05

152 4 0
                                    

London

tw// cheating

Madaling araw ay nakaalis na ako ng bahay at nagpaalam kaynila lola na uuwi na ako, hindi rin nila inaasahan na mapapaaga ako ng uwi.

Mga tanghali ay nakauwi na ako, as usual, nasa trabaho si mama hindi niya parin nababasa ang message ko sakanya na nakauwi na ako.

Hindi na ako masyadong nakapagpahinga ng maayos, I took a shower first and put on my t-shirt I just paired it with my black cordoroy shorts. Tapos ay dumiretso sa unit ni Elias.

Elias suggested we drink at his place, it's been a while since we last got drunk. Thank goodness hindi hayok sa alak at sunugan ng atay ang mga kaibigan ko.

I can't be friends with those kinds of dudes, may mga grado kaming gustong makuha at titles. Kaya hindi pwedeng pabayaan ang pag-aaral.

Another message notification.

Dimitri:

Kailan ka pa nakauwi?

Ako:

Madaling araw

Dimitri:

Bakit hindi ka nagsabi? I should've fetch you.

Ayokong makipagtalo sa lalaking 'to ngayon, kaya hindi na ako nagreply.

Bago pumunta sa unit ni elias ay dumaan muna ako sa 7/11 para bumili ng mga chips.

We're college students, and we can drink. But it has to be tolerable. We had this motto that, If you drink, you sleep, and tommorow you cram.

Si elias ang nagpauso niyan tangina kasi ang daming alam sa buhay ni mokong.

Pagdating ko sa unit ni elias ay nandon na silang lahat, pwera sa athlete namin si, Laxus. Susunod nalang daw siya mamaya ayaw pa sila pakawalan ng coach nila, basa ko sa message nito sa gc.

Buti na lang rin ay huminto na si Sheena sa pag-iyak, mugto parin ang mga mata pero kalmado na kumpara kahapon.

Nilapitan ko ito at ngumiti, I can't utter any words, kahit na gusto kong pagmumurahin ang boyfriend niyang hilaw ay ayoko nang ma-trigger ulit si Sheena baka umiyak ulit, lasingin mo muna ako bago ako maging madaldal.

Nag-umpisa na kaming uminom at nakakailang shots pa lang si Elias ay madaldal na 'to, kahit wala namang alak e.

Hinubad ni Elias ang eye glasses niya. "Una pa lang na sense ko na, mabaho ang galawan niyan ni Ronnie e." nanggagalaiti na sabi ni Elias.

"First of all you should have listened to the expert Sheena," ani Beatrix na halatang hindi naintindihan agad ni Elias, "ha" his brows furrowed

"Speaking from babaero he smells his ka uri" si Beatrix ulit, umaktong parang may pumana sa dibdib ni Elias kaya natawa kami.

"Napakasakit mo naman magsalita, babaero my ass," giit ni Elias.

Isa...

Dalawa...

Tatlo...

at ilan pang shots ang nainom namin ng muling umiyak si Sheena, we haven't heard the whole story yet since she can't really tell us the detailed story kahapon, we tried not to pressure her na sabihin agad sa'min kung ano ba talaga ang nangyari.

But she opens up nung nalasing na siya, mabilis lang malasing ang isang 'to. "I saw his phone, may kachat na tatlong babae, yung isa fresh pa dahil bago kami magkita ay nagkita na pala sila nung babae niya na yon, two months na silang magkausap non. But instead of saying sorry, ano ang sinabi niya na I am not enough for him, not enough to satisfy his needs dahil masyado raw akong pakipot kuno," sunod-sunod ang hikbi nito, hinaplos ni Beatrix ang likod niya.

Half of Me (The Only Exception Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon