Chapter 24

59 9 5
                                    

Napabalikwas ng bangon si Anda ng hindi niya makapa sa higaan si Lookkaew. Iniisip niya kung panaginip lang ba iyong pagpapakita sa kanya ni Lookkaew kahapon. Mag-uumpisa na sana siyang mag emote ng mapatingin siya sa pinto dahil narinig niyang tila may nagbubukas niyon. Tatayo na sana siya ng bumukas iyon at iluwa ang akala niyay panaginip lang niya na si Lookkaew. May hawak itong cake na may sinding kandila at may kilik pa itong lobo na may stuff animal sa loob at bulaklak na gawa sa pera.

"Magandang umaga, Birthday girl." Bati nito saka umupo sa tabi niya sa kama. "O, bakit ka malungkot? E, birthday na birthday mo."

"Akala ko kasi panaginip lang lahat iyong kahapon, dahil wala ka sa tabi ko ng magising ako."

"Naku naman ang Alaga ko." Pabiro siyang pinisil nito sa baba. "Naghanda kasi ako ng mga ito upang isurpresa ka ngayong kaarawan mo... Kaya SURPRISE!!!"

Natawa siya sa ekspresyon nito at talagang masaya siya na nandito na muli ito sa tabi niya. Para sa kanya ay ito ang best birthday ever niya sa loob ng kanyang twenty - seven years of existence.

"Hipan mo na ang iyong kandila, saka ka humiling."

Naiiling pero natatawa niyang sinunod ito. Pumikit pa nga siya ng sambitin niya sa isip ang kanyang kahilingan.

"Ayan!" Tuwang sabi ni Lookkaew matapos niyang hipan ang kandila. "Happy twenty - seventh birthday, Anda!" Ani Lookkaew saka inabot sa kanya ang lobo at bouquet na kilik nito kanina.

"Thank you so much, Lookkaew!" Aniya saka yumakap at humalik dito sa pisngi.

Bahagyang nailang ang dalagang Anghel kaya naman -

"Ah, Anda...​ Tanghali​ ka na, di ba sabi mo malayo ang location ninyo ngayon, kaya hiniram mo muna sa kapatid mo si Mang Jom na dati mong Driver. Nandyan na siya sa baba at hinihintay ka."

"Ay, shucks! Oo nga pala!"

Mabilis na nga itong bumitaw sa kanya, saka dumiretso ng pasok sa banyo.

Makalipas ang mahigit tatlumpong minuto ay magkatabi na sila ni Anda sa backseat ng van nito. Parang naulit lamang noong siyay invisible ghost fan pa lamang nito. Hindi man kasi siya nakikita ni Anda noon ay ganitong-ganito palagi ang pwesto nila tuwing sumasakay ng van. Kaya naman napangiti siya.

"Hoy! Lookkaew, anong nginingiti-ngiti mo dyan?" Puna nito sa kanya.

"Wala, naalala ko lamang noon na laging ganito ang seating arrangement natin tuwing sumasakay tayo dito sa iyong van."

"At paanong- ........... Ahhh,​ noong mga panahon na ​minumulto mo pa ako!"

Tumango lamang siya. Kinurot naman siya ng kaunti nito sa tagiliran.

Si Mang Jom naman na nagmamaneho ay patingin-tingin sa dalagang artista na dati niyang amo dahil tila may kinakausap at kaharutan ito, gayong nagiisa lamang naman ito sa likod ng van. Ilang beses pa itong sumulyap sa rear view mirror pero talagang nagsasalita at tumatawa itong mag-isa. Hindi niya namalayan na ang kanyang sulyap pala sa dating amo ay may katagalan na, kayat ng ibinalik niya ang tingin sa kalsada ng dahil sa narinig niyang walang humpay na busina ay nagulat siya dahil gahibla na lamang at sasalpok na ang minamaneho niyang van sa kasalubong na pampasaherong bus. Sa tangka niyang umiwas ay kinabig niya pakanan ang manibela na isa palang malaking pagkakamali dahil bumangga ito sa harang ng tulay bago dire-diretsong nahulog ang van sa napakalalim na bangin.

Wala ng naintindihan pa si Anda dahil nawalan na agad ito ng malay ng mauntog ito sa bintana ng van. Nagising lang muli ito ng makarinig ng malakas na pagsabog. Si Lookkaew agad ang hinanap niya at nakita niya ito sa may paakyat na parte ng bangin. Nakalahad ang kamay nito sa kanya. Kaya mabilis na nga siyang lumapit dito.

"Tayo na?" Nakangiting tanong nito ng makalapit siya.

"Tayo na!" Nakangiti din niyang sagot saka ipinatong na niya ang palad sa kamay nitong nakalahad at sabay na nga silang umalis doon ng  magkahawak-kamay.

🤍And they die happily ever after🤍

[Sa lugar na iniwanan nila]

"Kumpirmado na po na patay na ang isa sa mga bida ng patok na serye na Love Senior na si Anda Anunta. Bumangga at nahulog sa bangin saka sumabog ang sinasakyang van ng Actress habang patungo ito sa location ng shoot ng nasabing serye. Tumutok lang po kayo sa Hunter News para sa iba pang mga ditalye ng balita. Ako po si Chengcheng Suriyakul nag-uulat.

Maluha-luha ang isang babae matapos marinig sa kanyang headset na konektado sa radyo ng cellphone niya ang balita tungkol sa hinahangaan niyang actress. Nasipa tuloy niya ang isang lata na nakaharang sa daan. Tumalsik iyon pero napatingin siya sa bagay na naiwan ng tumilapon na ang lata. Dinampot niya ang bagay na iyon at saka iniyungyong sa kanyang kamay. Marahil ay natakpan ng lata ang bagay na iyon na walang iba kundi ang rosaryo ng demonyo na itinapon lang basta ni Anda sa bintana ng kotse noon. Umilaw ng kulay pula ang krus ng rosaryo kasabay din ng pag-ilaw ng mata ng babae..

THE END

PAKIBASA PO

Iyon o sila na daw 😂😂

Guys, may alternate ending nga po pala ito na ipo-post ko mamayang gabi o bukas. Sanay abangan ninyo pa din po kahit na alam kong may ilan o madami sa inyo ang nadisappoint dahil sa ending nito. 😅

Kung may curious sa inyo sa kung ano ang winish ni Anda, eto po -

"Sana makasama ko si Lookkaew hanggang sa kabilang buhay."

There. At agad-agad ngang nangyari. Kaya ito po, a friendly reminder mula sa akin 'BE CAREFUL WHAT YOU WISH FOR!'

At kung natatandaan ninyo ang sabi ni Lookkaew sa chapter 18 about doon sa rosary, na kasamaan at kapahamakan ang dulot niyon sa sinuman ang hahawak niyon. Syempre hinawakan iyon ni Anda nung tanggalin sa boney hand ni LK. Tapos sa chapter 23 diba sabi ni San Pedro 'PANSAMANTALA' lang na magiging guardian angel si Lookkaew and her very last mission talaga is to be a 'tagasundo' of Anda. So that explain 😄✌️

Fast phase ang story saka hindi naman kasi gasinong tinangkilik kaya tinapos ko na agad 😂 biro lang 😂. Sa totoo lang sinubukan ko pa itong pahabain sana pero wala e, lagay na talaga ang ending. Basta salamat po sa matatyagang nagbasa nito. Sa mga laging laman ng notif ko, da best kayo, salamat 🥰. Natapos man ang my ghost fan ay mananatili akong fan ng AndaLookkaew, sana kayo din. Till next time ❤️

This story is originally Rastro fan fic na ginawa ko almost 6 years ago may ilang binago lang ako para mag swak sa story nina Anda at Lookkaew 🤍❤️

My Ghost FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon