16

205 4 0
                                    

I'm standing in front of their gate right now. Waiting for him. Hapon na at kakauwi ko lang galing ng school, hindi ko alam kung ano ba ang ginagawa ko rito. When I clearly said to my friends na didiretso uwi na ako.

Natuon ang atensyon ko nang may dumating na naglilipat ng mga gamit sa katabing bahay nila London.

May bagong kapitbahay?

Ang tagal na rin na walang nakatira dito sa may bahay na ito. Simula nung malipat kami dito ay hindi na namin nakita ang may-ari nito, kapag naglalaro kami sa harap ng bahay nila London noon. Ang nakikita lang namin ay yung mga cleaners nila. Minsan natanong namin noon.

Ang sabi ay na sa States daw ang may-ari nang bahay na ito.

"O! dahan-dahan lang sa pag-akyat niyang salamin! baka mabasag," sigaw nang parang pinaka head nila.

Sinundan ko ng tingin, hanggang makapasok. Nang mapansin nung isa sakanila ay umiwas ako.

"Dimitri, what are you doing here?" someone said behind me.

Nataranta ako. Na bosesan ko kung sino ba ito kaya hinarap ko ito. Nang Ma sigurado kung sino ba talaga ito, bineso ko ito at nahihiyang ngumiti.

Sa likod ni tita ay ang anak niyang si, Anger. Halata ang pagkagulat sa reaksyon ng mag ina. Napansin ko rin na parang kakagaling lang nila sa grocery dahil may dala pa silang mga paper bags at plastic. Mukhang galing din si London sa school dahil ayan pa yung suot niya nang pumasok kanina.

"Ahh...napadaan lang po ako," kinuha ko ang dalawang paper bags na bitbit nito. "Tita ako na po dyan," offer ko.

Umiling pa siya at sinubukan na huwag ibigay ang mga paper bags. Aba! tita hindi ko naman itatakbo ang mga pinamili niyo! sa isip ko.

"Si London na lang ang tulungan mo, kanina pa nag rereklamo 'yan." Aniya ni Tita. Tinignan ko ang binata na nakasimangot pa rin. "Sus, may dalawang kamay naman siya, Ta. Kaya niya 'yan nakakapag simangot pa nga sa'kin!" tinuro ko siya akala mo ay batang nagsusumbong sa ina.

Humalakhak si tita. "Ikaw, ta... matanda ka na kaya dapat inaalagaan mo 'yang buto mo! hindi ka na bumabata. Aba baka sumunod ka agad kay tito nyan!" I said dramatically. Humagalpak ito, mahina akong tinampal sa braso mukha namang na eenjoy pa ang pambubwiset na ginagawa ko sa anak.

Hindi na rin siya nakapalag pa nang kunin ko na ang mga paper bags at hinayaan na ako.

natawa siya. "Bakit mo sinusundan ng tingin ang mga nag hahakot, baka mapagkamalan ka nilang akyat bahay at pinag p-planuhan kung pa'no aakyatin ang bahay na 'yan," biro niya.

ganun ba ang dating ng titig ko? Napayuko ako.

"Sa guwapo kong 'to, ta? Hindi nila ako mapagkakamalan na akyat bahay. Baka nga isipin pa nila artista ako, e!" mayabang kong sabi na ikinatawa niya. Pwera na lang sa anak niyang palaging nakasimangot.

"O'siya tara na. Pumasok na tayo," na una nang maglakad si Tita na sinundan ni London.

Sinubukan niyang mauna sa'kin na mag lakad, pero sinubukan ko rin na sabayan siya. Nailing ako nang bumilis ang lakad niya, dahil competitive ako ay binilisan ko rin. Nasobrahan nga lang dahil nalagpasan ko na siya.

Ang Mama niya na lang ang sinabayan ko total ayaw niya naman akong kasabay, e. Saglit ko siyang nilingon sa likod, huminto siya. Masama ang titig sa'kin, halata ang pagkainis sa mukha niya na ikinangisi ko. Na satisfied na naman sa pang-iinis.

Iginala ko ang paningin sa buong bahay nila.

"Anong ginagawa mo? Ano kunwaring first time?" I shook my head and laughed because of his irritated tone.

Half of Me (The Only Exception Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon