Chapter 3

25 3 0
                                    

Sa bahay nina Mommy ako nagpahatid, dahil natatakot na yata akong mag-isa sa condo ko. Kasi hindi lang naman literal na 'die hard fan' ko si ghost fan na sa mga work ko lang napunta at nagpaparamdam, e pati sa bahay sumasama siya, sa salas, kusina, kwarto, pati na din sa banyo. Ah! Basta kung nasaan ako, nandoon din siya. See how obsess that ghost fan is. Siya ata ang PA ng anino ko, e.

"Are you sure dito ka ulit sa bahay ng Mommy mo matutulog?" Tanong ni Tita Patty nang nakapark na ang van sa tapat ng gate namin.

"Yeah!" Tipid kong sagot saka bumeso na ako dito at tuluyan ng bumaba ng sasakyan. Ayoko na kasing sumagot at magpaliwanag pa sa sigurado kong magiging mga tanong pa nito.

"Just make sure na ready ka na pagdaan namin dito bukas, okay?" Pahabol pa nito matapos ibaba ang bintana sa tapat.

Simple lang siyang tumango, saka nag wave while saying goodnight.

Nang umandar na ang van ay tinungo na niya ang gate, para mag doorbell, pero nagulat siya ng bumukas na agad iyon, hindi pa man lang siya nakakapindot. Nagtataka man ay pumasok na siya. Nilingon pa niya ang likod ng gate para tingnan kung sino ang nagbukas sa kanya pero walang tao. Nag-iisa lamang siya. Napatakbo tuloy siya patungo sa front door. Hindi na niya isinara ang gate. Aba! Nakakatakot kaya! Saka marunong siyang magbukas, e di dapat marunong din siyang magsara, di ba tama ako?

"Susmaryosep kang bata ka! Ano at humahangos ka? Para ka namang hinahabol ng isang dosenang demonyo!"

"Manang naman! Isang fan na multo nga takot na takot na ako, dadagdagan ninyo pa ng isang dosenang demonyo! Wag naman pong ganun. Hindi lang naman po ako ang magandang artista dito sa Pilipinas." Biro ko.

"Dyeske ka talagang bata ka oo! Takot nay nakuha mo pa din talagang magapatawa!"

Nakangiti ko nang inakbayan si Manang Fely. Medyo naibsan na ang takot ko.

"Si Mommy po at Ing?" Tanong ko habang patungo kami sa may sala.

"Present!"  Sagot ni Ingfah na nakatayo sa taas ng hagdan.

Mas lumapad pa ang ngiti ko at sinalubong ko na ang Ate ko ng isang makapugtong-hiningang yakap at may kasama pang matunog at mamasa-masang kiss sa pisngi.

"Yuck! Anun, ang baboy mo!" Animoy diring-diri na pinahid nito ang laway ko na dumikit sa pisngi niya.

"Ikaw naman, Ing. Para naglalambing lang ako, kasi namiss kita."

"Namiss ka dyan! May I remind you lang, ha. Sa room ko kaya ikaw natulog kagabi!"

"Hehe! Oo nga pala, no.....​ Pero​ bakit gumanti ka din ng bone crushing hug?"

"Oo nga no.....​ Ah,​ kasi po namiss ko din ng bonga ang little sis kong celebrity na may ghost fan." Pinisil at pinanggigilan pa nito ang alam kong cute ko na pisngi.

"Naman! Pinaalala pa, eh!" Tinabig ko ang dalawang kamay nito at may pagpadyak pang maktol ko.

"Ingfah, thats enough! Tinatakot mo na naman iyang kapatid mo!" Pagsaway ni Mommy na pababa na ng hagdanan.

Nang makababa ito ay agad akong yumapos sa bewang ni Mommy, pa side tapos inakbayan ako ni Mommy at kiniss sa temple ko.

'Sweet ng Mommy ko, no. Oh well! Kanino pa ba magmamana? ....​ Ehem!' (insert super chest out)

"Ingfah, wag mo ng takutin ang Anun natin, dahil baka mabasa na naman ang bed sheet at comforter na gamit nya."

Bumitaw ako sa pagkakayakap ko kay Mommy at nakanguso akong humarap dito. At guys, binabawi ko na, kay Ingfah pala si Mommy nagmana. Hindi siya/sila sweet kundi mga hustler silang alaskador at bully.

"Kuh! Magsikain na nga lamang kayo. Lagi ninyo nalang inaasar itong paborito kong alaga!" Pagtatangol sa akin ni Manang Fely. Kaya naman lumapit ako dito at nagtago sa likod nito, kahit pa nga mas matangkad ako dito.

"AL, o.... Ang idol mo pinagkakaisahan na naman ng Mommy at Ate niya." Sumbong ni Manang sa kung sino habang inililibot ang paningin sa kabuuan ng sala at tila sagot sa sumbong ni Manang ay nag flicker ang sosyal na chandelier na pina ship pa ni Mommy mula sa Europe.

Napabilis tuloy ang pagpunta namin sa dining area. Nauna pa nga sa amin si Manang na 75 years old na ang edad. Iba talaga ang nagagawa ng adrenaline   rush, e no. Lalo na kung takot ang cause.

Nga pala kung AndaLookkaew fan kayo alam ninyo na siguro kung sino si  AL or guess what AL stands for. At ang hindi makahula ng tama ay aabayan ni AL sa pagtulog para daw you will have a sweetdreams combined with a  beautiful nightmare. 😂

Kung gaano kami kabilis sa pagpunta sa dining ay ganoon din kami kabilis natapos kumain. Imaginin ninyo - subo - nguya - lunok - inom - tapos. Wala ng usap-usap at mabilis na din kaming, I mean silang pumasok sa mga kwarto nila at ang mababait kong Ina at Kapatid ay pinagsarahan at pinaglockan ako ng mga kwarto nila at nagsabit pa sa doorknob ng

'NO CELEBRITY AND GHOST FAN ALLOWED!!!'

Mga baliw 😬!! Nga pala pati si Manang kaliga din nina Mommy at Ingfah. Kaya naman kahit afraid ako ay no choice kundi mag all by myself ako ng drama. Pagtapat ko sa pinto ng room ko ay three times muna akong nag sign of the cross, bago ko pinihit pabukas ang pinto, and guess what kung ano ang bumungad sa akin - Ang kanta lang naman na may lyrics na - 'YOU ARE NOT ALONE, I AM HERE WITH YOU.'

Sa takot ko ay naibato ko ang MP3 player na hindi naman kasi nakasaksak. Hindi na ako nagtangka pang ilibot ang tingin ko sa aking kwarto. Agad na akong nag dive sa kama at nagtalukbong ng comforter. Wala ng hila-hilamos at bihis-bihis, matutulog na ako. Iyon nga lang ay kung makakatulog ako gayong ang takot ko ay umaapaw na, umaawas pa. Kaya hindi ninyo ako masisisi kung nakakabasa man ako ng bedsheets at comforter sa edad kong ito.

Pinagpapawisan na ako. Hindi ko na nga pala kasi na i-on ang ac dahil sa takot ko. Ayoko namang mag-alis ng talukbong at baka kung ano na naman ang makita ko. Yiii! 😱

"Matulog ka na. Wag ka ng matakot, nandito lang ako. Binuhay ko na din ang air-con para hindi ka na banasin pa."

Narinig kong sabi ng katabi at kasukob ko sa comforter. Natatakot man ay dahan-dahan ko itong nilingon at nanlaki ang singkit kong mga mata, umawang din ng bahagya ang bibig ko, at bumilis ng makailang beses ang paghinga ko ng makaharap ko ng face to face si AL, ang aking ghost fan.

My Ghost FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon