London
Dimitri: Hi lods, good morning!
Ako: Anong goods sa good morning kung
ikaw ang bubungad.Dimitri: sungit mo naman, tara baba kana almusal tayo?
Ako: ayoko ng heavy meal sa umaga.
Dimitri: Ang tagal naman bumaba naku
I scoffed talaga pinapairal nito pagiging dominante niya no, kainis.
Isinuot ko na ang bagpack ko at binitbit na ang envelope na hindi na nagkasya sa bag ko, pagbaba ko sa sala nagkakape na si mama.
"London, hindi ka na naman mag aalmusal?" tanong ng kaharap ko
nakikagat lang ako sa toasted bread ni mama, "inaaya po ako ni dimitri ma, sa sunod nalang po" hinalikan ko ang noo ni mama.
"Okay pakabuti sa pag-aaral!"
paglabas ko ng pinto ay nakita ko na agad si dimitri na nakangiting kumakaway sa akin.
Talaga naman nakakainis sa paningin si dimitri dahil matangkad at pogi, hindi rin gaanong maputi sakto lang. Lagi pa may bitbit na malaking itim na bag akala mo may i-binag na tao e, kairita.
"aware ka ba na nakakainis ka tignan" parang pag tatanong pero hindi tanong na sabi ko
"thank you ha!" natatawang sagot niya, pasimpleng kinukuha na yung bagpack ko.
"bakit hindi ka pumasok?" tanong ko ulit
"nakita na ako ni tita eh, kaso nahihiya ako pumasok" hawak sa batok niya
"nahihiya ka pala..." I said.
"Tara san mo gusto?" He asked
"kahit saan" walang gana kong sagot
We ended up at the usual place kapag wala na kaming maisip na kainan, jollibee.
Walking distance lang kasi 'to malapit na sa campus, hindi ka na lalayo pa.
He ordered the usual breakfast for him pero ang pakielamero pinalitan yung 'akin.
"Bawal tumanggi sa biyaya, london." kung masama ugali ko iniwan ko na 'to.
Ayoko talaga ng rice sa umaga, yung inorder niya pa talaga bacon,egg,hotdog and rice. Ayos na ako sa hot coffee at pancake but he insist, I had no choice but to eat. Yes, maarte ako pero ayokong mag sayang ng pagkain.
"Tignan mo nga ang puti mo masyado hindi na normal yan, hindi ka kasi kumakain ng gulay eh tapos magpaaraw ka nga sa umaga!" sermon ng kaharap ko
"tanga morning class tayo."
Ngumuso lang siya na parang bata, lakas kumain ah. Malalakas ba talaga kumain kapag mga athletes?
ah I forgot, gusto ko sana siyang tanungin tungkol sa kahapon pero parang good mood naman siya baka masira ko lang.
bago sumubo ng panibagong kanin ay nagsalita na naman siya "May punishment rin kami kay coach, e. 100 receives daw" tawa niya, may nakakatawa ba ron.
"ah okay, good luck." dahil sa gulo kahapon.
Pagkatapos namin kumain dumiretso pasok na rin kami, bago pa kami makapasok sa main gate naghiwalay na rin kami, sakto nakita ko na sila sheena at beatrix. Kasunod non ay sila solon at august, pati na rin sila laxus at elias, na kinakailangan rin pumasok ng maaga dahil damay sila sa punishment.
"Morning london!" bati nila solon at august
"morning." Laxus said as usual
"Morning guys!" masiglang bati rin ni sheena.