27

157 7 1
                                    

Maaga kaming nagising at nag-almusal, hinatid ko si London pauwi sakanila dahil may afternoon class pa ito mamaya. Nasa school na ako ngayon dahil may tatlong subject ako para ngayong araw.

"Pano mo ba malalaman kapag may gusto kana sa isang tao?"

Tatlo kaming natigilan nang sabay naming tanungin iyon ni Solon.

August frowned. Intently looking at us, awkward kaming natawa ni Solon.

Aba gago! Ano daw?

"In love ka tol?!"

"Are you in love, Sol?" sabay na naman naming sabi. Humalakhak kami.

"Tangina niyo pati sa kagaguhan twinning kayo." Binatukan kaming pareho ni August.

"Ano ba 'yang mga pinagsasabi niyo? P-paano mo malalaman kung may gusto ka sa isang tao? Ulol kulang lang kayo sa alak!" singhal niya at kumagat sa sandwich niya.

I ran my fingers through my hair. Bakit ba kasi ako nagtatanong sa mga 'to at ang nakakagulat pa bakit ganun din ang tanong nitong isang 'to.

Pinaningkitan ko ng mata si Solon. Nasamid siya kaya inagaw niya iyong juice ni August na hindi na nakaalma dahil nainuman niya na.

"Dude what's with the glare-"

"Hoy bakit ininuman mo yung juice ko yawa ka!"

Natatawa akong nailing. Kinain nalang din ang pagkain ko. Hindi naman in love yang tropa ko, masyado niyang mahal sarili niya kaysa mag mahal ng iba!

I glanced at August who just checked his phone.

"Mauuna na ako, a." Pinanood ko lang siyang tumayo at uminom.

"Where are you going?" I curiously asked.

"Pupuntahan ko lang si Aries."

Mabilis niyang kinuha yung tissue at pinunas sa bibig niya tapos ay tumakbo na agad.

"Alam mo hindi na ako magtataka kung isang araw isusugod nalang natin si August sa ospital dahil may appendix na siya." Biro ni Solon na tinawanan ko.

We sit there for a moment and decided to go to the field. Dapat ay manonood kami kung may naglalaro sana ng football pero wala ngayon. Pati practice namin ngayon araw ay cancel muna dahil wala si coach at may research ang manager namin na talagang abala ngayong buwan.

We're walking way back to our department when we saw London and his friend Elias.

Malawak ang ngiti kong naglakad papunta sakanila.

"Hi, London! How's your hungover?"

"Wala na. Hindi naman ako nag inom ng marami kagabi." Masungit niyang sagot, as usual.

Mahinang natawa si Solon, inakbayan ako. Hindi nakatakas ang madiin na titig ng kaibigan ni London sa katabi kong si Solon.

"Nag lunch na kayo?" Si Solon.

"Yeah..." mahinang sagot ni London.

Ano yon?! Bakit kapag kay Solon hindi nag susungit? Aba't may favoritism talaga. Oo nga pala't gusto niya sa mga asong masiyahin!

"Sasabay ka ba umuwi sakin mamaya?" singit ko.

He ignored me and checked his apple watch.

"Balik na tayo?" Tanong niya sa kaibigan. Nag-aalinlangan itong tumango at tumingin sakin.

Iniwanan nila kaming nakatayo. Laglag ang panga ko at natulala nalang sa nasaksihan.

Tuwang tuwa si Solon na humagalpak ng tawa, hawak hawak niya ang tiyan niyang nananakit na sa kakatawa niya. E, kung sikmuraan ko kaya 'to?

Half of Me (The Only Exception Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon