London
Hapon na nang mapagpasyahan namin na pumunta sa sementeryo, dahil nagluto pa sila lola ng pagkain na kakainin namin.
Nag latag lang rin kami ng tela sa damuhan para doon mailagay ang mga pagkain at mauupuan, iilan lang naman kaming nandito, ang pamilya lang talaga namin.
Habang abala sa pag kukwentuhan sila mama, ay ganon rin kaming tatlo na nakaupo lang rin at abala sa kanya kanyang mga ginagawa.
May papansin na namang nagparamdam, sa isip ko ng makita ang pangalan na. Dimitri Lucier Serrano, tunog pa lang nang pangalan ay agaw pansin na. Sabagay ay kinulang rin kasi sa pansin ang nagmamay-ari.
Dimitri:
May saksakan dito
kasunod ng message niya ay ang litrato ng binata na naka peace sign, "saksakan ng pogi," I knew it.
Dimitri:
Nabili mo na ba strawberry jam ko?
Ako:
Demanding ka talaga 'no?
Ganyan ka rin ba sa mga babae mo
Pinapainit talaga lalo nitong lalaking 'to ang dugo ko e.
Dimitri:
Nope, wala naman akong mga babae
May laughing emoji, tinawanan ko lang ng react ang huling message niya at hindi na sana magrereply.
Ako:
Magbayad ka muna ng utang mo!
Dimitri:
Pati pala yung strawberry ice cream, dapat hindi yan matutunaw pagdating rito ha.
Ako:
spike-in ko yang mukha mo e
ngumuso ako sa inis, tarantado lakas mang-asar.
Napapansin ko rin na parang may gusto sabihin sa'kin si gaile, hanggang sa, tumikhim ito at ngumuso, "Kuya aeryx?" tawag niya sa pangalan ko, tinaasan ko siya ng kilay para ipakitang nakikinig ako.
"May girlfriend kana?" She asked, natawa ako at umiling, "pinopormahan?" sunod na tanong niya.
"Wala, akong pinopormahan," ngising sagot ko. Sumilay ang ngiti sa mga labi at kislap sa mata neto na ikinakuryos ng mukha ng kakambal niya.
"hoy, hoy, hoy! gaile tigilan mo nga pagrereto dito kay london," saway ni konor, nakita kong inismidan lang siya ng kapatid at bumalik sa pag tatype sa cellphone niya.
"Kuya gusto mo ba i-reto kita sa kaibigan ko, maganda yon modelo nag-aaral sa manila. La Salle." suhestiyon ng dalaga.
"Eto talaga, tita si gaile nirereto si london oh!" sumbong ng kapatid kay mama, tinawanan ito nila.
"bakit ba kontra ka?!" naiiritang sabat ni gaile "itanong mo kaya muna kay london kung gusto niya rin ba?" si konor.
"tsss."
"Kuya, okay lang ba sayo?" tanong rin naman niya, pati sila mama ay interesado na sa sagot ko, "I'll pass, busy for enrollment next semester," tipid na ngiti ko sakanya.
Natawa naman ako ng makita ang pagkadismaya sa mukha ni gaile na ikanatawa nila mama at ng kakambal nito.
"Sayang naman..." pahabol niya.
Dumating ang linggo at umalis na nga si mama para maunang bumalik sa manila, hindi kasi pwedeng magtagal dito si mama at kailangan niya nang bumalik sa site.