06

303 4 0
                                    


Dimitri Lucier Serrano

Ako:

London tara sama ka kain

Sana pumayag na si London, isang linggo na ang lumipas at nakabalik na kami sa campus nag umpisa na rin ang panibagong semester. Kaya na busy na rin kami agad.

London:

Busy

I sighed, busy pero sumasama nga sa mga kaibigan. That's what am telling isang linggo na akong sinusungitan, eh hindi ko nga alam ang dahilan kung bakit. Pero kasi lagi namang mainit ulo ng lalaking yon sa'kin, napanguso ako. The thought of London ignoring me. Naiisip ko pa lang ay naiirita na ako.

Bumalik ako sa court at pinulot ang bola, hinagis ko ito at tumakbo, sinasabayan ang bola at malakas na hinampas papunta sa kabilang net.

"hoy kung gusto mo mag serve sa ulo namin pwede ba patamaan mo yung ulo nalang ni solon, may date pa ako mamaya!" I heard august shout mula sa kabilang net, lahat ng mga ka team ko ay nakatingin sa akin.

"sensya" hinaplos ko ang batok ko at tumakbo para kunin ang bola na sinerve ko.

"problema non" rinig kong sabi ni kei ang isa sa mga middle blocker namin, hindi ko lang pinansin ang mga bulong-bulungan nila. Nauna na rin akong pumunta sa locker room para magpunas ng pawis at maligo.

paglabas ko pa lang ng locker room ay kinantyawan na agad nila ako "Capt mainit ulo natin ah!" sigaw ni joseph, natawa lang ako pero kinuha ko na ang duffel bag ko na nasa bench.

"Mauna na ako," hindi ko na hinintay ang isasagot nila at umalis.

"Hoy tarantado yari ka kay coach pagbalik non!" si solon na humabol pa ng sigaw, itinaas ko ang kamay ko para kumaway. I heard them laugh.

"Ayaw mo akong pansinin ah." Ngumisi ako sa naisip ko.

Nakaupo lang ako sa hagdan hanggang sa mag umpisa ng mag ring ang bell, tumayo lang ako ng makita ko na lumalabas na mula sa room ang mga estudyante.

"I didn't know na may pogi pala sa humss,"

"ang pogi kunin ko kaya instagram" I heard the whisper of two students passing by. Nang mahuli ko silang dalawa na nakatingin sa akin ay tipid akong ngumiti.

"Anong ginagawa mo rito," I heard a familiar voice spoke from my back, agad ko itong hinarap at sinalubong ng malawak na ngiti.

As usual ay nakabusangot na naman sakin ang kaibigan ko, "Dinadalaw ang best friend ko" ngiti kong sabi.

"Ano ako patay? bakit mo ako dinadalaw?" masungit na sabi niya na ikinatawa ko.

Inakbayan ko ito "huh ano yan nasa ulo mo?" kuryosong tanong ko at itinuro ang itim na nasa ulo niya, nag panic ito at tinanggal.

"Headband," tipid na sagot niya, "nagsusuot ka pala ng headband"

"My blockmates put this on me." He answered.

I frowned until my eyebrows met. "Close na agad kayo?" I asked again pero hindi na siya sumagot kaya mas lalo akong sumimangot.

Nagulat ako nang ilagay niya ang headband sa ulo ko nagtataka ko siyang tinitigan "Hindi bagay sakin, sayo nalang para makita mo ng maayos yung bola at hindi kung saan-saan ka tumitingin." Aniya.

Humagalpak ako sa tawa kaya napatingin ang iilang mga students sa'min, mahina ako nitong hinampas sa balikat, "nakakahiya tara na!" saway niya sakin.

Pagpasok namin nang cafeteria ay nakita agad kami ng mga kaibigan ni London, ano ba yan dapat kakain kami eh pwede bang solohin ko muna yung kaibigan ko? wala na.

Half of Me (The Only Exception Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon