Yung party na sinasabi ni Vega sa'kin ay frat party yun ng mga varsity players sa eskwelahan, si Krista ang host dahil wala siguro ang parents niya. Isang may-ari ng pagawaan ng sinulid ang parents ni Krista kaya ang yaman nila at kung makapag-party siya ay bongga.
Hindi gaya sa'min na pambihira lang ang ganoon, pero nakilala ko lang si Krista dahil kay Vega. Vega is a social butterfly that's why she gained a lot of friends inside and outside of our school.
Gusto kong sabihing social climber pero parang may pagkakatulad na'rin at hindi din magandang pakinggan ang social climber at magagalit pa si Vega sa'kin.
Umuwi muna ako sa amin para makapagbihis. Mayroon akong naisip na outfit dahil paniguradong maraming lalaki doon, at gusto ko talagang magpakasaya dahil tapos na yung final exam.
As I am making my way through the porch of our house, I stop midway because of what I see.
Umasim agad ang timplada ng mukha nang makita si Idy sa hagdan sa porch. May isang maliit na rose siyang pinaglalaruan at nang mag-angat siya ng tingin ay tahimik lang akong nagpatuloy papasok ng bahay.
Nakasalubong ko si papa sa loob nang pumasok na ako.
"Oh Ady nandito ka na pala! Nandyan si Idy sa labas nakita mo ba?" he beams as he sees me.
Tumango lang ako saka nakayukong nagpatuloy papunta sa kwarto ko.
Nakakainis lang dahil nandito na naman sa bahay yung anak niya sa labas. Manghihingi na naman ng pera yun. Kahapon nanghingi yung Idy na yun kay papa ng five hundred tapos ngayon hihingi na naman? Hindi na nga ako nakahingi ng pera kay papa dahil kinabig na niya.
Pinasok ko muna ang bag ko sa loob ng kwarto, hindi pa ako nakapagbihis dahil magpapaalam muna ako kay mama na aalis ako papunta sa party ng bahay ni Krista.
I find my mother in our kitchen, she's washing the dishes as her back is facing me.
Tinawag ko siya para hindi siya magulat na nasa likod na pala niya ako.
"Ma?"
Lumingon siya sa'kin na nakataas ang dalawang kilay. "Oh nandito ka na pala, Ady. Tapos na ba yung klase niyo?"
"Tapos na po yung exam namin." Kumuha ako ng isang baso at binuksan yung five-year-old refrigerator namin. "Siya nga po pala ma, magpapaalam po sana ako. May party sa bahay ng kaibigan ko at niyaya niya ako. Pupunta po ako."
Hindi siya huminto sa paghuhugas pero seryoso na ang boses niya. Her voice turns stern but relax. "Party? Malayo ba yun?"
"Hindi naman po. Malapit lang doon sa may Tartar bay. Hindi naman po ako magpapagabi."
"Siguraduhin mo lang na may masasakyan ka pa mamaya, Ady—"
"Ma huwag niyo nalang akong tagawin sa palayaw na yan. Nagiging katunog ko si Idyana eh."
"Yan naman talaga ang palayaw mo." sagot niya na walang halong biro.
"Narra po ang tawag sa'kin dahil po Nadiya Ramiya naman ang pangalan ko kaya pina-shortcut lang."
"Sus ang dami pang arte." reklamo niya.
Pero napangiti lang ako at uminom ng orange juice na malamig pa. Ako na ang naghugas ng baso na ginamit ko dahil si mama na yung naghugas ng ginamit nila sa pagkain nila. Pumasok na'rin ako sa kwarto ko para makapagbihis.
I choose the off-white dress I bought last month with my money from winning the badminton contest with my friends, kung sino ang mananalo ay may premyo kaya nagsumikap ako na manalo para makuha ko yung price. Hindi naman kalakihan, five hundred lang naman. Kaya pinaniguro ko na manalo ako kasi sayang yung five hundred na allowance ko para sa isang linggo.
BINABASA MO ANG
Color of Hate (School Series #1)
RomanceSCHOOL SERIES #1 | 18+ Narra Palermo believes boys are only destruction. Aiming to be one of the top students of their school, she rather choose books over boys. Getting higher grades means so much to her that's why she doesn't want destructions. B...