Tahimik lamang siya sa sasakyan hanggang sa makarating na sila sa condo. Hindi rin naman umiimik si Lookkaew. Alam naman niya na kahit nangako na ito na hindi babasahin ang isip niya ay sigurado pa din siya na ginagawa nito iyon. Kaya there is no use kahit manahimik pa siya.
"Lookkaew, tell me! Totoo ang ibinibintang sayo ni Lucille, di ba?" Hindi na nya napigil na kumprontahin ito.
Tumango lang ito.
"Bakit? I mean, anong ginawa sayo nung tao para takutin mo ng ganun? Atsaka di ba nag-usap na tayo na titigilan mo na ang mga pananakot mo para maging normal ka sa paningin ng iba!"
"Ichinichismis niya ako sa iba ninyong mga kasamahan!"
"Dahil lamang doon? Ano ba ang ichinichismis nya tungkol sayo?"
"Na wirdo daw ako, kakaiba, at nakakatakot!"
"Na totoo naman! Kaya anong chismis doon?"
"Isa pang ikinaiinis ko sa kanya ay may gusto siya sayo! Tinutotoo niya ang mga eksena ninyo. Sinasamantala niya ang pagiging love team ninyo!"
"Wala akong nakikitang masama doon. Nagtatrabaho lang ako!"
"Wag na lamang tayong mag-usap! Kung hindi mo rin lang ako nauunawaan!"
Iyon lang at naglaho na naman nga ito.
"Lookkaew?" Tawag pa niya pero hindi naman na ito tumugon.
Nang sa palagay niya ay wala na nga ito ay agad niyang tinawagan ang Bestfriend niyang si Atom.
TEL. CON.
AD: Hello? Tom, now is the time!
AT: Are you sure wala iyon dyan? Baka mamaya mo nakikinig lang iyon, ha! Naku! Anda, ayoko ko pang mameet in person si Lord, ha!
AD: Silly! (kahit paano ay natawa siya sa birong totoo ni Atom) Sigurado akong wala sya. So, ano? Tutulungan mo ba ako?
AT: As if naman matitiis kita, no!
AD: Thanks, A! You are the best bestfriend in the whole world!
AT: Oo na! Inuuto mo pa ako! So, ano nga ang plano?Idiniscuss na nga niya dito ang mga plano niya para kay Lookkaew.
AD: Ano? Kaya?
AT: Kaya yan!
AD: Sya ba-bye na! Text na lang kita, ha. Night, A1. Tsup!
AT: Night, A2. Eww!Tatawa-tawang inend niya ang tawag.
"Didispatsahin mo na ako!"
Bigla ang ginawa niyang paglingon ng marinig niya ang tanong na iyon at nanlaki ng husto ang mga mata niya ng makita niya si Lookkaew ilang hakbang lang mula sa kinatatayuan niya.
"L-ookkaew? Ka-knina -"
"Oo, dahil hindi naman ako umalis! Kaya narinig ko ang pakikipag-usap mo kay Atom! Tungkol sa plano mong pagdispatsa sa akin!"
"Pero bakit hindi kita naramdaman?"
"Nalimutan mo na yatang may kakayahan akong hindi magparamdam sa mga tao, kapag hindi ko gusto!"
Hindi siya nakaimik. Nakatingin lamang siya dito. Natatakot siya sa pwede nitong gawin sa kanya. At lalo pa siyang nasindak at nanlaki ang kanyang mga mata, ng mabilis itong lumapit sa kanya at sinakal siya gamit ang napakalalamig nitong mga kamay.
"L-Lo-Loo-kaew?" Hirap siyang makapagsalita dahil sa higpit ng pagkakasakal nito sa kanya.
"Akala ko ba ayos na tayo! Akala ko payag ka ng kasama mo ako! Ginagawa ko naman ang lahat upang umakma ako sa mundo mo, pero bakit kailangan mo pa akong paalisin!? Bakit, Anda? Bakit?" Malakas, madiin, malamig, puno ng galit, at nakakatakot ang boses na tanong nito sa kanya.
"D-dahil hin-di ka na para sa mun-dong ito! Pa-patay ka na, L-Lookkaew!" Hirap na hirap siyang magsalita dahil halos maubusan na siya ng hininga sa pagkakasakal nito.
"Kung talagang naniniwala ka na hindi na ako para sa mundong ito, e di papatayin na lang kita upang ikaw ang umakma sa mundo ko! Mamatay ka na, Anda! Mamatay ka na!!!!" At mas diniinan pa nito ang pagkakasakal sa kanya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
."WAG!" Malakas niyang sigaw kasabay ng pagbangon. Pawis na pawis siya at naghahabol ng hininga. "Napakasamang panaginip!" Aniya. Nilibot niya ang paningin sa buong kwarto niya at napaigtad siya ng biglang bumukas ang pinto at humahangos na lumapit sa kama niya si Lookkaew. Naalala niya ang panaginip niya, kaya lumayo siya dito. Tumayo siya sa kabilang panig ng kama.
"Anong?" Takang tanong nito.
"Okay lang ako, Lookkaew! Please, iwan mo na muna ako!"
"Ngunit narinig kong sumigaw ka. Ano ba ang nagyari sa iyo?"
Halata ang concern sa mukha at tono nito, pero talagang natatakot na siya dito. Hindi mawala sa isip niya ang hitsura nito sa panaginip niya habang sinasakal siya. Tinitigan siya nito ng saglit, pero maya-maya ay lumabas na nga ito ng walang imik. Nanlalambot naman siyang bumalik sa kanyang kama. Maya-maya ay kinuha niya ang kanyang laptop at nag search siya sa google ng 'well known paranormal experts in the Philippines' Nang makita niya ang kailangan ay mabilis na siyang naghanda para umalis. Sa balkonahe na siya dumaan,. Mabuti nga at malapit lang doon ang fire escape na hagdan. Nang makababa na siya sa garahe ng condo ay ang big bike nyang Harley ang kanyang sinakyan. Bago siya tuluyang umalis ay tinawagan muna niya si Atom, agad naman itong sumagot na tila inaabangan na talaga nito ang tawag niyang iyon. Sinabi niyang sumunod ito sa kanya sa Address na isinend niya dito at pagkatapos nun ay inistart na nya ang big bike at saka pinaharurot.
Maayos naman ang naging takbo niya, kahit pa nga may katagalan na din mula nung huli niya itong sakyan. Nasa labas na siya ng Kamaynilaan at malapit na siya sa isang Sitio dito sa Batangas. Parang ayaw na yata niyang tumuloy ng makita niya ang dadaanan para makapasok sa Sitio, kung saan diumano naninirahan ang pinakamahusay na Paranormal Expert ayon sa na research niya sa google. Rough road ang makipot at tuwid na daan. May kadiliman ang kalsadang iyon, dahil sa mayayabong na puno sa magkabilang daan na nagsasalubong na sa gitna ang mga sanga at dahon na tila nagsisilbing bubong doon. Madalas ang mga ganitong settings ay sa mga horror movies lamang niya nakikita. Pero naisip niyang sayang naman ang ipinarito niya. Kaya muli niyang inistart ang motor at sinimulan na niyang bagtasin ang nakakatakot na kalsada na magdadala sa kanya sa Sitio Tak'ut.
Nasa kalagitnaan na siguro siya ng kalsada ng maramdaman niya na tila may angkas siya, kaya naman kahit natatakot siya ay tiningnan pa din niya ang side mirror at halos mawalan siya ng control sa manibela ng makita niya ang duguang mukha ni Lookkaew na nakangisi sa kanya at ng sakalin siya ni Lookkaew mula sa likod ay tuluyan na siyang nawalan ng control at balanse, kaya naman gumewang na sila at ilang saglit pa ay sumalpok na sa malaking puno ang big bike at siya naman ay humagis at pagbagsak niya sa batuhan - Ay muli siyang napamulat at sa ikalawang pagkakataon ay panaginip lang ang lahat.
'Ano ang ibig sabihin ng mga panaginip ko? Pahiwatig ba iyon na malapit na akong patayin ni Lookkaew?' Napa sign of the cross siya sa kanyang naisip.
"Diyos ko Lord, kayo na po ang bahala sa akin!" Maikling niyang panalangin.