Chapter 22

56 7 5
                                    

Humingi pa ulit si Anda ng extension na pahinga, pero hindi na siya pinayagan dahil hindi daw maaaring mabitin ang series pag nawala siya, gawa ng isa siya sa inaabangang maige ng mga fans. Kaya kailangan niyang balansehin ang kanyang trabaho at paghahanap sa matandang babae na nais talagang matagpuan ni Lookkaew.

"Kaew, I'm so sorry. Late na natapos ang shoot namin e... pero tara na, diretso na tayo ngayon sa Batangas."

"Sigurado ka?"

Kinuha nito ang kamay niya at sinipat ang oras sa relong suot niya.

"Alos dos y medya pa lamang ng madaling araw. Umuwi na muna tayo at magpahinga ka muna. Mamaya na lang natin asikasuhin ang patungo sa Batangas."

Pakiramdam niya ay nag init ang mukha niya sa concern nito sa kanya lalo pa nga at hawak pa din nito ang kamay niya.

"Okay lang ako atsaka magtse check in naman tayo sa hotel sa Batangas dahil hindi ko sure kung mahahanap ba agad natin ang ating hinahanap. Kaya doon na lang ako magpapahinga.

" Sigurado ka, ha? Ako na lang kaya ang magmamaneho." Suhestyon pa nito.

"Hindi na, kaya ko na to.​ Ako pa ba!"

"Sige, ikaw ang bahala." Sang-ayon na din nito saka sabay na silang sumakay ng kotse.

.
.
.
.
.

"Magandang umaga po, magtatanong lang po sana." Aniya sa matandang babae na nakatira malapit sa covered court na pinagdausan noon ng mini concert ni Lookkaew.

"Ay! Ano ga iyon, Ineng?"

"Itatanong ko lang po sana kung natatandaan ninyo po iyong aksidenteng nangyari dyan sa covered court mga twenty six years ago na po."

"Ay, alin ba ga? Iyong lalaki na nahulog diyan sa isteyge na may kapatid na nabundol?"

"Iyon na nga po!" Halata ang excitement sa boses na sagot niya.

"E, ano ga ang tuong ibig mong malaman tungkol doon?"

"Baka lang po kasi kilala ninyo ang Nanay ng magkapatid na iyon."

"Alay oo naman! Taga diyan laang sa kabilang Sitio ang mga iyon nakatira noon, e."

"Maaari ko po bang malaman ang pangalan niyong Nanay at eksaktong address ng tirahan nila?" Hopeful na tanong niya.

.
.
.
.
.

"Wow lang, Lookkaew! I cant believe na matatagpuan natin agad ang hinahanap mo!" Aniya kay Lookkaew habang nagda drive siya patungong Sitio Tak'ut. Ang lugar kung saan daw nakatira si Aling Himena Panuwat. Ang Ina ng magkapatid na namatay ng dahil daw dito.

"Sana ngay matagpuan na natin siya ng tuluyan na akong matahimik."

Nilingon niya ito saka hinawakan ang malamig nitong kamay na nakapatong sa ibabaw ng hita.

"Natutuwa ako na malapit mo ng makamit ang katahimikan na matagal ng dapat ay sumaiyo." Nginitian niya ito ng bahagya pero hindi iyon umabot sa mga mata niya. Kaya agad niyang ibinalik ang tingin sa malubak na kalsada. Babawiin na rin sana niya ang pagkakahawak sa kamay nito, pero pinigilan nito iyon.

"Iba ang iniisip mo kaysa binibigkas ng labi mo." Anito na hindi na niya kinontra. "Nalulungkot ka dahil ayaw mo na iwanan kita."

"Nasanay na lang siguro ako na lagi kang nandiyan, pero magiging okay din ako. Atlist wala ng mananakot lagi sa akin." Sinamahan niya iyon ng tawa na wala naman talagang saya. Saka tuluyan na niyang binawi ang kamay sa pagkakahawak ni Lookkaew.

Hindi na umimik pa ang dalagang multo. Basta nakatingin na lang ito sa dalagang nagfofocus sa pagmamaneho pero may tumutulong luha sa mga mata.

.
.
.
.​

My Ghost FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon