Chapter 4

29 3 0
                                    

"Matulog ka na. Wag ka ng matakot, nandito lang ako. Binuhay ko na din ang air-con para hindi ka na banasin pa."

Narinig kong sabi ng katabi at kasukob ko sa comforter. Natatakot man ay dahan-dahan ko itong nilingon at nanlaki ang singkit kong mga mata, umawang din ng bahagya ang bibig ko, at bumilis ng makailang beses ang paghinga ko ng makaharap ko ng face to face si AL, ang aking ghost fan.

Napabalikwas ako ng bangon.

"Aaaaaahhhhh!"  Sigaw iyan ng isip ko pero hindi ko naisatinig dahil tinakpan ng malamig na kamay ng multo ang bibig ko. Lalo tuloy nanlaki ang mga mata ko, pati nga yata ulo ko ay nanlaki na din sa sobrang panghihilakbot.

"Huwag kang humiyaw, pakiusap." Malumanay na sabi nito.

'Dyosko Lord! Ganito ba talaga ang mga multo? May kakayahan ba talaga silang makipag usap ng ganito kalumanay?' Mga tanong na nasa isipan ko, pero kahit naman mukhang mabait ito ay talagang takot na takot pa din ako. Si Casper lang naman kasi ang 'kilala' kong friendly ghost, e. Ikaw bang Reader ka, may kilala ka pa bang friendly ghost sa panahon ngayon?

"Payapain mo ang iyong sarili. Huwag kang matakot. Wala naman akong masamang tangka sa pagpapakita kong ito sayo."

Labis pa din akong natatakot at hindi ko pa din mawaglit sa isip ko ang magduda.

"Nais ko lamang naman na makipagkaibigan sa iyo."

Tiningnan ko ito ng may takot at pagdududa.

"Tatanggalin ko ang pagkakatakip ng kamay ko sa iyong bibig, ngunit isumpa mo na hindi ka papalakat."

Anong lalim naman yata ng pangungusap ng multong ito? Anong panahon ba ito nabuhay? Ano ba iyan, pati tuloy ako nahahawa sa mga imikan nito. 😑

Natatakot man ay tumango na lamang ako, para naman maitanong ko na dito ang mga nais kong malaman. Hindi iyong puro sa isip ko na lang ako dumadaldal.

"Ano bang kailangan mo sa akin? Bakit ka nananakot? Sino ka ba? Saan ka nanggaling? Ghost fan ba talaga kita? Bakit nakikita kita? Paano mo akong nakakausap?" Tuloy-tuloy kong pagtatanong. Nahinto lang ako ng marinig ko ang mahina nitong pagtawa.

"Tumatawa ka din? Ano ka ba talagang klase ng multo?"

"Hinay-hinay lamang kasi sa pagtatanong, mahina akong kalaban." Nakangiti nitong sabi.

Infairness ha, para sa isang multo na, ang cute at ang charming niyang ngumiti, ha. Promise!

"Natahimik ka?"

"H-huh?.... Ano?... Ahhh,​di ba sabi mo hinay-hinay lang." Palusot ko, dahil hindi ko akalain na natulala na pala ako sa mukha niyang cute kahit maputla.

Tumango lamang ito pero para namang hindi naniniwala sa kanya. Nakangiti pa din.

'Bakit kaya hindi ko maalis ang tingin ko sa mukha ng Mamoo na ito? Ghost witch ba ito na nagka cast ng spell para maakit ako?'

"Normal na multo lamang ako, kaya wala akong abilidad na mag cast ng spell."

"Teka!... Nababasa mo ang iniisip ko?" Manghang tanong ko.

Tumango ito.

"P-paanong nangyari-..."

"Paanong nangyari na nababasa ko ang isip mo?"

Tumango ako na parang wala sa sarili.

"Hindi ko rin alam, e."

"Hala!" Nasabi ko nalang.

'Parang mas dapat yata akong matakot sa Mamoo na ito, ah.'

"Wala ka namang dapat ikatakot."

"Pwede ba! Wag mo ngang sabihin ng sabihin na wag akong matakot! Iyang pagiging multo mo pa nga lang nakakatakot na, tapos mind reader ka pa! Now, tell me! Wala pa din ba talaga akong dapat ikatakot!?" Pagsusungit ko na.

Ewan ko ha, pero normal na ang nararamdaman ko. Parang wala na ang sobrang takot. Siguro kung meron man ay kunti na lang.

'Baliw na ba ako? Normal ba ang makipag-usap ng casual sa isang multo?'

"Hindi ka baliw pero hindi rin normal na nakikipag-usap ka sa isang katulad ko. Pero gusto ko lamang naman na makipagkaibigan sayo, eh."

"Bakit hindi ka sa kapwa mo multo makipagkaibigan? Bakit saken pa na isang, alam mo ng ano.... buhay?"​

Nawala ang ngiti nito at lumamlam ang mga mata na tila na hurt sa tanong ko.

"No offense, ha... pero kasi ang wierd lang talaga, e." Alanganing paliwanag ko. Para kasing nakonsensya ako sa itsura nito.

"Ayaw mo ba akong maging kaibigan?"

Bahagya itong naka pout na parang isang bata, ang cute! Sarap pisilin ng matangos nitong ilong.

'Anda, control! Alalahanin mo na nakakabasa ng isip ang Mamoo na iyan!' Saway ko sa sarili ko.

"Hindi naman sa ayaw-"

"Eh di ibig sabihin gusto mo din akong maging kaibigan. Ibig sabihin ay magkaibigan na tayo." Alive na alive na sabi nito.

Wait! Deads na nga pala ito, kakaloko naman iyong word na alive na alive, no. Hyper na hyper na nga lang. 😅 Nagniningning pa ang mga mata nito at ang ngiti ay iyong tipong hindi mo gugustuhing mawala pa sa paningin mo.

"Ay! Grabe sya, o! Ang advance masyado! Wala pa naman akong sinasabi na gusto ko, ah!" Pakipot na sabi ko.

Kaswal na kaswal na talaga ang pag-uusap namin, no. Parang hindi multo ang kausap ko, e.

Nagpout at naglungkot-lungkutan ulit ito, kaya hindi ko na napigil ang sarili ko. Bigla kong pinisil ng kaunti ang matangos nitong ilong. Ang lamig ng ilong niya! 😆🤭✌️

"Bakit mo ginawa iyon?"

"Bakit masama ba?"

Umiling ito.

"Hindi naman pala, e!" Irap ko at bahagya ko pa itong tinalikuran.

"Hindi mo ba talaga ako gustong maging kaibigan?"

Hindi ako sumagot! Feel ko magpa bebe e, bakit ba! 🙄😏 Ilang saglit pa bago ko muling hinarap ang multong katabi ko, kasi nagtataka ako kung bakit tahimik lang din ito, pero wala na pala ito. Inangat ko ang comforter para silipin ito, wala.... winagwag ko pa pero wala talaga. Dumukwang ako para silipin sa ilalim ng kama, wala na talaga.

"Nasaan na iyon?"

😂😂😂😂😂😂😂😂

PAKITINGNAN NGA PO DIYAN SA TABI NINYO O SA ILALIM NG MGA KAMA NINYO ANG GHOST FAN NI ANDA. BAKA PO NAGAGAWI DIYAN.

😂😂😂😂😂😂😂😂

My Ghost FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon