14

186 3 0
                                    


I growl because of the noise of my ringtone. If I'm not mistaken, it vibrated three times. Wala naman akong naalala na nag set ako ng alarm ngayong araw, dahil na nga rin sa may one week kaming pahinga sa training at sunday ngayon. Kaya walang dahilan para maagang gumising.

Padabog akong umupo, ginulo pa ang buhok ko at nag kusot ng mata. Kinuha ko na ang maingay kong phone sa lamp table. Mas lalo akong nainis ng makita kung sino ang tumatawag.

"What the fuck dude! Alas nuwebe palang ng umaga!" singhal na bungad ko.

Natawa ito. "Jeez it's early in the morning and the first thing you did is swear,"

Minura ko siya. Aba ang tarantado ang aga-aga tumatawag para mang istorbo sinong hindi mababadtrip? When I catch you Solon!

"Fuck you!" hindi pa nakuntentong mura ko sakanya, tinatawanan niya lang ako kaya mas lalo akong naiinis. "Sorry, dude. I don't fuck with guys," Humalakhak ito na nakapagpatawa rin sa'kin. Hayop na 'to ang sarap bigwasan, e.

"Sabihin mo nalang ano bang kailangan mo puro ka kalokohan," I said.

"Suntukan g ka ba pre? Papawis lang," sagot nito. Dahil maloko rin ako ay sinagot ko rin siya.

"Suntukan? G ako, exercise sa umaga." Humalakhak kaming pareho.

"Tangina mo! Mas malaki ang biceps mo sa 'kin baka i-kiss ko lang yan eh," ang loko sinubukan pa na paliitin ang boses niya para mag tunog sweet. Kaso parang nakakatrauma yata?

"Gusto mo lang pala i-kiss ang biceps ko nang iistorbo ka pa," I said and laughed a bit.

"Seryoso na. Kasi ano pre...may friend ako na kaclose ko, e. No'ng nag meet kami ulit humingi ng favor, putcha ikaw pala ang type hinihingi number mo." tuloy-tuloy na kwento niya.

Kumunot ang noo ko dahil parang alam ko na kung saan papunta ang usapang 'to.

"oh anong ginawa mo?" tanong ko. "Ayon... binigay ko," he said.

Ilang beses ko siyang namura sa inis ko. Pero nag sosorry lang siya at tumatawa pa nga. Sinabi ko naman kasi na ayokong binibigay ang number ko sa kung kanino, noon ang hilig kasi namin pag tripan ang isa't isa na sinusulat namin sa public toilet ang number namin kaya kapag may tumawag na ay maang-maangan na kami. Pero nung nag second year kami ay tinigil na namin yon dahil napagalitan kami ni coach, ewan ko kung pano niya nalaman.

"Siraulo ayoko! kung type mo yun edi ikaw ang pumorma bakit ako pa." Irita kong sabi. "Humingi ng favor eh saka ang cute mag beg sabi niya she just wants to be friends with you,"

"Pre, ang tagal mo na kasing single! Naisip ko why not? Maganda, matalino, sexy at matalino naman yun si Elle. Why don't you try seeing new girls again?" Dagdag pa niya.

"Don't tell me hindi ka pa nakakamove on sa ex mong si Aria!" Sigaw nito. Kaya inilayo ko sa tenga ko ang phone.

"Nag-isip ka na lang rin hindi ka pa nag isip ng maayos tarantado!" Sigaw ko pabalik.

"Matagal na akong naka move on. It's not even a serious relationship wag kang assuming!" I said. "Then try befriend with Elle! Wala namang mawawala kung t-try mo 'di ba?"

I sighed.

"Okay then... just friends." I said, "Talaga? Wow sige sasabihin ko sakanya! By the way confirm mo raw siya sa facebook!" he excitedly said.

"Later, pero kapag kumulit yon. I'll block her," I seriously said.

"O'sige bahala ka! Promise mabait yon, Sige na ibababa ko na yung tawag," I answered, okay. Before he hang up the call.

Ginulo ko ang buhok ko. Binuksan ko ang facebook ko para tignan ang friend requests ko. Kumunot ang noo ko. What the? bakit 6k requests!

Nag scroll lang ako para mahanap ang account nung sinasabi ni Solon na Elle. Sa hindi kababaan ay nakita ko rin agad ang profile pic netong nakatalikod at background ay sunset.

Half of Me (The Only Exception Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon