17

108 4 0
                                    


"Mas terror pa yata si Coach kaysa sa mga prof ko eh," natatawang ani ni Pio. "Totoo! Alam mo ba nung nag tryout ako sa team nung nalaman ko sino Coach muntik na ako mag backout," Si Aries.

Humalakhak kami. Kahit si Laxus na pinakatahimik sa'min ay tawang-tawa, Totoo nga yun dahil kaming tatlo rin ay muntik nang mag-si-ayawan. Nung time na yun ang daming mga nag backout dahil si coach Artur ang current coach ng team.

He's known for being strict and terror coach, parang gusto kainin ng buhay yung mga mag t-tryouts for team eh!

Kakagaling lang kasi namin sa gymnasium ng volleyball, bigla kaming pinatawag lahat. It's already Friday today. Sobrang bilis ng araw, next week starting on monday ay kailangan ulit namin mag training. Because we're aiming to win again.

"Birthday party ni Adi bukas ah, pumunta kayo!" biglang nagsalita si Paul. Lahat nang atensyon namin ay napunta sakanya.

"Punta ako bukas, iiwas ako sa kapatid ko nagpapatulong na naman sa'kin mag hakot ng mga gamit nya eh," si Pio. "Eh ayaw mo naman magkaboyfriend ikaw talaga ang kukulitin 'non!" si Aries.

"Kung ikaw lang din baka mabugbog pa kita 'no!" Natawa kami. He has younger sister na hindi nalalayo sa age namin kaya close niya talaga, that's why he's so overprotective.

"Wait, sino nga ulit yung Adi?" Solon suddenly spoked. "Pinsan niya yung nag guiguitara na popular sa mga girls," si Laxus ang sumagot abala parin sa pag ce-cellphone

"ahh yung crush ni E!—" malaki ang naging reaksyon ni Solon ng maalala kung sino yung Adrian. Bago pa niya matuloy ang sasabihin ay nasiko na siya ni August.

"Crush nino?" Pio asked, he seems so curious. Hindi na sumagot si Solon dahil abala na sa sikmurang nasiko ni August.

August said sorry immediately, tinanggap naman kaagad ni Solon, namimilipit nga lang siya sa sakit. Tinawanan tuloy siya ulit nung apat.

I reached for my phone and typed a message.

Ako:

Hello po tita, Sha! How are you? Namiss ko na po kayo and of course your dishes made with love 😄

Ako:

Kakatapos lang po ng klase ko. And papaalam ko lang po sana ulit sainyo na kung puwede ko po isama si London sa grocery, ubos na po stock ko ta huhu kailangan ko po ng help ng anak niyo, Salamat po!

Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang daliri ko, binulsa ang cellphone. Nag ring na ang bell kaya umayos ako ng tayo, nag-umpisa na rin na dumami ang mga students na lumabas sa HUMSS building.

Mabilis na naagaw ng atensyon ko kung nasaan si London. Lumalabas na ito sa classroom nila tumatawa, may pinag-uusapan sila he's with two girls and one boy.

I bit my lower lip. Pinigilan ang sarili na 'wag lumapit, hindi nagtagal ay napansin ako nito. I raised my eyebrows when he noticed me. Nagpaalam na rin siya sa mga kasama kanina.

"Hi, samahan mo 'ko mag grocery," I said. He sighed and nodded.

Before leaving I glanced at his blockmates, they were still staring at us. I saw them giggle that's why I got curious.

"Dimitri!" naglalakad na kami papunta sa sasakyan ko ng may pamilyar na tinig ang tumawag sa'kin.

We saw the three girls walking towards our directions. Tinignan ko saglit si London, he looked confused, nakahawak ang isang kamay sa tote bag ang isa ay nakapamulsa.

"Oh! Hi, London!" masiglang bati ni Elyse sa kasama ko. Dahlia smiled at him too.

"Ang ingay ng bibig niyong dalawa," tukoy ko kay Elyse at Elle. Akala mo ay magkapatid sila. "Okay lang yan hindi naman nasira ang eardrums mo," asar ni Elle.

Half of Me (The Only Exception Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon