09

136 4 0
                                    

"Nope, saka wag ka gagawa ng nakakahiya kay Venus. Kasama niya mga friends niya!" Aniya ni Elyse parang naulit lang ang sinabi ni Elyse noon.

"Ang daming bawal? nagpapabango ka siguro ng pangalan sa crush mo! sino nga ulit yon? Sha..shan yun 'di ba?" Humagalpak kami ng tawanan puwera kay Elyse na naiinis na dahil mali ang banggit nito sa pangalan ng crush niya.

"Aldrin yon. Yung si Pres si Shaun." natatawang pagtatama ni Dahlia.

"Ah ayon ba yon? akala ko crush niya yung si pres pano ang bait kapag kaharap," dagdag niya

"Shut up! Because he's kind kaya mabait rin ako sakanya so stop giving malice sa pagiging mabait ko kay pres!" Singhal ni Elyse

"hindi na nga ako pupunta sa birthday party mo! Ang arte mong bata ka!" Si Solon

"Oh e di wag sinong tinakot mo? ako ba ang magiging loner!" hirit ni Elyse.

"Saka fyi hindi ko na crush si Venus! ikaw ang nagbibigay ng malisya."

Humagalpak kami ng tawanan. Impossible eh crush na crush niya yon. Nagparaya na nga ako doon dahil bro code at sabi niya interesado talaga siya doon kahit na hindi siya pinapansin.

Inakbayan siya ni August, "Woah nilalagnat ka ba?" hinipo nito ang noo para kumpirmahin, marahan siyang hinawi ni Solon.

"Anong nangyari sayo? Siguro napahiya kana sa harap niya" Dagdag ni Dahlia

"Tss." si Solon, "tumigil ka sa pag nguso dyan Solon Pierre Flores. Wala akong pake kung hindi kana baliw kay Venus ngayon. Next month pa naman yon kaya feel ko talaga may katarantaduhan ka parin."

Mariin at sunod-sunod na napalunok si Solon dahil sa pagbanggit ng mas nakababata sa kanyang buong pangalan. Hinaplos ang batok.

"Alam mo ikaw talaga ang girl version nitong si Dimitri!"

Mabilis ko itong tinignan at tinaasan ng kilay.

"Siraulo bakit pati ako damay" ani

"Hindi mo malaman ang mood swings eh. Masaya ngayon tapos maya-maya ay maiirita na parang tanga lang, daig pa nireregla sa init ng ulo." Si solon, mahina ko siyang sinipa habang nakahiga parin ako sa sofa.

"Ano ba yan ikukumpara nalang ako jan pa sa mokong na yan!" reklamo ni Elyse

I saw Dahlia and August laughing enjoying the view, watching us three bickering. Ayoko rin naman sabihin nila na kaugali ko si Elyse, ang layo kaya!

"Nahiya ako sayo ah! Hindi ko rin gugustuhin na maging kaugali kita...ako ang susuko sa ugali mo!" Hirit ko na ikinakunot ng noo niya sabay irap.

Mahina kong binatukan si Solon na patawa-tawa nalang ngayon dahil ako naman ang inaaway ni Elyse.

"Itong magpinsan na 'to wow chill chill lang" punto ni Solon sa dalawa.

Nandito lang kami ngayong gabi sa dorm ni August dahil nagkaayaan na mag sleepover mayroon itong dalawang rooms isa ay ang bedroom ni August at ang isa naman ay ang studio nito kung nasaan kami ngayon.

Malawak rin dito at may couch, kahit pa may gaming set sa loob rin, dito rin kasi kami kanina nag movie marathon.

Ala una na ng gabi ay nauna nang matulog ang dalawang girls. Doon sila natulog sa bedroom at kaming tatlo ay sa sala mayroon doon couch na paniguradong pag-aagawan na naman naming tatlo mamaya.

Lumabas lang rin ako ng balkonahe pagkatapos kong mag half bath, dahil nasa labas rin yung dalawa. Pagbukas ko ng sliding door ay nakatukod ang siko at kamaya nila sa railings ang isang kamay ay hawak ang stick ng sigarilyo sa daliri.

Half of Me (The Only Exception Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon