01

970 15 1
                                    

London Aeryx Vergara

“uhm... Vergara?” naputol ang atensyon ko sa pag ta-type sa laptop ko sa boses na umagaw sa atensyon ko.

Ah si Mariel pala, isa sa mga blockmates ko “hmm?” tugon ko, habang abala parin sa pag type sa laptop ko.

“Diba kaibigan kayo ni Serrano?” ng marinig ko ang apelyidong iyon ay agad akong napahinto kusang kamay ko na ang tumigil, tumingin ako sakanya at tumango.

“nakita ko kasi si Serrano na may sinusuntok  mga taga engineering yata yung mga yon, walang makaawat sakanya, e." Nanlaki ang mata ko sa gulat hindi makapaniwala nakaramdam ng inis parang halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin, tumakbo nalang ako palabas kahit hindi ko alam kung nasaan ba sila.

“London 'san punta mo?” tanong sakin ni Elias na nakasabit parin sa leeg niya ang camera.

“Eli... nasan si Dimitri?” hinihingal na tanong ko, ang mga kamay ay nasa tuhod ko, inaalalayan ang sarili na huwag matumba sa pagkahingal.

“Ha.. e, hindi ko nakita galing akong sa dep namin”

Hindi ko pa nababawi ang pagod at hingal ay muli na naman akong tumakbo hanggang sa makita ko ang mga nagkukumpulan na mga estudyante, agad na pumasok na sa isip ko kung sino ang pinag kukumpulan nila.

“London si Dimitri!” tawag sakin ng umiiyak na babae, sinusubukan niyang awatin si Dimitri kasama ang mga kaibigan nila.

Nakapaibabaw at pinapaulanan ng binata ng malalakas na suntok yung lalaki.

"Tangina mo sinabihan na kita na itikom mo 'yang bibig mo di 'ba!" sigaw niya sa nakahigang lalaki na hindi na makapalag sakanya.

Mahigpit ang hawak sa kuwelyo nito at dumudugo na rin ang pumutok na labi dala na ng malalakas na mga suntok.

“Dimitri tama na yan!” sigaw ko, hinawakan ko ito sa braso para pigilan pati si Laxus ay tinulungan na ako si Solon naman ang sumasaway sa mga estudyanteng nag vivideo.

“Lucier...” nanghihinang tawag ko sa pangalan niya, sa wakas ay unti-unti siyang tumingin sa akin na parang nanlambot ang binata. Hanggang sa tuluyan na namin siyang nailayo ni Laxus, buti nalang din ay dumating na ang dalawang guards at may kasama rin itong mga prof.

“but, that doesn't mean ligtas kana, lilinisin mo lang naman ng two weeks yung buong garden.”

Tahimik lang si dimitri hanggang sa dalhin kami sa disciplinary office, napagalitan siya ng mga prof namin at siyempre binigyan siya ng punishment. I-memessage rin ang mga parents nila para ipaalam ang nangyaring gulo ngayong araw.

Yung mga napuruhan niya nandon sa clinic, yung dalawang kaibigan naman non pinarusahan din silang tatlo paglilinisin sila ng comfort room ng three weeks.

Mas malala yung punishment na binigay sakanila ang sabi rin ng mga nakakita yung nauna daw yata ay yung mga 'yon puwede rin na hindi sila makagraduate kung masasangkot muli sa gulo dahil second offense na pala nila ito.

“Okay you can go back to your classrooms now,” tumango kaming tatlo sa Dean saka nagpaalam na din.

Paglabas namin ng pinto ay naka abang na samin ang mga kaibigan ni Dimitri.

“Ano raw sabi? Anong parusa sayo Dim?” tanong ni Elyse.

“He needs to clean the Garden for two weeks.” Sagot ko dahil tahimik parin itong isang katabi ko.

“Basic lang yan kay Dim plant lover kaya yan,” natatawang biro ni Solon na tinawanan din nila

"Hardenero Dim is in the house!" dagdag na pang-asar ni August.

Half of Me (The Only Exception Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon