Chapter 31

609 23 8
                                    

Hindi ko na ulit sinabi kay Idy na nakita ko ulit si Conan pagkatapos ng huling pagkikita namin kagabi. Magtatanong na naman siya sa akin kung kaya ko ng sabihin kay Conan yung tungkol kay Braden. Pinangunahan kasi ako ng takot ko.

Kinakabahan ako at naiiyak din. The wound he caused me is still here. It's like yesterday since he made my heart bleed.

Hindi ulit ako nakatulog ng maayos. Para akong may insomnia dahil sa takot na nararamdaman ko habang iniisip ko kung paano ko sasabihin kay Conan. It's like the world is doing us a favor to meet again. Pangalawang beses ko na siyang nakita at sa mart pa na palagi kong pinupuntahan.

Hindi yun kalayuan mula dito sa street namin kasi ang lapit din ng palengke. Posible kayang malapit lang din dito sa Dinagat yung address ni Conan. Kung magkikita man kami ulit ay sana nasa maayos na pag-iisip ako. I don't want to face him with so much despair. I'm still hurt but I can't blame myself that I hate me for being this weak because of him.

Kinapa ko ang puso ko.

Nandito parin ang kirot. Seven years ago, sobrang sakit ng dinanas ko. Nasamahan pa noon ng panganganak ko sa eskwelahan—na hindi ko alam na buntis pala ako, nagkaroon din ako ng postpartum at yung case ni Braden. Walang lunas yung autism pero may pag-asa pang maging normal yung buhay niya habang nandito lang ako sa kanya at nakasuporta.

Pero paano kung hindi kayang tanggapin ni Conan na ganito yung kondisyon ni Braden. Ano kaya ang magiging reaksyon niya? Ayokong ilagay sa alanganin ang lahat ng ito.

Alam ko na kapag sinabi ko na anak niya si Braden ay maniniwala agad siya sa akin, lalo pa't may pagkakahawig sila. Braden has the same face with his father and they shared the same eyes, akala ko nga ay akin yun. Yung labi lang at yung tenga yung namana ni Braden sa akin kasi yung ilong at skin color niya ay parehas kay Conan.

Hindi ako nakatulog agad dahil sa kakaisip ng kung ano-ano lang habang may takot sa dibdib. Maaga na naman akong nakatulog at ilang oras lang din ay nagising ulit ako.

Idy woke up first because she has something to do. I found her in the kitchen eating her favorite cinnamon rolls and black coffee with cream for breakfast in the morning.

The two of us has the same traits. We're both introverts. We don't party and we tend to stay at home instead of  skipping in the streets. She loves cinnamon rolls while I love ice cream. I love warm milk day and night while she prepares black coffee with cream day and night.

Pagkakita sa akin ay tipid na ngiti ang ginawad niya sa akin.

"Oh, napaano ang mukha mo?" tanong niya habang tinuturo yung mukha ko.

"Hindi ako makatulog ng maayos kagabi. Ala una na ako nakatulog."

"Bakit?"

Nagkibit-balikat ako at pinikit ko ang aking mga mata. It's Sunday today and it's a good thing that we don't have offices tomorrow and no classes for my kid also.

"Iniisip mo ba yung sinabi ko sayo nitong nakaraang gabi?"

Hindi ako kumibo. Problema ko naman talaga yung sinabi niya yung tungkol kay Braden at sa ama niya. Braden knew he has a father but I just told him that he's far away. Hindi siya nagtatanong sa akin kung nasaan ang papa niya kasi nakakalimutan niya minsan na may papa siya since lumaki siya na hindi niya kasama ang papa niya.

I frown. My anxiety strikes again. "Pwedeng huwag nalang muna natin yan pag-usapan? Para akong nalulunod kahit hindi naman ako nasa tubig. Saka, iiwasan ko munang pumunta ako sa ibang lugar baka kasi magkita na naman kami."

She rolls her eyes and puff a sigh. "Fine. Ikaw naman kasi ang mother ni Braden. Saka, kung ayaw mo pang sabihin kay Conan edi, huwag lang muna. Hindi kita prinepressure, concern lang ako at suggestion ko lang yung sinabi ko. Huwag mo masyadong isipin yun, relax ka lang. May mahabang oras ka pa para gumawa ng desisyon."

Color of Hate (School Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon