Chapter 2

50 4 0
                                    

"Anda, may gusto ka pa bang kainin?" Tanong ng PA niya.

Narinig naman niya iyon, pero parang wala siya sa sarili na nakatulala lamang. Nasa gitna sila ngayon ng trapik patungo sa photo shoot nila ng ka love team niyang si Lucille sa on going gl series.

Naalala niya kasi iyong ginawang pagpuri sa kanya ng ghost fan niya. Tunay na kinilabutan siya. Seriously kasi, its a first at wag naman sanang maging first of many many. Maybe you are wondering kung anong klaseng pagpaparamdam ba ang ginagawa sa akin ng ghost fan na iyon. Well, simple lang naman. Usually, may mawawala akong gamit tapos sa ibang lugar ko makikita, pangangamoy ng sari-saring bulaklak at may sinding kandila, pagkatok sa mga pinto at bintana na kapag binuksan e wala namang makikita na kahit ano, pag bukas-sara ng mga ilaw, gripo, at appliances ng wala namang tao na gumagawa niyon. Ganan lang. Nilalang-lang talaga e, no 😂. Nakakatakot din naman talaga ang mga ginagawa niyang iyon, pero mas nakakatakot iyong kahapon. Kasi nag level up na. Alam ninyo iyon, na feel, nakita, at narinig ko siya, kaya walang sinuman ang makakaintindi sa pagpi freak out ng loob ko. 'Ano daw?' see kahit si Author-otoran hindi naintindihan 😂✌️

"Anda, okey ka lang ba?" Nilingon ko ito. "Ang putla mo kasi, eh."

Tumango lang ako ng bahagya at tipid na ngumiti, saka umayos na ulit ako ng upo at pumikit. Hindi ko alam kung gaano na akong katagal nakapikit ng maramdaman ko ang paghaplos sa aking pisngi.

"I'm fine, DD. You really don't have to worry." Nakapikit pa din na sabi ko sa PA ko.

Ngunit tuloy pa din ito sa paghaplos sa pisngi ko. Okay lang naman sana, kaso lang napakalamig ng kamay nito na nagpapatindig sa mga balahibo ko.

"DD, stop it! Ang lamig-lamig ng kamay mo!"

"Anda, gising! Nanaginip ka!"

Bigla siyang napabalikwas ng hawakan ni DD ang kamay at balikat niya. Habang hawak pa din nito ang pisngi niya. Paano nga naman kasing mahahawakan nito ang tatlong bahagi ng katawan niya ng sabay-sabay, gayong dalawa lang naman ang kamay nito.

Kaya napasigaw siya ng bumulaga sa harap niya ang nilalang na may hawak pa din sa pisngi niya. Isang maputing babae na sobrang maputla ang mukha, kaya hindi maikakaila na multo na at mas lalong lumakas ang sigaw niya ng ngitian siya nito ng napaka creepy.

"Anda, gumising ka! Nanaginip ka!"

Malakas na yugyog ng kanyang PA ang muling nagpabalikwas sa kanya. Ang kaibahan lang ay wala na ang malamig na kamay sa kanyang pisngi at wala din ang maputlang babae. Lumingon-lingon pa siya na tila may hinahanap.

"Anda, ano ba ang hinahanap mo? Eto, o uminom ka muna ng tubig." Inabutan siya nito ng bottled water.

Tinanggap niya iyon at halos napangalahati niya iyon. At pagkatapos niyang ibalik sa kanyang PA ang bote ay bigla niyang kinuha ang dalawang kamay nito. Pinakiramdaman niya. Mainit pareho ang kamay nito.

"Anda?" Nagtatakang tanong nito sa ginawa niya.

"Nothing!" Iling pa niya atsaka binitawan na ang mga kamay nito.

Nagtataka man ito ay hindi na muling nagtanong pa Ngunit siya ay may tanong na pilit umuukilkil sa isip niya -

'Panaginip nga lang ba talaga iyon?'

Hanggang sa makarating na sila sa location ng photo shoot ay wala siyang nakuhang sagot.

Matapos ang ilang batian ay pumunta na siya agad sa dressing room upang maayusan na siya. Nandoon na din si Lucille na agad na ngumiti sa kanya na tinugunan din naman niya ng pa cute niyang ngiti. Habang inaayusan sila ay dinidiscuss sa kanila ang mga dapat ay mga pose nilang dalawa ni Lucille. Mostly ay sweet couple pose na inaproban naman ng both parties. Pero may isang sexy pose sa couch na medyo hesitant siyang gawin. Bukod kasi sa napakadaring ng damit para sa kanya ay para pa silang porn star ni Lucille sa gustong ipagawang pose sa kanila. Hindi siya sanay at kumportable sa ganoon, pero hindi naman niya alam kung paano niyang ibo voice out iyon. Tiningnan niya ang reaksyon ni Lucille, kung kagaya ba niya ay hesitant din ito, pero sa nakita niya ay mukhang okay lang naman dito lahat ng ipinagagawa sa kanila. Kaya naman makiki go with the flow nalang siya.

Unang kinunan sa kanila ay nakaterno sila ng gown. Mga pa tweetams na pose at lovey dovey lang. Next set ay nakapants naman siya. Kailangan lang nilang umarte ni Lucille na parang inlove sa isat-isa. They need to look at each other with desire. Naka ilang palit pa sila ng mga damit at madami pa silang mga ginawang sweet pose. At ng oras na para sa mala porn scene na gagawin nila ay nagkagulo ang lahat. Nawawala daw kasi ang mga susuotin nilang dalawa ni Lucille. Idagdag pa na biglang tinubuan si Lucille ng parang mga bulutong tubig sa mukha at katawan.

Gusto niyang mangiti sa mga nangyayari. More or less kasi ay may idea na siya sa kung sino ang salarin.

"I'm so sorry sa inconvenience." Hingi ng paumanhin ng Manager ni Lucille sa lahat bago umalis ang mga ito. Rinig pa niyang tinatanong nito si Lucille sa kung ano ba ang kinain at nagkaganoon ito.

Kinausap na din sila ng namamahala ng photo shoot na iyon. At ang ending ay nagpack up na din sila dahil super late na din naman.

"Aalis na din kami ha at napakaaga pa ng call time bukas nitong Alaga ko."

Pagkatapos ng paalamanan ay umalis na nga kami at pagkasakay ko ng Van ay agad akong binulungan ni Tita Patty.

"May kinalalaman na naman panigurado ang ghost fan mo sa mga nangyari sa photo shoot."

"Well, thanks to her!" Iyon lang ang sagot niya at sumandal na siya at pumikit, pero napamulat siya ulit ng mapansin niya na may nakasulat sa bintana ng van, sa gilid niya.

'You're welcome!!'

My Ghost FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon