"O ayoko na August sayo na nga 'to," tinanggap ni August ang ibinibigay na isa pang slice ng pizza sakanya ni Elyse.
"Thanks," tipid na sagot nito halos hindi na makapagsalita dahil napuno na ang bibig ng pagkain.
Tinuro ni Solon ang pisngi nitong lumolobo tinawanan pa.
"Puta. Dude, mukha kang unggoy!" pang-aasar nito na tinawanan namin.
Tinaasan lang siya ng gitnang daliri nang isa.
Kahit napapailing ay tumatawa rin ako dahil nakakatawa nga ang hitsura nito ngayon.
"You're laughing at him e ikaw nga rin may sauce pa sa gilid ng labi mo," aniya ni Elle.
Tarantang tiningnan niya rin sa phone ang itsura. Naglabas siya ng kulay beige na panyo hindi nakatakas sa paningin ko ang nakatahi dito.
I saw that there's a stitch of butterfly on it. My brows furrowed in confusion.
"You use handkerchief pala?" nagtatakang tanong ni Elyse.
Saka lang namin napagtanto.
"Oo nga, e. Usually pinangpupunas mo nga sa pawis mo damit mo," Dahlia added.
"Huh? Hindi ba ako gumagamit ng handkerchief before?" nalilito niya ring tanong.
Sabay-sabay kaming umiling.
"Ah... bawal bang mas maging malinis sa sarili?" sarkastiko niyang sabi at natawa.
"Anong akala niyo sakin dugyot? Hindi marunong gumamit ng panyo," He added.
Hindi na namin pinansin at kumain nalang ulit.
It's friday today and puro morning class lang ang mayroon kaming tatlo nila August at Solon. Habang yung tatlo naman ay maaga rin natapos ang klase kaya napagpasyahan naming kumain.
After eating napagpasyahan namin na bumili ng ice cream dahil gusto raw kumain ng tatlo.
Standing in front of the mint choco flavor ice cream makes me curios too.
"Kayo sir ano pong flavor sainyo?"
"Mint choco," nagulat ako dahil hindi lang ako ang mag-isang bibili ng mint choco kahit na yung mga kasama namin ay nagulat dahil pareho naming gusto bumili ng mint choco ice cream.
"Seryoso kayo mga, pre? I thought mint choco taste like toothpaste," August said.
"I'm just curious because of London." I said and looked at him.
"Ah... E ikaw pre?" tanong niya kay Solon.
"Curious lang din," he said.
"Weird mo talaga today," Elle murmured.
We all got our ice creams and left the store.
I went home straight. Hindi na ako sumama sakanila na mag karaoke dahil medyo inaantok na rin ako.
When I saw the paper bag at my study table I suddenly remember why I bought that.
Lumapit ako rito at kinuha ito, lumabas na ako para tumungo sa bahay nila.
Nang makarating sa harapan ng bahay nila ay nag doorbell ako. Si Hannah ang nagbukas sa'kin, tinanong ko rin kung nakauwi na ba si Tita pero hindi pa raw.
"Si London po ba? Nasa taas po, e. Sabi niya ay matutulog daw po muna siya," her gaze shift on me.
Ngumiti ako at tumango.
"Akyat na kayo, sir. Bespren naman po kayo ni sir London," she urged.
Hindi ako sumagot tiningnan ang bitbit kong paper bag.
