11

106 3 0
                                    

I checked our gc for volleyball dahil sunod-sunod ang message.

August:

Sa lahat ng pwedeng susukahan bakit yung wrist watch ko pa.

Solon:

Cute ng wrist watch mo may suka flavor :))

Andrew:

Tangina AHAHAHAHAHHA

August:

okay lang sino nga ulit yung muntik mag pole dancing kagabe?

Aries:

yung isa na nagsisimula sa S yung pangalan?

Solon:

Ulul.

Laxus:

Sorry, Bro. I'll treat you next time.

Aries:

Tangeks wag na Laxus! hayaan mo maraming pera yan si August kaya niyan bumili ng bagong watch.

Nagtipa ako ng reply para naman makasabay parin ako sakanila dahil alam kong baka ako na naman ang maging pulutan nila ng asaran kapag hindi ako nagchat.

Ako:

Yeah, it's fine bro. May pangdate nga siya sa mga nililigawan niya eh.

August:

Gago! Isa lang nililigawan ko.

Solon:

Shockerizzz brrr grr grr argghh

Andrew:

Gago anong language yan!

Natatawa kong inilagay sa table ang phone ko para bumalik sa naiwang ginagawa ko kanina. Sabi na eh salitang drawing lang yung sinabi nila kagabe na chillnuman lang, sunog atay talaga ang mga yan kapag mag-iinuman sa xylo o sa bgc. I woke up early today kaya naman nakapag jogging at naglilinis pa ako ng bahay, madaling araw pa lang ay naglilinis na ako nakasanayan ko na rin ito tuwing maaga ako nagigising at walang training.

Parang hindi kasi ako mapakali kapag walang training kaya tinutuon ko ang atensyon ko sa paglilinis.

Nagpapatugtog lang din ako ng Perfect by one direction kaya mas ginaganahan akong maglinis.

"If you like to do the things you know that we shouldn't do. Then baby, I'm perfect. Baby, I'm perfect for you!" I sing. Feeling every lyrics and beat.

Ginawa ko pa na mic ang walis tambo at tumakbo para tumayo sa couch at doon kumanta akala mo ay nasa sariling concert.

"What are you doing."

Pamilyar na boses ang nakapagpahinto sa 'kin, unti-unti akong lumingon at doon natagpuan si London na nakatayo sa may pinto at may hawak na kung ano.

Kanina pa ba siya doon?! Nahihiya akong bumaba sa couch at nagkunwaring nagwawalis kahit ang totoo ay kanina pa ako tapos sa pag wawalis ko.

"Wala...nag e-exercise lang," bahagya akong tumawa para mabawasan ang hiya.

"Para kang baliw." Ani, napakamot ako sa batok at binitawan ang hawak kong walis para sundan siya na dumiretso na pumasok at nagtungo sa may dinning table.

"Ano yan?" I asked ng may ilapag siyang parang aluminum na tupperware.

"Brownies. Kainin mo baka nalipasan ka lang ng gutom." Nahagip ko ang pagpipigil nito ng tawa bago ako talikuran.

"Ikaw ah basta-basta ka pumapasok! Paano kung may sakit ako sa puso at inatake ako?" biro ko.

"Kanina pa kita tinatawag hindi mo lang ako naririnig, busy ka kasi mag concert, and you even left the gate open." He explained. My jaw dropped. What hindi ko na lock yung gate kanina?!

Half of Me (The Only Exception Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon