Nang dumating si Idy nang hapon ay saktong kaharap ko ang laptop ko at nanunuod ng bagong drama sa Netflix. I just want something to do. I cannot read because the words from the books don't enter in my head. Wala na'rin akong nililinis kasi lahat natapos ko na.
So I just watch a drama instead of reminiscing. Kaya naabutan ako ni Idy na seryosong nanunuod. Mabuti nalang ay thriller itong drama kaya hindi boring. Nakatulong din sa akin kahit papaano.
Umupo sa harap ko si Idy habang may cup ng ice cream na hawak. Binaba niya ang isang cup sa harap ko pati yung plastic na scooper nito.
"Saan ba dinala ni Conan si Braden?" Unang tanong niya habang sinasablay yung binti niya sa armrest.
"Sa amusement park."
"Kasama yung girlfriend?" she asks again.
I shrugged my shoulders while my attention is on my laptop. Nagsimula akong kumain ng ice cream. "Hindi ko alam. Baka nga kasama niya."
"Curious ako sa itsura ng girlfriend niya. Pero sabi mo ay maganda. Expected na ang ganun, hindi naman papatol si Conan ng pangit. Dati pa naman siya ganyan. Sila nung Elijah na yun." sambit niya na may halong pait na sumabit sa tip ng dila nila.
Mabuti nalang at ice cream ang kinakain namin kasi matamis. Kung hindi ay baka walang may ganang kumain kapag spaghetti ang kainin namin. Mabuti nalang pala at bumili siya sa convenience store na dinaanan niya.
"Kaya nga hindi seryoso sa akin si Conan noon, kasi hindi naman ako kagandahan." I spit.
"Maganda ka pero hindi ka pasok sa standard niya." Biglang dugtong niya. "Alam mo, mas gumanda ka lalo nang nagkaanak ka. Alam mong depende yan sa babae, yung iba ay nalolosyang kapag may anak pero ikaw, you managed to become prettier even when giving birth to Braden. At isipin mo, hindi ordinary boy lang si Braden kaya sa ibang babae ay losyang na sila kapag may anak na ganun. Maswerte ka. Nakuha mo siguro ang genes ng mama mo."
Napangiti ako nang itinaas ko ang tingin sa kanya. "I heard your compliment, Idy Palermo." I say in a tease.
She just rolls her eyes. "Mas maganda ako kaysa sayo no." Hindi nagpapatalo niyang sagot.
Sumandal ako sa long sofa. "Anong oras ba pupunta dito si Jelena? Tutuloy ba siya o ano?"
"Tutuloy. Papunta na yun dito." sagot naman niya habang busy sa pagkain.
Pinagpatuloy ko yung pagnuod ko kahit nakakadiri yung eksena kasi may patay-patay ganun pero seryoso lang akong nakatingin kahit kumakain ako ng matamis. Hindi na sa'kin bago ang ganito kasi simula noong pinanganak ko si Braden ay nawala yung pandidiri ko sa ganitong eksena sa screen. It's nothing compared to what I have been through.
Sinabi ko kay Idy yung lahat ng problema ko nitong mga nakaraang araw, expect yung nangyari kanina. Hindi ko pa magawang sabihin sa kanya kasi ayokong pag-usapan namin si Conan at Ximina. Alam ko na sa kanila talaga sesentro ang usapan at ayoko talagang marinig ang pangalan ng dalawang taong yun.
Wala akong ibang pinagkukuwentohan sa problema ko kundi sina Idy lang at si Jelena kasi sila lang yung malapit sa akin. Sila lang din ang handang tumulong kapag sa oras ng pangangailangan ko.
Ilang minuto lang ay narinig namin na may tumawag mula sa baba. Agad na tumayo si Idy at binaba ang cup ng ice cream niya.
"Si Jelena na yun. Sandali at bubuksan ko lang ang gate." Pagpaalam niya.
I pause the drama I'm watching and then I just turn off my laptop. Hindi naman ako makaka-focus sa pagnuod kasi nandito na si Jelena. Sinara ko ang laptop ko at kinain nalang yung ice cream kaysa matunaw, sayang.
BINABASA MO ANG
Color of Hate (School Series #1)
RomansaSCHOOL SERIES #1 | 18+ Narra Palermo believes boys are only destruction. Aiming to be one of the top students of their school, she rather choose books over boys. Getting higher grades means so much to her that's why she doesn't want destructions. B...