15

171 4 0
                                    


Mariin akong napapikit ng maramdaman ang kirot sa ulo ko. Tinukod ko ang siko sa desk at ipinatong ang mukha sa palad. I tried to listen to the professor again even though I wanted to close my eyelids. Hindi na nga ako nakatulog ng maayos dumagdag pa ang hangover.

After my afternoon class ended I went home. Pagdating ko ay ibinaba ko lang ang bag ko at ibinagsak ang sarili sa couch. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako at alas otso na ng gabi ng magising ako. Nag shower muna ako para mabawasan ang bigat na nararamdaman, medyo nawala na rin ang sakit ng ulo ko.

I decided to cooked for dinner, hindi marami dahil ako lang naman ang kakain at baka mapanis pa. Pagkatapos kong kumain ay umupo ako sa couch at nanood, maya't maya rin ang tingin ko sa cellphone ko kung may bagong message ba.

Excitement raise in my body when my phone vibrated. Akala mo ay may oras na hinahabol nang kunin ang phone sa mesa only to find out na message lang pala ito mula sa Globe. Tang ina expired na pala 'to? One year na pala, bilis naman. Kailangan ko pala ulit bayaran ito ng pang isang buong taon.

Napakamot ako sa batok, ibinaba ko na ito para manood muli. Bagot at walang gana kong kinuha ang phone ng mag vibrate ulit ito.

Hirap na umasa baka ma disappoint.

ohlizelleqnn started following you

"Huh?" kumunot ang noo ko, sino 'to? Bagong nag follow sa account ko sa Instagram? Pinindot ko ang account para makita kung sino ito dahil parang familiar ang username niya.

"Ahh..." Si Elle pala, nag scroll muli ako sa account niya para masiguro kung siya nga, nagtataka ako kung pa'no niya nalaman ang account. Pero baka sinabi ni Solon, tang ina talaga ng lalaking 'yon!

May maraming followers ito at puro pictures niya na nakatalikod na kasama ang sunset ang mga pinagpopost niya, yung bagong post niya na 1hour ago lang ay picture ng puti niyang aso tapos pagkain at tulips na kulay puti rin. Ni-like ko ang post niya na 'yon.

Maya-maya lang ay nakatanggap agad ako ng message sakanya nang i-followback ko siya.

ohlizelleqnn:

Woaaahh akala ko hindi mo ako i-fofollowback!

Natawa ako.

Ako:

Bakit mo naman naisip yan?

Kinuha ko ang beer ko sa lamesa, ininum ito. Saglit ko pang pinanood ang movie na pinapanood ko, muling nag reply ito.

ohlizelleqnn:

Dami mong followers e, 15k wowow may famous pala akong kaibigan HAHAHAHAHA

ohlizelleqnn:

Pa autograph naman ako kuya!

Ako:

Sorry hindi ako marunong pumirma :>

Biro ko.

ohlizelleqnn:

Ay, pogi nga hindi naman marunong pumirma boo!!

Muli akong natawa, foul 'tong babae na 'to ah! Saan ba napulot ni Solon ang babaeng 'to?

Ako:

Half half ka raw sabi ni Solon?

Sumimsim ako, napangiti pa.

ohlizelleqnn:

Huh?

Ako:

Solon was right when he said that you are a kanal and aircon humor.

ohlizelleqnn:

Half of Me (The Only Exception Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon