Chapter 6

39 4 0
                                    

Nang mapack up na ang taping nila ay mabilis na siyang sumakay ng van.

"Mang Jom, sa condo ninyo po ako ihatid, ha. Salamat!"

Nagtatakang nilingon siya ng Driver, pero sumang-ayon din naman.

"Sige po, Ma'am!"

"Tama ba ang narinig ko? Sa condo mo ikaw nagpapahatid? Bakit?" Tanong ni Tita Patty na kasasakay lang ng van.

"Anong bakit, Tita?" Natatawa niyang balik tanong. "Bawal na ba akong umuwi ngayon sa sarili kong condo?"

"What I mean is hindi ka na ba natatakot na mag-isa? Remember your ghost fan!"

"Tita, kung paiiralin ko ng paiiralin ang takot, ako rin po ang talo at mapiperwisyo! Kaya mula ngayon erase ko na ang takot sa system ko, and besides, hindi naman na siya nagparamdam maghapon di ba... So, siguro naman ay nanawa na siya sa pagiging fan ko!" Natawa na lang siya sa sarili niyang biro, pero totoo naman na nawala na ang takot niya kay 'Lookkaew'. Wow! First name basis, feeling close na talaga siya sa multong iyon.

"Talaga lang, ha! Sya, sige ikaw ang bahala basta mag ingat ka at tawagan mo ako o si DD pag may kailangan ka!"

Tumango lang sya at umayos ng sandal para gumawa ng tulog, pero bago siya lamunin ng antok ay may narinig siyang bulong - "Hindi kailanman ako mananawa sa pagiging tagahanga mo!" Sa halip na kilabutan sa lamig ng hangin mula sa bumulong ay napangiti pa siya.

"Anda, gising! Nandito na tayo!"

Pupungas-pungas pa siyang nagmulat at pagsilip niya sa bintana ay nakita nga niyang nasa tapat na sila ng condominium building na tinitirahan niya.

"Gusto mo bang ihatid ka namin sa itaas?"

"No need, Tita! I can manage na po!" Aniya at bumaba na nga siya ng sasakyan.

"You take care, okay!" Pahabol pang bilin sa kanya ni Tita Patty.

Ramdam niya ang matindi nitong pag aalala sa kanya, kaya tumango at ngumiti na lang sya para kahit paano ay mapanatag na ito, saka siya pumasok na ng building. Binati siya ng Guard na nginitian lang niya.

Solo siya sa elevator pero sa reflection ng dingding at ceiling ay may kasama siya. Sino pa nga ba sa akala ninyo, e di ang ever so loyal na multo. Si Lookkaew, her friendly ghost.

"Bakit ka nandyan?"

"Upang kung may sumakay man ay hindi matatakot!"

"Wow! At ako? Okay lang na matakot?"

"Hindi ka naman na natatakot sa akin, di ba?" Kay ganda ng ngiti nito habang nagtataas-baba pa ang mga kilay.

Kaya naman natawa siya ng malakas.

.
.
.

Sa kabilang banda naman, sa kwarto kung saan minumonitor ang mga cctv camera ng building ay nagtataka ang nagbabantay niyon, dahil kitang-kita niya sa camera na nasa elevator kung saan lulan ang artistang si Anda Anunta. Mula kasi ng sumakay ito ay dito na lamang nag focus ang kanyang tingin. Crush niya kasi ang naturang artista. Ngunit tila yata mayroong 'tililing', dahil nagsasalita at tumatawa pa na tila ba may kausap, gayong mag-isa lamang naman itong sakay mula ground floor hanggang sa seventh floor, kung saan naroon ang unit nito.

Nang lumabas ito ng elevator ay sinundan pa rin niya ito ng tingin gamit ang monitor ng camera sa hallway at talagang para itong may kinakausap na kasabay sa paglalakad. Kita pa niyang may hinampas ito sa hangin. I-zinoom-in niya ang camera, itinutok niyang maige sa mukha ng artista, ngunit pabigla siyang napaupo sa sahig, dahil sa sobrang gulat at takot ng may bumulaga sa kanya sa monitor na isang duguan at nakakatakot na babae, napakasama ng tingin niyon sa kanya.  Natatakot man ay pilit siyang tumayo, upang tingnan muli ang monitor, ngunit normal na ulit iyon at wala na din si Anda, na marahil ay nakapasok na sa unit nito.

"Suskupo! Ano iyon?" Napaantada siya ng ilang ulit sa sobra pa ding takot.

.
.
.

"Hoy! Lookkaaew, bakit ka tawang-tawa dyan?" Pamumuna niya dito. Mula kasi ng makapasok sila ng unit niya ay tumawa na ito ng tumawa, na akala mo e multong luka.

"Paumanhin!" Tuloy pa din ito sa pagtawa. "Iyon kasing nanunuod sa iyo ay nakakatawa ang mukha ng mahulog." Paputol-putol na sabi nito dahil halos mamatay-matay ito sa sobrang katatawa. Ano nga kaya at mamatay ito uli dahil sa katatawa nitong iyon. Botcha amfufu! 😂😂😂

"Hoy! Hoy! Nababasa ko iyang iniisip mo, ha." Tumigil na ito sa pagtawa.

"O, e ano naman kung nababasa mo?" Birong pagsusungit niya.

"Ano iyong botcha?" Tanong nito, bahagyang nakakunot ang noo nito at napaka inosente ng mukha.

Ang cute nito pero hindi siya makapaniwala na hindi nito alam kung ano ang botcha.

"Botcha is another term for double dead." Mahinahon nalang niyang sagot.

"Ahhh!" Tumatango-tangong sabi nito na parang bata lang na may bago at mahalagang nalaman.

"Dyan ka na muna, Lookkaew. Maliligo lang muna ako." Pagpapaalam niya dito saka tumalikod na.

"Sandali!"

Napatigil siya at muling lumingon dito, ngunit wala naman na ito sa pinag-iwanan niya, kaya muli na niyang itinuloy ang pagpasok sa kanyang kwarto, kung saan nadoon din ang banyo. Hinubad na niya ang lahat ng suot niya matapos niyang maihanda ang kanyang bihisan at naka robe nalang siyang  pumasok sa banyo, ngunit natigilan siya ng makaamoy ng lavander at tumambad pa sa kanya ang cozy and relaxing na ayos ng kanyang bathtub.

"Nagustuhan mo ba?" Pabulong na tanong ni Lookkaew sa kanya.

Ramdam niya na napakalapit ng labi nito sa tenga nya dahil may pagkakataon na sumasayad na iyon sa balat niya. Nakatayo ito sa likod niya at nakahawak sa magkabila niyang balikat. Napapapikit siyang tumango dahil para siyang nanghihina sa presensya nito at sa sobrang lapit nito sa kanya. Hindi siya makakakilos. At maya-maya pa ay naramdaman na niyang kinakalag ni Lookkaew ang tali ng robe niya, saka unti-unting hinubad sa kanya. Napatingin na lang siya sa tanging suot niya na ngayon ay hawak na ni Lookkaew at isinasabit sa may gilid niya.

"Maligo ka na! Nasa kusina lamang ako! Ipaghahanda kita ng masarap na hapunan!"

Iyon lang at naramdaman na niyang wala na ito. Naguguluhan man siya sa mga ikinikilos nito at sa epekto nito sa kanya ay sinunod pa din naman niya ang sinabi nito. Lumusong na nga siya sa bathtub na inihanda ng isang multo.

Ilang saglit pa lang siyang nakapikit ng muli niyang maramdaman ang presensya ni Lookkaew. Nagmulat siya at bumungad sa kanya  ang magandang presentation ng pagkain na hinanda nito veggie salad iyon at steak na may kapartner pang red wine. Ano at para siyang naka check in ngayon sa isang luxury hotel na may bonus pang personal butler, na nag aasikaso ng lahat ng pangangailangan niya. Kung alam lang niya na ganito pala ang benefits ng pagkakaroon ng kaibigang multo, e di sana dati niya pa itong kinaibigan 😆

"Thank you!" Nginitian niya ito ng alam niyang pinakacute niyang ngiti. Iyong gustong gusto ng mga fans niya.

"Kahit ano, basta para sayo!" Nakangiti din nitong sabi.

My Ghost FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon