Napabalikwas ng bangon si Anda ng hindi niya makapa sa higaan si Lookkaew. Iniisip niya kung panaginip lang ba iyong pagpapakita sa kanya ni Lookkaew kahapon. Mag-uumpisa na sana siyang mag emote ng mapatingin siya sa pinto dahil narinig niyang tila may nagbubukas niyon. Tatayo na sana siya ng bumukas iyon at iluwa ang akala niyay panaginip lang niya na si Lookkaew. May hawak itong cake na may sinding kandila at may kilik pa itong lobo na may stuff animal sa loob at bulaklak na gawa sa pera.
"Magandang umaga, Birthday girl." Bati nito saka umupo sa tabi niya sa kama. "O, bakit ka malungkot? E, birthday na birthday mo."
"Akala ko kasi panaginip lang lahat iyong kahapon, dahil wala ka sa tabi ko ng magising ako."
"Naku naman ang Alaga ko." Pabiro siyang pinisil nito sa baba. "Naghanda kasi ako ng mga ito upang isurpresa ka ngayong kaarawan mo... Kaya SURPRISE!!!"
Natawa siya sa ekspresyon nito at talagang masaya siya na nandito na muli ito sa tabi niya. Para sa kanya ay ito ang best birthday ever niya sa loob ng kanyang twenty - seven years of existence.
"Hipan mo na ang iyong kandila, saka ka humiling."
Naiiling pero natatawa niyang sinunod ito. Pumikit pa nga siya ng sambitin niya sa isip ang kanyang kahilingan.
"Ayan!" Tuwang sabi ni Lookkaew matapos niyang hipan ang kandila. "Happy twenty - seventh birthday, Anda!" Ani Lookkaew saka inabot sa kanya ang lobo at bouquet na kilik nito kanina.
"Thank you so much, Lookkaew!" Aniya saka yumakap at humalik dito sa pisngi.
Bahagyang nailang ang dalagang Anghel kaya naman -
"Ah, Anda... Tanghali ka na, di ba sabi mo malayo ang location ninyo ngayon, kaya hiniram mo muna sa kapatid mo si Mang Jom na dati mong Driver. Nandyan na siya sa baba at hinihintay ka."
"Ay, shucks! Oo nga pala!"
Mabilis na nga itong bumitaw sa kanya, saka dumiretso ng pasok sa banyo.
Makalipas ang mahigit tatlumpong minuto ay magkatabi na sila ni Anda sa backseat ng van nito. Parang naulit lamang noong siyay invisible ghost fan pa lamang nito. Hindi man kasi siya nakikita ni Anda noon ay ganitong-ganito palagi ang pwesto nila tuwing sumasakay ng van. Kaya naman napangiti siya.
"Hoy! Lookkaew, anong nginingiti-ngiti mo dyan?" Puna nito sa kanya.
"Wala, naalala ko lamang noon na laging ganito ang seating arrangement natin tuwing sumasakay tayo dito sa iyong van."
"At paanong- ........... Ahhh, noong mga panahon na minumulto mo pa ako!"
Tumango lamang siya. Kinurot naman siya ng kaunti nito sa tagiliran.
Si Mang Jom naman na nagmamaneho ay patingin-tingin sa dalagang artista na dati niyang amo dahil tila may kinakausap at kaharutan ito, gayong nagiisa lamang naman ito sa likod ng van. Ilang beses pa itong sumulyap sa rear view mirror pero talagang nagsasalita at tumatawa itong mag-isa. Hindi na lamang ito inintindi ni Mang Jom. Inisip na lang nito na nag-eensayo ang kanyang dating Amo. Kayat nag focus na lamang siya sa pagmamaneho. Hanggang sa maihatid na nga nito si Anda sa location ng matiwasay.
Naging sobrang successful ng serye nina Anda. Pumatok din ang love team nila ni Lucille Kamnoetsirikun, kaya naman nabigyan sila ng dalawa pang serye at tatlong pelikula na tumabo din sa takilya at sa bawat saya at tagumpay niya ay nasa tabi lamang niyang lagi si Lookkaew bilang Guardian Angel na fan.
At dahil sa pagiging isa sa pinakamagandang mukha sa industriya na tanyag at single, marami ang sumubok na lumigaw sa kanya. Isa sa maswerteng napagbigyan niya ay si Toranin Manosudprasit ang gumanap na kuya niya sa serye nilang love senior. Ngunit hindi din nagtagal ang pakikipagdate niya dito, dahil sa tuwing lumalabas siya kasama ng binata ay kitang-kita niya ang lungkot sa mga mata ng kanyang Guardian Angel at hindi niya gusto iyon. Kaya naman tinapat na niya si Tora na wala na itong aasahan sa kanya at mula rin noon ay hindi na siya nag entertain pa ng manliligaw. Nag focus na lamang siya sa kanyang career, pamilya, at syempre kay Lookkaew.
Hanggang sa magretiro siya sa edad na setentay-singko. She's single and old but very much contented. Kagaya ngayon, namamahinga lang siya sa kanyang tumba-tumba sa balkonahe ng kanyang bahay, kalong ang kanyang alagang pusa na si Sorbet. Minamasdan niya ang papalubog na araw.
Natanawan niya ang napakagandang si Lookkaew na nakatayo sa gitna ng hardin niya ng mga orchids. Nakangiti ito at nakalahad ang palad sa kanya. Gumanti rin siya ng ngiti saka marahan siyang tumayo at ng makatayo na siya sa kanyang tumba-tumba ay nagbalik ang itsura niya sa panahon na nakilala niya ang kanyang ghost fan. Lumakad at bumaba na nga siya ng balkonahe ng hindi binibitawan ang titig sa kanyang napakagandang anghel.
"Handa ka na bang sumama sa akin sa langit?" Nakangiti pa ring tanong nito sa kanya ng tumigil siya, dalawang hakbang mula sa kinatatayuan nito.
"Talaga nga bang doon mo ako dadalhin?" Nakangiti din niyang sagot, saka ipinatong niya ang palad sa kamay nitong nakalahad.
Natawa lang ito ng bahagya at umalis na nga sila doon ng magkahawak ang mga kamay.
Sa balkonahe naman ay lumabas si Nurse Gyoza upang dalhan ng early dinner ang matandang si Anda, ngunit agad nitong pinulsuhan ang matanda ng hindi tumugon sa kanya at nakumpirma nga niyang wala na ito. Ngumiyaw ang pusang nasa kandungan nito at napaluha na lamang siya ng buhatin ito.
"Sorbet, iniwan na tayo ni Mother Anda."
Ngumiyaw muli ang pusa saka sumiksik sa kanyang dibdib. Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan ang kapatid ni Anda para ibalita ang nangyari sa Matanda. Muli pa niyang sinulyapan ang Matanda na tila nagsisyesta lamang sa tumba-tumba. Payapa ang mukha nito at may bahagya pang ngiti sa labi.
'Atlist she die happy.' Sa isip niya
🤍THE END🤍
========================
At iyan po ang alternate ending ng My Ghost Fan.
Sa magtatanong po sa kung anong winish ni Anda nung birthday niya ay heto po -
"Sana'y makasama ko pa ng matagal si Lookkaew. Hanggang sa pagtanda ko at pati na din sa kabilang buhay."
At ang PANSAMATALANG misyon ni Lookkaew ay naging PANSAMANTAGAL.
Para sa inyo alin ang mas gusto ninyong ending?
Please always support ANDALOOKKAEW projects kahit minsan ay individual at hindi sila magkasama ❤️🤍