"Samahan mo na ako sa baking room. May kakausapin lang ako."
"Ayoko bakit ako pa ang isasama mo. Pwede naman si August, gusto non sa babae." I answered
"Tol," inakbayan ako nito sa balikat, "Seryoso na yata siya sa doon sa taga la salle. I heard parang liligawan niya na raw." He seriously said.
Liligawan niya na agad? parang wala pang isang buwan silang magkakilala non ah.
Hindi ko siya pinansin at isinuot ko na sa balikat ko ang itim na duffel bag ko pero biglang napigtas ito. Kahit si Solon na kanina pa ako kinukulit ay natigilan din.
"puta naman." Mahina kong mura.
"Oh...tagal na niyan 'di ba? first year pa tayo gamit mo na yan. Ilan taon na ba sayo yan? gusto na yata mag retired!" kantyaw niya.
Sinubukan ko itong itali para magamit ko pa mamaya pauwi. Mag lilimang taon na sana ito kung hindi napigtas, niregalo kasi ito ni London sa 'kin kaya palagi kong gamit. May isa pa naman akong duffel bag sa bahay, kaso ayoko nga lang ng kulay khaki at brown dahil parang madumihin kaya hindi ko ginagamit.
"Pagtitiisan mo pa iyan?" Si Solon na akala ko ay umalis na.
"Maawa ka naman jan. Bibilhan kita ng bago maghanap tayo sa prada samahan mo lang ako!"
Napatingin ako rito, dahil mukha naman siyang hindi nagbibiro kaya ngumiti rin ako at umiling na ikinadismaya niya.
Gusto niya kasing magpunta sa baking club, e. Halos puro babae ang members doon paano ay may bagong pinopormahan siya na student sa baking club. He's shooting his shot na raw bago pa siya maunahan kaso kanina pa ako tumatanggi.
"Kung hindi lang talaga loverboy si August ngayon hindi naman kita kukulitin bro. Sige na...hindi naman kita irereto don't worry!"
Bumuntong hininga ako at natigilan. Nilingon ko ito at sinamaan ng tingin.
"Sige na nga. Wag mo lang akong irereto!" mahina kong sinuntok ang braso nito. Hinimas niya pa yon at napaungol, mahina lang naman yon ah?
"Ano yon? nasaktan ka doon?" Hindi agad ito nakasagot kaya mabili kong itinaas ang manggas ng polo shirt niya.
My brows furrowed because I saw a bite mark. Mukha namang hindi gawa iyon ng pakikipaglandian niya dahil malaki, namumula at medyo nag v-violet na ito.
"Ano yan? Sino kumagat sayo?" tanong ko rito.
"Wala aso lang. Kinagat ako." Sagot niya at tinignan ang kagat sa braso.
"Ang laki naman ng aso na yon. Paturok ka baka ma rabbies ka pa at mamatay!"
Pang-aasar ko sakanya. Anong aso? sinong niloloko mo Solon! walang ganyang klase ng kagat ng aso halos makompleto na ang ngipin?
"Malaki nga...wild pa." mahina at natatawa niyang sabi ngunit sapat para marinig ko.
Pumunta kami sa baking room kung, marami rin ang estudyante rito ngayon dahil magkakasunod ang room ng mga clubs sa floor na ito. Buti nalang ay sinuot ko ang cap ko.
Nakasandal lang ako sa gilid malapit sa fire exit habang nag-uusap si Solon at yung babaeng pinopormahan niya. Kinuha ko lang ang phone ko para magtipa ng message kay London.
Ako:
London, san ka?
Ipinamulsa ko lang ang isang kamay ko at sa kabila naman ay hawak-hawak ko ang phone ko. Saglit kong tinignan sila Solon na ngayon ay nagbubulungan na sabay tatawa ng mahina yung babae. Korni naman makipaglandian.
Nabalik ang atensyon ko sa phone ko nang makita ang bagong reply ni London.
London:
Student council room.