Nang maihatid kami ni Conan sa bahay ay hindi niya agad kami pinababa. Hiningi niya sa akin ang susi ng gate para mabuksan at pati na yung susi ng bahay. Hindi ko alam pero para akong nakasabit sa ulap, lutang ako at masyadong nagpadala sa daloy ng tono niya.
Ang lambing kasi ng boses niya pero alam ko naman na ganun lang siya kasi kasama namin si Braden.
"Anak sunod ka na kay papa. Pasok ka sa loob at magbihis." sabi ko sa anak ko.
Pero agad siyang umiling. "No."
I sough. "Masakit ang isang paa ko, hindi ako makakalakad ng sabay sayo. Susunod ako promise." I assure him.
He pouts. I unfasten his seatbelt. He holds his lunch box. Inalalayan ko siyang makababa. Pumasok siya sa may gate at ako naman ay dahan-dahan na lumabas ng kotse. Para akong naglalaro ng piko-saya papunta sa may shotgun seat. Binuksan ko yung pinto doon para kunin ang sapatos ko.
Nang saktong maisarado ko ang pinto ay narinig ko si Conan na pababa mula sa itaas sa may bahay.
"Anong ginagawa mo? Bakit ka lumabas?"
Nagmamadali siyang naglakad papunta sa akin para alalayan ako. May pag-iingat ang hawak niya sa akin kung kaya't lumabas na naman ang pagkailang ko sa kanya.
"H-hindi, okay lang. Ako na ang bahala."
"Upo ka doon sa may hagdan, ah hindi, dito nalang. Tatanggalin ko ang sprain sa paa mo para mawala ang sakit."
Binuksan niya ulit ang pinto ng front seat at pinaupo ako. Talo naman ako. Pero kung ito lang ang paraan para bumalik sa dati yung ayos ng lakad ko ay okay lang.
Napausog ako ng kunti sa inuupuan ko nang walang arte siyang umupo sa sahig ng kotse sa tabi ng pinto. Nagkasya siya doon kahit ang laki niya.
Tuwid akong napaupo nang kunin niya ang paa ko na na-sprain. Dahan-dahan niyang dinala sa ibabaw ng hita niya at hinilot-hilot. Ako naman ay pigil-hiningang nakatingin sa ginagawa niya. I should have kick him because this is my only chance to do it, but I can't. Hindi ako makakatakbo kung gawin ko yun dahil mahuhuli niya ako.
"Masakit ito, bear with it for the couple of seconds okay?"
I nod as a response.
Minasahe niya pa ang paa ko at walang sabi-sabing ginalaw ang paa ko. Parang nabali ang buto ko ng ilang segundo.
"Ouch!" I react.
Napahawak ako sa tuhod ko at hinintay na humupa ang sakit sa paa ko. Maya't-maya lang ay ginalaw ko ng maayos ang paa ko at wala na ang sakit dahil sa tulong niya. Kung hindi niya ako tinulungan ay baka ma-dislocate ko na ang buto ko kung ako lang ang gagawa nito sa loob ng bahay.
"Hindi na masakit?" usisa niya.
Umiling ako at hinimas ang paa ko na nasa ibabaw pa'rin ng hita niya. "Hindi na. Thank you." sabi ko.
He nods.
Tinanggal ko agad ang paa ko dahil nakakahiya sa kanya. Baka isipin niya na gusto ko yung pagpatong ng paa ko sa hita niya.
Nasagi ng paa ko ang kanyang kamay. Napayuko ako at kunwaring inayos ang bag ko para hindi mahalata yung pagkailang ko. Naramdaman niya siguro na nailang ako kaya tumikhim siya at dahan-dahang tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig ng kotse.
Kinuha ko ang sapatos ko. Binitbit ko nalang kaysa ang isuot ulit dahil baka hindi na ako makalakad sa susunod, baka mabali na'rin ang paa ko. Sinarado ni Conan ang front seat saka sumunod sa akin.
"Hindi ka ba magtsitsinelas?" he asks all of the sudden.
Bahagyang nilingon ko siya, hindi ako literal na humarap sa kanya. Sa gilid ng mata lang ako tumingin sa kanya habang patuloy na naglalakad paakyat.
BINABASA MO ANG
Color of Hate (School Series #1)
RomanceSCHOOL SERIES #1 | 18+ Narra Palermo believes boys are only destruction. Aiming to be one of the top students of their school, she rather choose books over boys. Getting higher grades means so much to her that's why she doesn't want destructions. B...