28

270 7 2
                                    


"Brokenhearted ang Kap natin?" Maingay na salubong ni Aries ng makapasok.

Natatawang nag ilingan ang mga kasama ko. Para silang tatlong tuko na laging magkakasama ang sakit sa mata.

"Mahirap talaga ang pag commit sa relationship iiyak at iiyakan lang kaya huwag na mag lagay ng label," nakangising pang-aasar din ni Pio.

"Ito ang yabang talaga kahit kailan!" Mabilis na hinigit ni August si Pio para ikulong sa braso nito.

Natatawang tinapik ni Pio ang braso ni August nang sumuko na.

"May dala akong speaker. Hindi pwedeng walang background music kapag umiiyak!"

Ipinakita ni Paul ang bluetooth speaker niya. Hindi lang siya dahil ang hawak naman ni Aries ay mga snacks na ipang pupulutan lang din nila, si Pio ang may hawak ng dalawang bote ng alak.

Hinilot ko ang sintido ko natatawa sa mga kalokohan nila. Kinuha ko ang baso ko at sinalinan ng alak, mabilis ko itong nilagok na gumuguhit sa aking lalamunan.

"Ano ba kasing nangyari, tol?" Pio asked.

Umupo si Pio sa harap ko. Napangisi ako't mahinang natatawa kapag naalala ko ang nangyari kanina.

"Shot na! guys shot!" Solon loudly urge us for a cheers.

Ginawa namin ang gusto niyang mangyari at nakipag cheers sakanya.

Nakailang shots pa kami hanggang sa pinaghahalo na nila yung alak na lagi nilang ginagawa kapag nag iinuman kami. Napapikit ako nang maramdamang medyo nahihilo na rin ako, tinamaan na rin yata.

"Asan na yung sound diyan Paul!" Kantyaw ni August.

"Tangina sandale parang may utusan, a!" reklamo nito pero sinunod din naman.

Nilapag niya sa gitna ang bluetooth speaker na dala-dala, cinonnect niya lang din ito sa phone niya.

Mga lasing na rin sila dahil kanina pa kami umiinom. Nag hiyawan sila, malakas na nag tawanan nang tumingin sakin.

Yakap-yakap ko ang unan na galing sa couch ni Solon nakataas din ang mga paa ko sa couch. Pinanood silang humelera sa harap ko't kinantahan ako dahil 'Beer' ng itchyworms agad ang unang pinatugtog ni Paul.

"Shot puno, Tol!"

"Hindi ka na mahal non!"

"Marami pang babae dyan. Pakita mo kung sino ka Dimitri!"

"Ang beer na 'to o ang pag-ibig mo~"

"Masakit talaga mag mahal pre kung ako sayo iinom nalang natin 'yan."

Tinaasan ko silang lahat ng gitnang daliri muling nilagok ang alak na nasa baso ko.

"Nais kong mag pakalasing, dahil wala ka na~"

Sabay-sabay nilang kanta, nag akbayan pa sila. Pang asar na kinakantahan ako.

"Nakatingin sa salamin
At nag-iisa." Si Solon naman ngayon ang kumanta, lumapit ito at umupo sa tabi ko para tabihan ako.

"Nakatanim pa rin ang gumamelang binalik mo sa 'kin. Nang tayo'y maghiwalay~" This time it's August who's singing.

"Ito'y katulad ng damdamin ko kahit buhusan mo ng beer. Ayaw pang mamatay..."

Humalakhak si Paul nang si Aries na ang kumakanta. Inisdmidan ko sila at pinagmumura. Ano bang trip nila tangina nila lalo akong nahihilo!

"Giliw, 'wag mo sanang limutin
Ang mga araw na hindi sana naglaho
Mga anak at bahay nating pinaplano
Lahat ng ito'y nawala no'ng iniwan mo 'ko...Kaya ngayon~" Pio's feeling the song.

Half of Me (The Only Exception Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon