Chapter 10

31 3 0
                                    

Lumipas ang maghapon na tanging si Lookkaew lamang ang kasama niya. Kung anu-ano lamang naman ang ginagawa nilang dalawa, and she can't deny na sobra niyang naeenjoy ang company nito, kahit pa nga multo na lamang ito. Pero kung pakakaisipin naman niya ay para din naman itong normal na tao. Nakakausap niya, nahahawakan, nakikita, nakakabiruan, ang kaibahan nga lang ay may kakayahan itong maglaho at lumitaw sa kung saan-saan. Malambing din ito, maalaga, at napakamaasikaso, kung lalaki nga lang siguro siya, kahit pa multo na ito ay sigurado siyang liligawan niya ito. Bakit ang hindi, ito ang perpektong larawan ng isang girlfriend at asawa. At kung nagkataon naman na si Lookkaew ang naging lalaki, ay sasagutin niya agad ito kahit hindi pa nanliligaw sa kanya, baka nga pikutin pa niya ito, mapasakanya lang. Natatawa siya sa kanyang mga naiisip.

"Kakaiba ang mga naiisip mo, ah!"

Napatingin siya kay Lookkaew. Kasalukuyan kasi siyang nakaunan sa may dibdib nito, habang nagmamarathon siya ng kasalukuyan niyang favorite series ang 23.5

"May gusto sana akong hinging favor sayo, Lookkaew." Pag-iiba niya ng usapan.

"Ano iyon, Mahal ko?"

"Ang makata mo naman! Atsaka mahal ka dyan!" Pairap niyang sabi, tinawanan lang naman siya nito.

"Ano iyong pabor na nais mong hingin sa akin?"

"Pwede bang wag mong laging binabasa ang mga iniisip ko? Can you give me a little privacy?"

Hindi ito umimik, kaya muli niya itong tiningala. Seryoso ang mukha nito, para pa ngang may nakita siyang galit sa mga mata nito pero ng tumingin ito sa kanya ay ngumiti na.

" Iyon lamang ba?" Nakangiti pa ring tanong nito sa kanya.

Tumango siya.

"Kung gayon ay ipanatag mo ang iyong loob. Hindi ko na muling babasahin pa ang  mga iniisip mo.... Lalo pa nga at iyon ay may kinalaman sa pagpapantasya mo sa akin." Tukso nito sa kanya.

Nakurot niya tuloy ito ng pino sa tagiliran, pero balewala lang naman dito, bilang ganti ay pinisil lang ako nito sa may baba at saka hinalikan ang tungki ng aking ilong. Tapos ay muli na  nitong inihilig ang ulo ko sa dibdib niya. Tulala akong bumalik sa panonood, na kahit scene ng crush kong si 'Manut' ay hindi ko maintindihan dahil parang kay daming tumatakbo sa isip ko na nagpapakabog sa dibdib ko. Kagagawan ito ng multo na kayakap ko.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Days and weeks has gone so fast and still nananatili pa din si Lookkaew na loyal sa kanya. Mas naging close din sila, actually halos si Lookkaew na lang ang lagi niyang kasama. Tinanggal na niya ang PA niyang si DD at si Lookkaew ang ipinalit niya. Nakakapagpakita na kasi ito sa mga katrabaho niya. Bakit nga ba sila umabot sa point na ito?

FLASHBACK

"Bakit mo ginawa iyon kay DD?"

Ang tinutukoy niya ay ang pagtulak ni Lookkaew sa PA niya sa kalsada na naging dahilan ng pagkakabangga niyon.

"Dahil ayoko sa kanya! Naiinis ako sa kanya!" Nakanguso at parang bata na maktol nito.

"Ano?" Hindi makapaniwalang tanong niya. "Bakit inaano ka ba ng PA ko? As far as I remember hindi ka nya nakikita!"

"Iyon na nga! Hindi niya ako nakikita, kaya hindi niya alam ang mga ginagawa ko para sayo! Ang mga bagay na nagawa ko na, kadalasan ay inuulit pa nya! Pinakikialaman niya!....​Atsaka masyado siyang maganda!... Ahh! Basta! Ayoko sa kanya, Anda! Kaya gumawa ka ng paraan para mawala na siya or ako ang gagawa ng ikawawala niya ng tuluyan!" Seryosong banta at sabi nito.

"Pero paano ang trabaho nya bilang PA ko? Lookkaaew, hindi pwedeng wala akong PA!"

"Ako ang magiging PA mo!" Confident na sagot nito.

My Ghost FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon