Chapter 19

554 20 1
                                    

I can't sleep thinking about my father landed on an accident. Ang sabi sa akin ni mama ay nakainom daw si papa pero hindi daw masyadong lasing dahil kaya pa nun magdrive. He's in the hospital and he could be out the next day after tomorrow.

But the most shocking news I received from my mother was that my father isn't the only one who's in the hospital. May nakasabay daw ang papa ko sa disgrasya at hindi ko alam kung sino.

Hindi daw niya nabangga dahil nagsumikap si papa na yung puno nalang ang mabangga kaysa yung tricycle pero nakaiwas nga ang tricycle driver sa mini truck pero nabangga naman nito ang barandilyas sa highway base sa CCTV na nandoon.

Hindi ko lang inalam kasi sobra akong nag-aalala kay papa. I'm in my room and just lying on the bed. I also forgot about Conan. I don't know what's the problem but all I think right now is my father's fair.

Nakatulog ako ng alas dose na dahil dun lang ako dinalaw ng antok.

Kinabukasan ay ang sabi ni mama ay aalis daw siya para bisitahin si papa. Gusto ko sanang sumama sa kanya kaya lang ay sabi niya na huwag na daw akong sumama para hindi na hassle pa. Kaya pumasok nalang ako sa trabaho.

Pagdating ko sa groserya ay saka ko lang naalala na hindi dumaan si Conan sa bahay namin at ganun din sa tindahan. Kapag hindi siya sa bahay dumadaan ay sa tindahan niya ako sisilipin kung nakapasok na ako.

But there's no sign of Conan in the grocery store.

"Sorry Ava nahuli ako ng ten minutes. May emergency kasi sa bahay." Matamlay napapagod kong panimula.

Tinanggal niya ang suot na jacket saka sumagot. "Okay lang. May emergency naman sa inyo kaya maiintindihan ng boss yun." sabi niya at sinampay sa likod ng upuan ang jacket niya.

Sinapo ko ang buhok na nakatali at pumasok sa staff room. Binaba ko lang ang bag ko sa pwesto ko doon atsaka inayos ang buhok at nanalamin muna ako sa banyo bago lumabas.

Naglakad ako papunta sa pinto para silipin ang mga tao sa labas. It's still pass seven in the morning and a lot of people are gathering in the park. Some of them are just sitting there with a cup of coffee in their hands and some are stretching, mayroon naman akong nakitang may dalang aso na nilalakad.

Pagpasok ng isang customer ay binuksan ko ng maluwag ang pinto at sinarado. Hinayaan ko siyang mamili at sumunod pa yung iilang customer at may nagpatulong kaya tinulungan ko sa paghahanap ng items na bibilhin nila.

Few hours later, the store gets busier with several customers coming in to buy. Aligaga naman ako dahil dumadami ang mga tao sa mga ganitong oras. I think we have more than ten customers in the morning.

Alas onse nang umupo ako sa gilid ng bintana pagkatapos kumain ng dalawang estudyante doon. May apat na lamesa naman ang nandoon bawat sides pero pwesto namin palagi ni Conan ang palagi kong inuupuan kasi ang daming memories namin sa lamesa na yun.

And I miss him terribly.

Tinext ko siya kanina ng dalawang beses bago pa ako umalis ng bahay. Pero hindi siya sumagot agad. Pati kaninang nasa loob ako ng staff room ay chineck ko muna ang cellphone ko kung may reply niya pero wala pa akong natanggap.

I don't know what's the matter with him, kung may problema siya ay sana hindi yun gaanong kalala.

May nakita akong couple pero napangiwi lang ako dahil sa inggit. Saka ko lang talaga namiss ng sobra si Conan kasi hindi siya nagparamdam sa akin ng ilang oras. Kagabi pa.

Hapon na ay nasa counter ako at ako muna ang bantay dahil lunch time palang ni Ava.

Ala una na kami nahinto sa pag-asikaso sa mamimili kasi apat na sunod-sunod na customer ang pumasok kaninang alas dose, kakain pa sana ako kaya lang ay sinabi ni Ava na huwag lang muna daw akong kumain para mas mapabilis ang trabaho pero mas dumami lang ang customer kaya hindi na kami nakapag-lunch agad.

Color of Hate (School Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon