29

206 3 1
                                    


"Kuya?" muling tawag ng boses sa akin. Nanatili akong nakatalikod sakanya nanigas na sa kinatatayuan ko. I know it's him, London.

fuck nakakapanghina yung boses. I missed him so bad.

Hindi niya ba ako nakikilala? Ah oo nga pala suot ko pa ang hood ko sa ulo.

"Kuya kukunin ko na, a? Hindi ka kasi sumasa-"

He grabbed the last bengbeng.

"Yeah," nag kalakas na ako ng loob na sagutin siya at harapin.

He looks startled seeing me.

"I grab it first and i ask you naman kung bibilhin mo but you didn't answer me so it's mine na."

May pag hahamon sa boses niya, nag tataray na naman.

"But I was the first one here," sagot ko.

He looks so pissed.

"Wala namang protocol dito na first come first serve and fyi kanina pa ako dito bago ka dumating," dipensa niya.

Binasa ko ang ibabang labi ko. I want to laugh now he's so fucking cute god.

"I meant here. I saw the bengbeng first." Hindi pa rin ako nakuntento sa pang-aasar.

"So? Bakit hindi mo grinab,"

"What?" mahina akong natawa.

Ang conyo!

Tinaasan niya ako ng kilay, disbelief is visible in his face.

"Bawal ba mag-isip muna?" I said.

He frown.

"Bahala ka I'll pay for this na I don't wanna argue with you—"

"What do you mean, we're arguing?" inosente kong ulit sakanya.

Hinarap niya akong muli. Now he's mad.

"Alam mo...fine..sa'yo na yan saksak mo sa baga mo!"

Padabog niyang hinampas ito sa dibdib ko, but that didn't hurt. Natuwa pa ako sa reaksyon niya.

"Tangina may nakakatawa ba,"

Nakahawak ang kamay ko sa tuhod humahagalpak ng tawa.

"Asshole," bulong niya.

"Hey language." Sita ko, inayos na ang sarili dahil naluluha na ako sa kakatawa habang ang kaharap ko naman ay namumula na sa galit.

"Just kidding. Take this,"

"Wag na sayo na bwisit ka!"

"No I insist. Sayo na, I realized i don't like sweets for pulutan," I laughed a bit.

"Excuse po re-restock ko lang po yung bengbeng—"

Pareho kaming natigilan dahil sumingit sa pagitan namin yung isa sa crew ng convenience store hawak-hawak yung isang box ng bengbeng. Naiiling pa at nagpipigil ng ngiti.

Parang bigla tuloy na uminit yung mukha ko sa hiya, when my eyes landed on the counter I saw the cashier look at us natatawa rin.

"Ayan na po mga sir wag na po kayong mag away dahil lang sa bengbeng,"

Natatawang sabi nung isa bago umalis. Pareho kaming naiwang nakatayo at natigilan.

"Kainis look this is your fault hilig mo kasi mang-inis," he hissed and brab another bengbeng.

Kumuha rin ako ng pito bago sundan si London na naglalakad na, nung sinilip ako nito ay mabilis ko namang kinuha yung nuts na nasa likod niya lang, sumunod ako sakanya para magbayad na dala ang mga binili kong canned beers at snacks.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Half of Me (The Only Exception Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon