Chapter 8

29 2 0
                                    

"Anong iyong balak gawin sa maghapon mong ito?" Tanong ni Lookkaew. Kasama na niya ulit ito dito sa kanyang kwarto.

Nagkibit lang siya ng balikat.

"May nais sana akong imungkahi."

Napatingin tuloy siya dito.

"Ano naman yun?"

"Pumirme ka na lamang dito sa iyong tahanan, lalo pa nga at maulan tiyak na hindi ka rin masisiyahan sa labas."

"Actually, iyan naman talaga ang balak ko, e."

Tingin niya ay lalong umaliwalas ang mukha nito dahil sa sinabi niya, kaya naman naisip niya itong biruin.

"Gusto mo akong masolo, no!" Ang ini-expect niya ay magba blush ito at magdideny, pero siya yata ang nagblush sa naging response nito.

"Ganoon na nga! Nais kitang masarili! Iyong ikaw lamang at ako! Ayoko ng may kabahagi sa iyong atensyon!"

"Possessive much!"

Ngumiti ito pero bakit tingin niya ay creepy iyon at may pagka murderous pa ang mga mata nito. Ikinurap niya ang kanyang mga mata at naging charming na ulit ang smile nito, nawala na din ang talim sa mata nito. Kaya ipinagwalang bahala na lamang niya iyon. Inisip na lang niya na marahil ay namalikmata lang siya.

"May naisip ka rin ba na pwede nating gawin?" Tanong na lang niya.

"Bakit hindi na lamang tayo mag role play. Kunwari ay notorious murderer ako at ikaw ang aking biktima na papatayin ko sa pinaka pa sa alam mong karimarimarim na paraan!" Seryosong sabi nito, habang may nakapaskil na ngisi sa labi at may talim ang tingin sa kanya.

Bahagya tuloy siyang napalunok at nakaramdam ng magkahalong takot at hilakbot. Nireready na din niya ang sarili sa pagtakas kung sakali man na atakihin siya nito.

"Binibiro lamang kita!" Bawi nito na tumatawa pa.

"N-nakakainis ka!" Sabi niya pero nandoon pa din ang takot niya dito.

Mukha kasing Seryosong-seryoso ito nung sabihin iyon kanina. Hindi naman niya talaga ito kilala, kaya anong malay niya sa totoong iniisip nito.

"Kalma! Hindi ako killer ghost. Nagbibiro lamang talaga ako kanina... Sige na,​ gawin mo na lamang kung ano ang nais mo, dahil hindi ko naman alam kung ano ang magpapasaya sa mga tao sa panahon ngayon."

Ang balak talaga niya kanina ng malaman niyang canceled ang taping, ay mag stay lang siya sa kama at manood ng mga horror at gore movies, pero dahil sa 'biro lang daw' ni Lookkaew, ay parang gusto na niyang magbago ng isip.

"Dyan ka na muna! May gagawin lang ako!"

Hindi na niya hinintay ang sagot nito. Agad na siyang lumabas ng kwarto. Dumiretso siya sa kitchen para maghanda ng snacks niya, pero nagulat na naman siya ng madatnan niya si Lookkaew na nakaupo sa may island, malapit sa microwave, may hawak itong isang bag ng popcorn na inaabot sa kanya. Walang imik na kinuha niya iyon at ipinasok sa oven. Kumuha na din siya ng malalaking bags ng chips at syempre ng favorite niyang ice cream. Saka dinala na niya iyon sa kanyang kwarto at ipinatong niya ang mga iyon sa kama. Muli siyang bumalik sa kusina, sakto naman na okay na ang popcorn kaya inilabas na niya iyon at isinalin sa malaking bowl. Hindi pa din niya pinapansin ang multo. Pabalik na ulit siya ng kwarto ng bigla siyang makaramdam ng malamig na yumakap sa kanya mula sa likod.

"Patawarin mo na ako, Anda. Hindi ko naman sinasadya na takutin ka ng ganoon."

Sobrang lamig nito. Idagdag pa ang lamig ng panahon at lamig ng bukas na air-con. Pero kahit ganoon ay wala siyang kilabot o ginaw na nararamdaman, bagkus ay masarap sa pakiramdam niya ang yakap nito. Hinawakan na niya ang kamay nitong nakayakap sa bewang niya.

"Sige na! I forgive you na! Alam ko naman na forte ninyo na talagang mga multo ang manakot! Dapat na talaga akong masanay!"

"Talaga? Hindi ka na galit sa akin? Bati na tayo?" parang bata na paninigurado nito.

"Oo nga! Ang kulit! Sige na, bitbitin mo na itong popcorn! Kabayaran sa ginawa mong pananakot sa akin kanina!"

Bumitaw na nga ito sa pagkakayakap sa kanya at agad ng kinuha sa kamay niya bowl ng popcorn.

.
.
.

Matapos niyang maiprepare ang mga kailangan niya sa pag mu movie marathon ng mga datihan ng horror movies, ay pumwesto na siya sa kama. Katabi niya syempre si Lookkaew. Tanging liwanag lang mula sa screen ng tv ang ilaw nila. Nag umpisa na nga ang unang movie. (Drag me to hell). Kada may tunog at eksenang nakakatakot ay napapaigtad siya tapos dadagdagan pa ng paminsan-minsan na pananakot sa kanya ni Lookkaew. At ng matapos na ang first and second movie, at habang nagpe play ang ikatlong pelikula (3A.M 3D) ay biglang namatay ang tv. Kaya naman walang makita si Anda kundi dilim.

"Shit! Black out pa yata!"

Kinapa niya si Lookkaew sa tabi niya pero wala ito doon. Tumitindi na ang takot niya ng biglang nagbukas ulit ang tv ngunit walang tao. Giraw-giraw lamang ang nakikita niya. Hanggang sa ang giraw ay napalitan ng palabas. Eksenang pamilyar na pamilyar sa kanya, dahil katatapos lang niya iyong panoodin, saka ilang beses na din naman niya talaga iyong napanood. Ang eksena ng balon sa movie na the ring. Kung saan unti-unting lumalabas si Sadako at gumagapang din ito palabas ng tv... ng kanyang TV! Gusto niyang sumigaw! Gusto niyang tumakbo! Ngunit tila nanigas na siya sa sobrang takot at ng pasampa na ito ng kanyang kama ay doon na siya napasigaw ng ubod lakas. Kasabay niyon ang pagbilis ng paglapit nito sa kanya and the next thing she know ay ka face to face na niya ang mukha nitong natatabunan ng mahabang buhok. Napatigil ang pagsigaw niya. Pigil na pigil din ang paghinga niya. Tapos dahan-dahang hinahawi ni Sadako ang mahaba nitong buhok na nakatabon nga sa mukha at hindi na niya napigil na paghahampasin ito ng makilala niya kung sino talaga ito.

"Walanghiya ka talaga!!!" Naiiyak sa inis na tuloy tuloy niyang pamamalo kay Sadako, na walang iba kundi ang ghost fan niyang si Lookkaew na natripan na naman siyang takutin.

Tawang-tawa pa ito!

"Tama na. Sorry na!" Hinawakan nito ang dalawang kamay niya upang patigilin siya sa pamamalo. "Napuna ko kasing takot na takot ka sa eksenang iyon, kaya naisipan kong gawin mismo iyon sa iyo sa totoong buhay... At tagumpay!" Tawang-tawa pa din ito sa kawalangyaan nito.

"Tuwang-tuwa ka pa na natakot mo ako!"

"Sorry na nga po." Ang sabi saka hinalikan pa nito ang knuckles niya.

Bigla tuloy niyang nahigit ang kamay nyang hawak pa din nito, para kasing nakuryente siya ng lumapat ang malamig nitong labi sa balat niya.

"Iwan mo muna ako, Lookkaew! Gusto ko munang mapag-isa!" Aniya na hindi tumitingin dito, kahit pa nga ramdam niyang nakatitig ito sa kanya.

May katagalan din na nakatitig ito sa kanya na parang binabasa siya, pero sa huli ay sinunod din naman siya nito. Naglaho na nga ito at iniwan siyang mag-isa.

My Ghost FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon