Chapter 21

52 5 2
                                    

"Wala ka ba talagang maalala after madeads nung Mos guy na yun?"

"Di ba nga nawalan ako ng malay at wala ding binanggit pa ang Manager ko."

"Ano nga ulit ang name ng Manager mo?"

"Mama Schene."

"Full name!" Muli siyang tumutok sa kanyang laptop.

"Schene Ho."

Agad niyang itinype ang pangalan na binanggit ni Lookkaew.

"Patay na!" Hindi niya napigilang ibulalas ng makita ang resulta ng hinahanap.

"Patay na si Mama Schene?"

"Oo, so wala na tayong makukuha na info sa kanya." Napanguso siya sa pamomoblema.

Si Lookkaew naman ay natahimik lang din.

"Wala ka bang ibang kasama noon? Like your team - PA, Makeup artist, Bodyguards, or Driver?" Maya-maya ay tanong niya.

"Ang Driver ko... Kaya lang duda ako kung buhay pa iyon, dahil mahigit na yatang singkwenta iyon noon, e..... Iyong PA ko si Rowena, baka pwede nating matanong iyon."

Wala na nga silang inaksayang oras. Agad umupa ng PI si Anda para mahanap ang kinaroroonan ni Rowena Salvador at sa kabutihang palad ay natagpuan nila ito sa Antipolo, after ng tatlong araw na paghahanap.

.
.
.
.​

"​Tao po?" Tawag ni Anda mula sa kahoy na gate na hanggang dibdib niya. Dito kasi ang ibinigay na address sa kanya ng inupahan niyang PI.

"Ano pong kailangan nila?" Tanong ng may edad na babae, na ayon kay Lookkaew ay siyang pakay nila.

"Magandang araw po! Ako po si Anda. Hinahanap ko po si Aling Rowena." Magalang na pakilala niya.

"Ano ang kailangan mo sa akin?"

"May itatanong lamang po sana ako tungkol kay Lookkaew Kamollak."

Pinapasok siya nito.

"Maupo ka, Ms. Anda.. Pasensya ka na sa munti kong tahanan. Mag-isa lang naman kasi ako dito." Nahihiyang sabi nito sa kanya.

"Wala po kayong dapat alalahanin. Bakit po kayo nag-iisa? Kung hindi nyo po mamasamain. Nasaan ho ang pamilya nyo? Ang asawa at mga anak nyo po?"

"Matandang dalaga ho ako. Wala ho kasing nakatipo sa akin noong araw." Ngumiti ito ng bahagya saka iniabot sa kanya ang baso ng juice na nakapatong pa sa platito. "Ano ho nga palang itatanong ninyo sa akin tungkol kay Ms. LK?" Tanong nito matapos maupo sa silyang kaharap niya.

Pasimple muna siyang sumulyap kay Lookkaew na katabi niya sa mahabang silya.

"Tungkol po sa nangyaring aksidente noon sa Batangas." Walang ligoy niyang sagot.

"Naku po! Dyosko! Wala po akong kinalaman doon! Kung naparito po kayo para ipakulong ako ay pakiusap wala po talaga akong kinalaman doon.... Si Mama Schene​ ho at si Mang Dodong ang nakasagasa doon sa babaeng kapatid niyong lalaking fan na namatay." Dirediretso at histerikal na sabi ni Aling Rowena.

Napatingin ulit siya kay Lookkaew na nakatingin din pala sa kanya, saka sabay nilang ibinalik ang tingin sa umiiyak ng si Aling Rowena. Sa kaunting paguudyok pa niya ay nag kwento na nga ito ng tuluyan tungkol sa pangyayaring iyon.

"Pagkatapos ng pangyayari doon sa event ay umalis na kami agad. Sa likod ng covered court na nga kami dumaan para makaiwas sa mga nagkakagulong tao. Nang maisakay namin si Ms. LK na wala pa ding malay noon ay naghanda na kaming bumyahe pabalik ng Maynila... Pero nagulat kami ng may isang dalagitang humabol sa amin. Sinisisi niyon si Ms. LK sa pagkamatay daw ng Kuya niya. Hindi na ito pinansin pa ni Mama Schene, inutusan na nito si Mang Dodong na paandarin na ang sasakyan, pero sumabit ang Dalagita sa gilid ng Pajero. Tinanong ni Mang Dodong si Mama Schene kung ano ba daw ang gagawin nila, dahil nag aalala siguro si Manong na mahulog ang Dalagita na sumabit pag pinaandar niya ang sasakyan.. Pero ang sabi ni Mama Schene ay pabayaan na lamang daw at ituloy lang ang pagmamaneho. Kita ko ang pag aalangan ni Mang Dodong, pero sinunod pa din niyon ang Manager ng aming Amo. Hanggang sa nakabitaw na nga ang Dalagita. Kita kong nakatihaya iyong bumagsak sa mabatong kalsada, pero buhay pa iyon. Inihinto ni Mang Dodong ang sasakyan. Ang balak ay sasaklolohan namin ang Dalagita pero pinigilan kami ni Mama Schene at inutusan pa nito si Mang Dodong na tuluyan na ang kaawa-awang Dalagita. Ayaw sanang sumunod ni Mang Dodong, pero naglabas ng baril si Mama Schene at itinutok kay Mang Dodong. Ang sabi pa ay mamili daw si Mang Dodong, sariling buhay o ang buhay ng Dalagita. Kaya napilitan ng atrasan ni Mang Dodong ang katawan ng kaawa-awang Dalagita. Makadalawang ulit pa yatang nag atras abante ang Pajero sa katawan ng Dalagita, para masiguro daw na patay na talaga. Pagkatapos noon ay binantaan kami ni Mama Schene na papatayin daw kami at ang aming mga pamilya kapag may nagsalita daw sa amin." Mahabang kwento ni Aling Rowena.

Agad na din naman siyang nagpaalam pagkatapos nitong mahimasmasan sa pagkikwento. Iniwanan pa nga niya ito ng kaunting pera at sinuguradong wala siyang pagsasabihan ng mga isiniwalat nito sa kanya.

Si Aling Rowena naman na nasa may gate na nakatanaw sa kotseng sinasakyan ni Anda ay napakurap ng ilang beses saka napaantanda dahil sa nakita nitong babae na sakay sa passenger side. Hindi siya maaaring magkamali. Ang babaeng iyon ay ang babaeng pinaglingkuran niya dalawamput anim na taon na ang nakakaraan. Na nawala na lang at sukat. Napabilis ang pasok niya sa kanyang bahay ng ngitian at kawayan siya ni Lookkaew na hindi tumanda ang hitsura, kaya nakakasigurado siyang multo na iyon. Pagpasok sa kanyang bahay ay napatingin siya sa kapirasong papel na nakaipit sa ilalim ng platito na pinagpapatungan ng baso ng juice na inihain niya sa hindi niya inaakalang magiging bisita. Agad niyang dinampot iyon at napaluha siya sa kanyang nabasa.


Maraming salamat sa lahat, Rowena.

-LK🤍

Ngayon ay may sagot na ang katanungan niya sa biglang pagdalaw ng Artistang si Anda sa kanyang tahanan.

"Maraming salamat din sayo, Ms. LK. Hangad ko ang katahimikan ng iyong kaluluwa. Patnubayan ka nawa ng Panginoon." Sambit niya saka dinala sa dibdib ang sulat ng dating Amo.

.
.
.
.​
.

"Na shock ka sa nalaman mo?" Tanong ni Anda na nilingon pa saglit ang katabing si Lookkaew.

"Oo, hindi ko kasi akalain na ganoon ang nangyari. Wala akong kaalam-alam tapos ang masama nito, ako ang nasisi at naparusahan ng Ina ng mga kaawa-awang tao na iyon."

"On some point naman talaga ay may kinalaman ka, kasi nandoon ka ng mangyari iyon.... pero hindi naman talaga ikaw ang direkta na pumatay doon sa dalawang magkapatid kaya mali talagang sisihin ka at isumpa ng Nanay nila."

"Kailangan ko talagang mahanap at makausap ang Nanay ng magkapatid na iyon. Kailangan kong magpaliwanag na wala naman talaga akong sala... Pero hihingi pa din ako ng tawad sa naging asal ko at sinapit ng mga anak niya."

"Wala ba kayong way na mga multo para makipag communicate sa isat-isa?"

"Buhay pa sya, nararamdaman ko!" Anitong siguradong-sigurado.

Nagkibit balikat  na lang siya at nag focus na sa pagmamaneho.

My Ghost FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon