"hayop buti nalang talaga ay walang pasok ngayon kung hindi baka pumasok na akong may hangover."Reklamo ni Solon, naglalakad na kami papunta sa gym para makapag training ulit. Paano ay ang lakas ng hangover nila, hindi gaya sakin ay hindi naman ako nagpakalugmok sa alak kagabe.
"Bilisan na raw natin nandon na si coach." Biglang sabi ni August na kakacheck lang sa gc namin.
Nagmamadali na rin kaming lumakad baka mapagalitan na naman kami eh, "Saan mo dinala yung kaibigan ni London kagabe?" Aniya ni August.
"Huh?" Ako ang sumagot, nagtataka. "Hinatid ko sa unit niya." Tipid na sagot ni Solon
Makabuluhan ko sila parehas na tinignan. Nag babakasali na sasagutin ang mapanghiwatig na tanong ko sa dalawa.
"Sinong kaibigan? Tarantado ka wag mo na pormahan yung dalawang girls na kaibigan non ako ang aawayin ni London." banta ko sakanya na ikinatawa ni August.
"Sinong nagsabing isa sa dalawang girls ang kasama niya" sarkastiko at natatawang sabi ni August, mas lalong kumunot ang noo ko.
Impossible naman kasing si Laxus dahil kaibigan rin namin yon saka hindi naman lasing si Laxus kagabe para iuwi. At hindi rin nakatira sa unit ang binata edi sino "Si Elias yata yon." pag kumpirma ni August.
Ahh close pala sila non? tanong ko sa sarili.
hindi ko na natiis at lumabas na lang sa bibig ko, "Close kayo ni Hidalgo?" tanong ko.
"Ah so He's Elias Hidalgo." Hindi pinansin ang tanong ko.
"Baka naman yung Hidalgo na pala ang type mo Sol-" hirit pa sana ni August pero agad na pinutol ni Solon ang mapanglarong nasa isip nito.
"What No! You know what. He's totally a yapper and annoying. Kalalaking tao ang daldal niya, ayoko talaga sa mga ganon." Medyo may inis sa tono ni Solon.
Parehas kaming humagalpak ng tawa ni August. Amputa apaka arte nang lalaking 'to.
"Tang ina e maingay ka rin naman." Sabi ko pa
Napamulsa lang siya at hinayaan kaming pagtawanan at asarin siya ni August, halatang medyo badtrip ang isang 'to ah.
Well minsan lang naman kasi namin makita na mainis o bihira namin nakitang nagkaroon ng seryosong away 'to si Solon sa iba, He's a yapper too kaya some girls finds him annoying but sometimes girls get comfortable with him easily dahil maraming ma-ikukwento si Solon.
Unlike August. Medyo intimidating kasi ang aura ni August kumpara sa'min dagdag pa rito na long hair ang buhok tapos ay mukhang masungit kapag hindi nakangiti. Matangkad at mas built rin ang katawan ni August kesa sa 'kin dahil madalas ito sa gym para magpalaki ng biceps niya. May kumalat nga noong first year pa lang kami na may binugbog daw siyang third year e, pero ang totoo yung mga kaibigan niya ang bumugbog doon.
At nandon lang siya para umawat, deserve rin naman nang mga kupal na third year yon dahil may hinarassed silang first year.
Pagpasok ay nasermonan na naman kami ni coach kaya tuloy ay tinatawanan na naman kami ng iba pa naming mga kateammates.
Nagpalit lang kami ng mga uniform namin na pang volleyball at nag umpisa nang mag warm up. Tapos nung breaktime ay nagpadeliver lang kami ng pagkain dahil sarado ang cafeteria ngayon kasi nga ay linggo ngayon. At walang mga estudyante, puwera sa mga athlete students na tuloy parin ang training kahit weekends.
Nagpahinga lang kami pagkatapos magbrunch at bumalik na naman sa pag se-serves nang bola.
"Where are you? Free ka ba mamaya? kung hindi okay lang."