26

92 7 1
                                    


Kumurap-kurap ako at lumingon pa sa likod ko para masigurong ako nga ang sinabihan niya. He suddenly smiled.

"Ikaw. Ikaw ang kausap ko,"

Para akong batang sumangayon din sa magulang niya at tumango tango kahit hindi pa lubos na nauunawaan ang sinasabi niya.

Pinoproseso ko pa lang sa utak ko ang sinabi, hindi naman ako uminom ng madami at nakakaisang baso pa lang ako wine pa iyon kaya't impossibleng tinamaan na agad ako non.

"Lets go home na it's already one-thirty-four am."

Namumungay ang mga mata nitong sabi. Nag parte ang mga labi ko. If he could see his face right now, baka mahulog rin siya sa ganda niya.

"Mhm.. sandale hihiramin ko ang sasakyan ni Elyse. Hindi ko kasi dala ang sasakyan ko," aniya ko at tumayo sa pagkakaupo.

Totoo naman na wala akong dalang sasakyan ngayon dahil akala ko ay hindi muna ako uuwi ngayong gabi at mag wawalwal lang. Pero gusto ng umuwi ni London kaya uuwi na rin ako.

Mabagal akong lumakad lalo pa't medyo siksikan at nag sasayawan ang mga bisita. Sinulyapan ko siya kung nasa likod ko parin ba siya, nang masigurong nakasunod din siya ay nagpatuloy ako sa paglalakad para hanapin ang kaibigan ko.

"Hoy Dimitri saan ka galing?"

Rinig kong sigaw ni August nakaupo at may mga kasamang girls kasama niya rin si Aries at Pio na nakikipag landian na sa mga girls.

Lumapit ako sa pwesto nila, inalok niya ako ng shot kaya tinanggap ko ang isa.

"Where's Elyse?" I asked.

Luminga linga din siya hinahanap ang may birthday.

"Kanina kasama niya yung kaibigan nila London, e."

"Oh— magkasama pala kayo? Saan ang punta niyo?" tanong niya ulit nang masulyapan ang binatang nasa likod ko.

"Ang landi mo." Biro ko, nag tawanan yung dalawang girls na katabi niya, tinaasan niya ako ng gitnang daliri.

Nang wala akong nakuhang sagot ay umalis na kami ulit, hindi malayo ang agwat ko kay London para niya tuloy akong panangga sa laki ko at ang daming tao.

"Anong ginagawa mo diyan?"

We both saw Solon standing outside the restroom. Mukha siyang may hinihintay.

Umiling siya at tumawa, tinaasan niya ng dalawang kilay ang kasama ko at binati.

"May tao sa cr natatae na ako."

"Dugyot mo!"

"Wow ah akala mo naman hindi mo tinikman yung uhog mo nung bata ka!"

Parehas kaming nagtawanan at nag murahan. Hanggang sa maalala ko kung bakit ko siya nilapitan.

"Nakita mo ba si Elyse?" Tanong ko nang maalala na hinahanap ko pala ang isa pa naming kaibigan.

"Nandun sa garden."

Tumango ako at nag paalam na mauuna na kami.

Some girls tried to approach me but I didn't entertain them my mind was to occupied thinking that it's too late and London wants to go home.

Baka mamaya mag selos 'to eh kawawa naman. Ayokong nagseselos siya.

I stopped walking when I noticed London stop walking.

Nangungusap ang mga matang tiningnan ko ito.

"Are you tired?"

Kumibot ang labi nito, umiling.

Half of Me (The Only Exception Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon