London
"Saan kayo mag babakasyon?" Sheena ask while eating her burger na nabili pa namin sa kanto paglabas ng school.
"Ako uuwi ako, antipolo." puno pa ang bibig ni eli, kaya inabutan siya ng palamig ni beatrix. "dahan-dahan nga."
Kumagat lang rin ako sa footlong na binili ko, "buti nga makakapag swimming kami eh nakakamiss rin umuwi ng batangas" si shee.
"Ikaw london?" tanong ni elias na kaninang nabubulunan na ay nalunok na ang burger niya, "uuwi kami ni mama sa baguio."
"ah malapit na death anniversary ni tito diba" aniya ni beatrix, tumatango ako.
"naol sainyo, ako mag susummer vacation sa kwarto" tinawanan namin si beatrix, wala kasing uuwian na province sila ng mama niya. Lumaki na kasi sa maynila ang mama niya ang papa niya naman ay chinese.
Beatrix fleur Lim, ang buong pangalan ng dalaga.
"wala pala mga volleyball players, bumisita raw sa youth camp." si elias. "nagmamaktol nga yon si laxus eh ang init daw pero training parin" natatawang pang-aasar ni elias, kung andito si laxus paniguradong mag-aaway ulit sila non.
Kanina nag chat si Dimitri, kaya ako lang rin ang pumasok mag-isa. Ayos lang naman kasi walang maingay, doon pala sila pupunta. Isa sa mga busy kapag summer ay mga athletes ng school dahil imbes na vacation nila ay nag te-traing parin sila.
Pagbalik kasi enrollment ulit, tapos umpisa na ng laban nila para sa Youth camp ng Men's volleyball team.
Nagdaan ang araw at dumiretso uwi na kami, ngayon rin kasi ang mga uwi nang mga estudyanteng magbabakasyon sa mga probinsya, isang buwan rin ang bakasyon na ibinigay para sa'min.
Pagkauwi ay inintay ko lang saglit na makauwi na rin si mama galing trabaho. Nag-ayos lang rin ako ng pang dalawang linggong mga damit.
Mag iistay kami sa dati naming bahay, mga kalapit lang rin namin ng bahay ang mga kamag-anak ni papa.
Halos apat na oras kaming bumabyahe ni mama, medyo traffic nga lang din dahil nagkasabay-sabay na ang uwian, may sarili naman kaming sasakyan kaya less hassle. Alas sais na kami ng gabi nakaalis, mga alas diyes naman ng gabi nakarating kami.
Pagdating sa bahay ay ganon parin ang hitsura nito simula nang iniwan namin, medyo kinakalawang na nga lang ang gate namin. Pero pag akyat ay tumambad sa amin ang mga pinsan at si lola grace kasama si tita ysa, linisan na daw pala nila 'tong bahay.
Nag bless lang rin ako kay lola at tita, tapos ay nakipag kumustahan sakanila saglit.
Maya-maya ay iniwan na rin nila kami para makapagpahinga na raw kami. Gawa sa kahoy ang bahay ang disenyo ng bahay pero maganda at hindi nakakatakot. May tatlong kwarto rin dito, kusina at dalawang cr pagbukas ko ng messenger ko ay tumambad sa akin ang mga message nila sa gc at ang message ni dimitri na kakasent lang 1 hour ago.
Dimitri: nakauwi na raw kayo?
Ako: Yeah, kakarating lang namin.
Matutulog na sana ako, pero nagulat ako ng makapag reply agad siya.
Dimitri: Kumusta, memories bring back 'di ba?
Asar niya.
Dimitri: sayang namimiss ko na rin umuwi jan
Ako: kumusta youth training camp?
Dimitri: Bukas pupunta na kami doon, anim na campus magsasama sa iisang training camp. Friendly training.
Ako: ah okay.
Dimitri: pasalubong ko ah strawberry jam 😋
Ako: wala akong pera