Chapter 7

28 1 0
                                    

After she eat her dinner in her bathtub (then she go to sex club) . Ano ba yan napakanta na sa sobrang gaan ng feeling ang anak ni Aling Suneeporn.

Iyon nga pagkatapos niyang kumain at magbabad sa bathtub ay dumiretso na siya sa kama. Nahiga siya ng pabaliktad, nakalawit ang ulo niya para madaling matuyo ang kanyang buhok.

"Nais mo ba ng masahe?"

Sa gulat niya kay Lookkaew na nakayuko sa tapat ng mukha niya ay bigla siyang napabangon, kaya naman nauntog siya sa baba nito.

"Awww!" Daing niya habang hinihimas ang noo.

"Paumanhin! Hindi ko intensyon na gulatin ka!"  Nakihimas na din ang malamig nitong kamay sa kanyang noo.

"Sabi naman kasing wag kang basta-basta sumusulpot, e!"

"Galit ka ba?"

Napatingin siya sa mukha nito at bigla bigla ay naglaho ang inis na nararamdaman niya kanina dito. Kung kayo man siguro ako, for sure hindi ninyo din magagawang mainis o magalit ng matagal sa charm na meron itong si Lookkaew.

"Hindi ako galit! Nainis lang ako, dahil ginulat mo na naman ako.... Pero okay naman na."

"Talaga?"

"Oo nga, ang kulit!" Pinisil niya ulit ng bahagya ang matangos nitong ilong.

"Ikalawang beses mo ng ginawa sa akin iyan. Ano ba ang ibig niyang sabihin?"

Ano nga ba ang ibig sabihin niya sa pagpisil sa ilong nito? Ewan ba niya! Basta ang alam lang niya ay naku-cutan siya dito.

"Wala lang!" Maikli niyang sagot

Tinitigan siya nito gamit ang mga misteryosa nitong mga mata.

"Akala ko ba mamasahihin mo ako! Bilis na!" Aniya ng hindi na niya matagalan ang pagtitig nito na tila unti-unting humihigop sa enerhiya ng kanyang katawan.

Dumapa na rin siya sa kama upang iwasan nga ang mga titig nito. Pumwesto na din naman ito sa gilid niya at inumpisahan na ngang masahihin ang kanyang balikat at likod. Napapikit at bahagya pa siyang napaungol dahil sa sarap na dulot ng mga hagod nito, kahit pa nga ang mga kamay nito ay malalamig.

"Lookkaew, can I ask you a question?"

"Alam ko na ang ibig mong itanong, ngunit hindi ko alam ang sagot. Bukod sa aking ngalan ay wala na akong maalala pa tungkol sa aking pagkatao noong nabubuhay pa ako."

"Hindi kaya pagkahulog o pagkabangga ang kinamatay mo? Tapos nagka amnesia ka at nadala mo iyon hanggang sa kabilang buhay... Posible ba iyon?"

Hindi ito umimik at maya-maya ay tumigil na ito sa pagmamasahe sa kanya. Kaya naman nilingon niya ito. Nakatingin ito sa kawalan at tila may kagalit-galit itong naaalala, dahil napakadilim ng mukha nito at napakatalim pa ng mga mata.

"Lookkaew, ayos ka lang ba?" Magaan ang kamay na hinawakan niya ito sa braso.

Pabigla naman itong lumingon sa kanya at napabitaw siya dito ng makita niya kung gaano katalim ang tingin nito sa kanya at maya-maya pa ay naglaho na ito.

"Lookkaew?" Tawag niya habang inililibot ang tingin sa kabuuan ng kwarto.

"Bukas na lamang ulit! Magpahinga ka na! Magandang gabi sa iyo!" Ang sabi nito pero hindi na muling nagpakita.

"Ang daya mo naman! Hindi mo na itinuloy ang pagmamasahe sa akin!"

Hindi na ito sumagot at hindi na rin niya maramdaman ang presensya nito sa loob ng kanyang kwarto.

Naiinis man dahil muli na naman siyang nilayasan nito ay pinabayaan na lang niya, marahil ay mayroon itong dalaw kaya pa iba iba ang mood... Pero teka, dinadatnan pa ba ng monthly period ang mga babaeng multo?? 🤔

My Ghost FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon