ko! Basag trip to, e! Ngalngal ni Pammu.

Nagtawa lang si Som pero di pa din pinatay ang transistor. Mas nilakasan pa nga nito iyon at sinasabayan pa. Nakikanta na din ang iba. Asar talo naman si Pammu na lalong lumakas ang tama.

Masaya ang pakiramdam niya. Masaya siya sa piling ng mga kaibigan niya. Masaya siya sa atensyon at paghanga na binibigay ng mga fans niya. Masaya lang siya sa buhay niya at ito na lang ang mahalaga sa kanya. Ang magpakasaya.

My Ghost FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon